CHAPTER 24

8 2 0
                                    

Naalimpungatan ako ng makarinig ng ilang pagkatok sa pinto ng kwarto.

"Yngrid? Yngrid kakain na.. labas ka muna.." marahang sabi ni Elma mula sa labas ng kwarto ko.

Kunot-noo kong pinagmasdan ang pinto habang kinakapa sa bedside table ko ang phone.

I squint when the brightness of my phone hit directly to my eyes.

Wala akong makita pansamantala sa phone ko hanggang sa masanay ang mata ko sa liwanag nito.

It's 7:00 pm??

Ilang oras ba akong nakatulog?

"Yngrid?" Tawag muli sa akin ni Elma.

"Oo.. lalabas na." Sigaw ko. Tamang tama lang na maririnig ni Elma.

Dahan-dahan akong bumangon. Ramdam ko ang pangingirot ng gilid ng ulo ko.

Matapos kasing tumambay sa parkeng iyon ay nagbalak na akong umuwi. Maglalakad lang sana ako hanggang sa makaabot sa kalsada. Ngunit bago pa man makarating doon ay nadaanan ko na ang isang bar, walang masyadong tao roon at mukhang hinahatak ng alak ang sistema ko nung mga oras na 'yon. Kaya ayun. Napainom ako.

Ni hindi ko nga alam kung bakit at paano ako natunton ni Elma.

Hindi na ako nag-abalang magbihis at maghilamos man lang. Lumabas na ako ng kwarto at nagdire-deretso sa dining. Naabutan ko naman si Elma na kasalukuyang nagsasandok ng ulam sa kaldero.

'uyyyy sabawwwww'

Nananakam na ako. Anong oras pa ba noong huli akong kumain?

"Psh! You look like hell.." sabi sakin ni Elma ng makita ako.

"Ha?" Walang ganang sabi ko

"I said, You look like..."

"Hatdog." Walang ganang sabi ko ulit.

"Kainis naman toh!" Angil niya sa akin.

"Tsh! Inaasar mo pa kase ako eh."

"Anong inaasar? Totoo yung sinasabi ko hoy!" Sabi ni Elma.

Taka ko siyang tinignan, iniisip ko kung may nalalaman ba siya sa nangyare sakin. Sigurado kasi ako na kung meron man ay hindi ganito ang magiging trato niya sakin, baka subuan niya pa ako dahil sa sobrang pagco-comfort.

"Tss. Gutom na ko." Sabi ko.

"Edi kumain ka." Mataray na sabi niya.

Kunot-noo ko siyang tinignan.

"Ano bang nangyayare sayo?" Tanong ko sa kanya. Di ko alam kung bakit ang bilis bilis ko ng mairita. Sa simpleng pagtataray ni Elma ay naiirita ako..

Bakit ganun?

"Wala!"

Isang buntong hininga ang naibuga ko.

"Mamaya nalang ako kakain." Sabi ko sabay tayo ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng kusina ay muling nagsalita si Elma.

"Nakakainis kasi eh!" Sigaw niya bigla na siyang nakapagpalingon sa akin.

'hala ano bang ginawa ko?'

"Ano?"

"Nakakainis! Sabi ko naman sayo niloloko ka lang nun ni boss eh! Tama yung hinala ko! Kaya naging ganoon kadali ang lahat para sa kanya kasi nga he's up for something! At eto na.nga yung something na 'yon!"

Undying Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon