CHAPTER 19

10 5 0
                                    

A/N: ERRORS AHEAD! PEEP! PEEP!

"good morning." Sumulyap muna ako sa loob.

"Hey.. goodmorning. Come in" nakangiting banggit niya.

Masaya naman akong pumasok at umupo ulit sa pwesto ko.

"How's your sleep?" Tanong niya sa akin.

"Ayos naman. Na-miss ko yung kama ko." Pabirong sabi ko. He just chuckled.

"Santi will come here later.." balita niya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"We'll have a talk about the company's problem."  Patuloy niya.

"Hmm.. s-sige Paul--"

"Baby." He corrected.

"B-baby. Kakausapin ko siya mamaya."

"Okay. Kumain ka na?"

'hala pa-fall'

"Yup. Tapos na. Ikaw?" Pabalik kong tanong.

"Hindi pa.." he answered.

"Hah!? Bakit di ka nag-agahan bago pumunta dito?!" Naiinis kong tanong.

"Nagmamadali akong pumunta dito, para makita kita." Sabi ulit niya habang diretsong nakatingin sa akin.

"Ang harot naman Paul!" Natatawang sabi ko. "O sya! Antayin mo ko, pagtitimpla kita ng kape."

Lumabas ako at nagprepara para ng amusal ni Sir. Isang black coffee ang inihanda ko at dalawang toast bread.

'okay na siguro to.'

Pagbalik ko sa opisina ay naabutan ko si Sir na parang nagmamadali sa pagtatype or more like natataranta.

"Hey." Biglang sabi niya. Kumunot naman ang noo ko, ngunit sa huli ay pinili kong balewalain iyon.

"Breakfast." Sabi ko sabay itinaas ag tray na hawak ko.

Nakangiti niya lang ako pinagmasdan habang papalapit sa desk niya.

'leche naman to! Naiilang na 'ko sa mga pangiti-ngiti neto. Parang laging may binabalak na masama.'

Nasa kabilang side ako ng desk at doon inilapag ang tray niya. Tatalikod na sana ako ng biglang magsalita si Sir.

"Baby, come here." Aya niya.

Lumingon ako sa kanya at dahan-dahang lumapit papunta sa tabi niya.

"What now?" I impatiently asked.

Walang sabi-sabing hinuli niya ang bewang ko at hinila papalapit sa kanya hanggang sa mapaupo ako ng patagilid sa hita niya. Napatili ako sa pagkabigla.

'OMAYGADD! Mabigat ako Sir!'

"Eat with me." Utos niya.

"Kumain na ako." Nag-iinarteng sabi ko. OO! nag-iinarte talaga ako.

"I miss you." Sabi niya sabay pulupot ng braso niya sa bewang ko at doon ako niyakap. Sumubsob ang mukha niya sa tagiliran ko. At di ako komportable sa pwesto namin dahil halos mahalikan na niya ang dib-dib ko.

'nakalimutan kong na half-body na nga pala ako nito. Huhays.'

"I miss you too." Tanging sabi ko. "Baka mahuli tayo."

"Nope. Hindi sila basta-basta pumapasok sa office ko."

I just nod. Kumuha ako ng isang toast bread at inilapit iyon sa bibig niya.

Undying Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon