CHAPTER 20

11 5 0
                                    

A/N: ERRORS AHEAD! PEEP! PEEP!

"S-santi?" Gulat na sambit ko ng makita ko siya bigla sa tapat ng cubicle ko, busy kasi ako kakatipa sa laptop kaya wala na kong oras mag-angat ng tingin, kung hindi lang ako nakarinig ng tikhim.

"Hey." Bati niya sakin saka ngumiti ng bahagya.

"M-may s-sasabihin ka?" Kunwaring tanong ko, nagbabakasakali na wala pa siyang alam sa nangyayari.

"Wala naman, pero mukhang ikaw ang may kailangang sabihin sakin.." sabi niya sa akin habang nakangiti ngunit malungkot na ang mga mata.

Paulit-ulit akong huminga ng malalim bago pinatay ang laptop at iniligpit ang iilang gamit na nakakalat sa desk ko. Hinila ko siya hanggang makarating sa lugar na walang masyadong tao, yung tipong kami lang dalawa ang makakarinig.

"I-i'm sorry I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Nanginginig na sabi ko dahil sa pagpipigil na maiyak. Nakatungong hinawakan ko ang pulso niya.

"Why?" Pabugang sabi niya. Hindi ko siya matignan ng diretso, pinaghalong hiya at nakokonsensya ang nararamdaman ko.

"S-sorry k-kasi nasaktan kita p-pero kasi si P-paul na ang g-gusto k-ko.." uutal uutal na sabi ko.

"H-hindi ko kasi mai-magine eh, one week lang t-tayong hindi nagkita at nagkasama t-tapos pagbalik ko m-may iba ka ng g-gusto. Ni hindi mo nga ako nagawang tawagan man lang noong nandoon ka. Akala ko masyado ka lang busy sa trabaho, pero mukhang iba na ang pinagkaka-busyhan mo." Madamdaming sabi niya.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Hahayaan ko siyang sumbatan, pagalitan, sigawan ako. Wala akong karapatan sa kahit na ano ngayon. Dahil kahit saang anggulo tignan, ako ang mali, ako ang nakasakit ng tao.

"Ano bang nagawa ni Paul para magustuhan mo siya agad? Kung tutuusin ay mas mabait ako kaysa sa kanya, nirespeto kita hindi tulad niya na halos sigaw-sigawan ka. Nauna ako pasayahin ka, nauna akong ayain ka ng date, nauna akong makaalam ng tungkol sa buhay mo, nang tungkol sa pamilya mo, nauna ako sa lahat pero parang... parang.. ako yung nahuli at natalo." Kalmado ngunit malungkot na sabi niya.

Hindi ko napigilang hindi maluha sa mga sinasabi niya.

'i'm sorry.' naisatinig ko sa isip, nawalan ako ng lakas makapagsalita.

"Paul warned me that don't make you feel tensed, but here I am, making you cry.. I'm sorry, sadyang hindi ko lang mapigilan. Maybe I'm hurt, but honestly, this is more on my ego, being crushed."  Sabi niya, hindi ko pa siya matignan kaya hindi ko alam kung anong  ekspresyon niya.

"Please, speak." Utos niya sa akin.

Agad naman akong nangapa ng mga sasabihin, kahit ang totoo ay wala akong makapa at mabuo kahit man lang isang pangungusap.

"--Minahal mo ba ako?" Biglang tanong niya.

Tumango ako. "O-oo.." agarang sagot ko.

"Kung minahal mo naman pala ako, bakit ganoon lang kadali sayo'ng kalimutan at iitsapwera ako?" Tanong niya.

"S-santi.." tawag ko sa kanya bago lumuha ng lumuha. Wala na. Wala na talaga akong lakas para magsalita.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Mahal mo na ba siya?" Tanong niya ulit.

"H-hindi pa 'ko sigurado. A-ayaw kong madaliin ang lahat." Sabi ko. Matunog siyang ngumiti na siyang nakapag-paangat sa paningin ko.

"Mabuti." Sabi niya habang nakatitig sa akin. Nagtaka naman ako. "--mabuting dahan-dahanin niyo ang lahat, huwag kang papayag na magkaroon kayo ng relasyon agad." Seryosong payo niya sa akin.

Undying Kind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon