CHAPTER 26: THE TRUTH

145 7 1
                                    

Carleigh's POV

Pagkatapos namin mag practice ay nagpaalam na muna ako kay Rio na lalabas muna kasi may pupuntahan lang ako. Tumango lang rin naman sya kaya lumabas na ako.

Pinuntahan ko muna si scott at dinalhan sya ng tubig.

"Ang sweet naman ng asawa ko"  sabi ni scott matapos nya malagok ang tubig na iniinom nya. "Talikod ka nga."  utos ko sa kanya. Kumunot naman yung noo nya.

"Hwag mo ako kunotan ng noo dyan. Pupunasan ko lang yung likod mo dahil pawis na pawis ka."  sambit ko sa kanya kaya napatawa sya. "Ano namang nakakatawa aber?" saad ko sa kanya. "Haha wala po. Sige tatalikod na.."  tumalikod naman na sya kaya pinunasan ko yung likod nya.

"Ang sweet nyo naman^_^"  nagulat naman ako ng biglang magsalita si sandra habang nakatingin saamin. Ngumiti naman ako ng pilit.

"Asawa ko.." tawag ko kay scott habang sinusuklay ko yung buhok nya gamit ang mga daliri ko. Nakahiga kasi sya sa lap ko ^_^

"Yes po?"  sabi nya at tiningnan ako. Napayuko naman ako para tingnan sya at ngumiti. "Time na pede na po ba ako bumalik?"  sabi ko sa kanya. Kinurot naman nya yung pisnge ko. "Haha. Oo naman!"  sabi nya at bumangon.

"Ingat ka dun ah. Tanga ka pa naman minsan" sabi nya na dahilan upang mapasimangot ako. "Hahaha joke lang po asawa ko."  hinalikan naman nya yung forehead ko.

"Sige na baka ma late ka pa."  sabi nya at kumaway saakin.  "Sige po..."  lumabas na ako ng gym.

Napagpasyahan ko na mag CR nalang muna bago pumunta ng Music Room. Pero sa kamalas malasan habang nasa daan ako papuntang CR nakasalubong ko ang inggitirang palaka.

Sino pa ba? Edi si trexie -_-

Nilagpasan ko naman sila. Pero napahinto ako ng magsalita si trexie.

"Malapit na pala kaming ikasal ni nathan, gusto ko lang sabihin na imbitado ka kung gusto mo."  sabi ni trexie. Napalingon naman ako sa gawi nya. "Anong sabi mo?"  asik ko sa kanya kasi baka gumagawa lang sya ng kwento.

Tskkkkkk, hindi nya ako maloloko no.

"Ops. Hindi mo ba alam?"  sabi ng kasama ni trexie na babae.

"Fiance ko lang naman yung nilalandi mo"  sabi ni trexie at tinaasan ako ng kilay.

F-fiance?

"Fiance ka nya? Eh ba't ako ang mahal nya?"  sabi ko sa kanya at tinaasan din sya ng kilay.

"Aba't matapang girl!"  sabat ng kasama nyang babae. Tss, kakairita ang mukha.

"Matapang yan kasi hindi nya alam na niloloko lang sya ng boyfriend nya."  sabi ni trexie na dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"A-ano?"

"Ah. Hindi ba pinaalam nila kevin sayo ang totoo?"  sabi ni trexie at maarte na hinawi ang buhok nya.

"Anong t-totoo?"  sa totoo lang. Kinakabahan ako sa mga sinasabi saakin ngayon ni trexie.

"Narinig ko kasi si Kevin kahapon at Rio na nag-uusap. Sabi nila na pinagplanuhan ka lang ni nathan na maging gf nya para may maipakilala sya sa mama nya para hindi sya ipakasal saakin..."  sabi ni trexie.

"So to cut the story short, niloloko ka lang ni nathan"  dugtong pa ni trexie.

"Oo nga! Kaya wag kang ilusyonada dyan laruan ka lang naman!"  sabi ng kasama ni trexie sabay flip hair at umalis na.

Niloloko nya lang ako? Eh sabi nya mahal nya ako e.

Bumalik ako sa music room na lutang. Kinakausap ako ni Rio pero hindi ko sya napapansin dahil sa mga kung ano-anong naiisip ko.

Nagpractice lang ako saglit pagkatapos ay umupo na. Tumabi naman saakin si Rio.

"Carleigh, okay ka lang ba?"  Alalang sabi saakin ni Rio.

"Totoo ba?"  mahina kong sabi sa kanya. Buti nalang at wala na yung ibang members at kami nalang yung andito.

Tumingin naman saakin si Rio na naguguluhan. "Totoo na ano?"

"Na pinagplanuhan lang ako ni nathan?"  sabi ko sa kanya. Nagulat naman sya dahil sa sinabi ko at binawi agad yun at hinawakan yung kamay ko. "Sorry carleigh. Pero swear, sinubukan ko na sabihin sa iyo ang totoo."  sabi ni Rio.

So totoo nga. Ang galing naman.

Maya-maya pa ay dumating si scott at kevin kasama sina Bryan at Rica.

"Bakit mo hawak ang kam--" 

Pinutol ko ang sasabihin ni scott at tumayo.

"Totoo ba ha?"  sabi ko na nakaharap sa kanila. Lalong-lalo na kay scott.

Kumunot naman yung noo ni scott at parang naguguluhan. "Ano bang pinagsasabi mo asawa ko?"  sabi nya at lalapit sana saakin pero pinigilan ko sya.

"W-wag kang l-lumapit saakin."  sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Totoo ba na niloloko mo lang ako?"  sabi ko sa kanya. Nagulat naman sila ng marinig nila yung sinabi kon

"Asawa ko.. kumalma ka muna please..?"  sabi ni scott.

"P*TANGINA! SAGUTIN MO YUNG TANONG KO!"  galit kong sabi sa kanya.

"T-totoo. Pero nung una lang yun. Ngayon totoong mahal na kita maniwa--"  i cutted him off.

Unti-unti na ring tumulo ang mga luha sa mga mata ko. "So totoo nga pala na niloloko nyo ako. Ang galing nyo naman HAHAHAHA"  sabi ko habang tumatawa kahit tumutulo yung luha sa mga mata ko.

Wala akong paki kung magmukha man akong baliw sa harapan nila. Total, matagal naman na nilang ginawa yun saakin e haha

"Akala ko mahal mo ako. Lahat ng pinapakita mo at pinaparamdam mo saakin peke lang pala yun lahat." sambit ko habang nanginginig yung boses ko.

"Bakit ganon? Ginawa ko naman lahat ah para mahalin mo din ako. Inapakan ko yung sarili kong pride hwag ka lang mawala saakin pero bakit ganto? Yung lahat ng pinapakita mo saakin pagpapanggap lang pala yun. Ang sakit lang kasi minahal kita kahit na unti-unti mo akong dinudurog..."  sabi ko at napahagulgol ng iyak.

Tiningnan ko sila at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"A-ang galing n-nyo din p-pala makipaglaro no? napapaniwala n-nyo kasi a-ako e.." 

Tumakbo ako pero hinawakan ni scott yung wrist ko. "Bitawan mo 'ko"  iwinaksi ko yung kamay nya at umalis sa lugar na iyon.

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon