Errors Ahead! Peep! Peep!
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pag-ingit ng pinto, pilit kong idilat ang mga mata ko para tignan kung si Sir na ba ang dumating. Sakto namang pag lingon ko ay nakanganga siya at mukhang nagulat na ewan.
Dahan-dahan akong napatingin sa kung anong tinitignan niya hanggang sa mapagtanto kong nasa suot ko ang paningin niya.
Sa suot ba o sa katawan?
Naka Spaghetti Strap lang ako na white at short shorts na color baby pink. Ang posisyon ko naman ay komportableng nakadapa habang naka taas ang kanang binti at nakalapat ang dalawang braso sa magkabilang side ng kama
"Sir?" Alinlangang tawag ko sa kanya.
"D-dinner's ready." Tanging sabi niya saka isinara ulit ang pinto.
Umiling-iling akong napatayo at nagtungo sa banyo para maghilamos, nagsuot lang ako ng plain mustard jacket para matakpan ang imaginary cleavage ko at nagpalit ako ng shorts na mas mahaba kaysa sa suot ko kanina, kulay itim na ang kulay.
Pagbaba ay agad kong hinanap ang boss ko at natagpuan ko nga siya sa dulong table. Naka black statement Shirt siya. 'The Bad Boss' ang nakasaad at nakalagay ito sa pinaka gitna ng shirt niya gamit ang maliliit na font, hindi ko naman na napansin ang pambaba niya dahil natatakpan ito ng mesa. Agaran akong lumapit at dahan-dahang umupo.
"G-good evening Sir." Bati ko.
"Mmm.."
"Eat." Utos niya.
Tumango lang ako at saka sinimulan ang pag kain, hindi ko na inisip ang hiya at talagang sumugod na ako sa seafoods na nasa harap ko. Gutom na gutom ako ngayon at nakaligtaan kong mananghalian dahil hindi naman ako nakaramdam nun kanina sa sobrang inis. Sunod-sunod ang pagsubo ko. Subo ng crab at kanin sabay higop ng mainit at malasang sabaw.
Matapos ang ilang minuto ay pareho kaming napasandal ni Sir sa sari-sariling upuan at saka napahimas sa tiyan. Maya-maya pa'y dumating ang waiter at isi-nerve sa amin ang specialty dessert nila.. busog man kami dahil sa heavy dinner ay hindi namin nagawang palagpasin ang dessert.
Tahimik lang kami sa buong dinner pero hindi naman kami nakaramdam ng pagkailang. Well.. ako hindi, ewan ko lang sa kanya.. ayaw ko ring mag-initiate ng topic dahil pinaninindigan ko ang galit ko sa kanya. Hindi pa rin nawawala yun eh.
Kaya ng natapos ay simpleng pasasalamat lang ang ginawa ko at nauna nang tumayo at umalis sa mesa.
Isa siguro akong hangal dahil umaasa akong hahabulin niya ako at hihigitin ang kamay ko at saka tatanungin kong saan siya nagkamali at kung bakit ganoon ang pakikitungo ko sa kanya.
Well.. A secretary can hope...
Pero nakarating na lang ako sa kwarto ko ay walang Astronomer na sumunod, walang Astronomer na nagtanong kung saan siya nagkamali, walang Astronomer na nanghingi ng sorry..
Maybe he's not aware of his fault.. or maybe he's not aware that someone got hurt because of his foul words. Or maybe... he really doesn't care? But on the other side, maybe he's right. Ako lang itong O.A. baka hindi naman talaga kailangang ipakilala ako dahil hindi ako kailangan doon. Or baka nagmamadali siya.
But he can decline Mr. Gavino about introducing myself without saying 'hindi na dapat ako pag aksayahan ng oras.'
What the fuck is happening to me!? Bakit ba ko nagiging ganto.
Yngrid? You're not this. You're. not. like. this. Bakit ba apketadong-apektado ka?
Iniwasan kong mahiga dahil kakakain ko pa lang kaya nag-stay na lang ako sa veranda kung saan tanaw ang ilang kabundukan at ang forest park.
BINABASA MO ANG
Undying Kind Of Love
FanfictionDawn and Paul's wedding are all well-planned all they have to do is the ceremonies, Dawn will walk down the aisle teary-eyed because of happiness while Paul is waiting her at the altar and they'll exchange vows, they'll promise in front of god that...