CHAPTER 67

60 2 1
                                    

SCOTT'S POV

"Pwes gusto 'kong malaman mo na hindi kita mahal at never kita minahal. Binatawan mo'ko."

"Pwes gusto 'kong malaman mo na hindi kita mahal at never kita minahal. Binatawan mo'ko."

"Pwes gusto 'kong malaman mo na hindi kita mahal at never kita minahal. Binatawan mo'ko."

Fck. Ba't ko ba kasi sinabi 'yon?

"ARGHHHHH! TANGINA NAMAN!"

Dahil sa inis ko ay napasabunot ako sa buhok ko.

This is not me anymore, hindi ko alam kung bat ako nagkaka-ganto. May asawa't anak na ako pero bakit nahayaan ko paring mahulog ako sa iba? Damn it.

"Fck. Fck. Fck!"

Napokpok ko ang manibela ng de-oras, pero nagulat ako ng biglang tumunog ang celphone ko.

I took it and answered, "Hello?"

[Asawa ko...]

Don't tell me...

[Nakauwi na kami, Where are you?]

Oh sht.

"U-Uhm, kakagaling ko lang sa trabaho, akala ko ba na delayed ang pag-uwi nyo?"

[Kinukulit kasi ako ni Vida. Miss ka na daw kasi nya, ayaw mo ba kaming umuwi?]

Napapikit ako at napalunok. "N-No, It's just that I'm a bit surprised."

[Ah okay! Are you coming home now? We have something for you.]

"Yes. P-Pauwi na ako..."

[Okay, asawa ko. Take care, I love you!]

"I-I love y-you too..." ani ko rito at napabuntong-hininga

Nilagay ko na sa gilid ang phone ko at pinaandar na ang kotse.

Hindi ko pa din talaga maisip kung bakit feeling ko may hindi ako alam, feeling ko may kulang saakin.

It's just that, naiisip ko pa din kung bakit hindi ko manla—

"Ow—shit!"

Napa-preno ako ng biglang may aso na dumaan, at napahawak sa ulo ko dahilan ng pagkakabagok ko sa manibela.

"Ah—t-tanginna..."

Napasandal ako sa upuan habang hawak-hawak ko pa din ang ulo ko. Ansakit putcha.

Dahil sa kirot na aking naramdaman ay ipinikit ko ang aking mga mata at may iilang mga pangyayari na pumasok sa isipan ko.

Isang babaeng nakilala ko daw noong nasa high school, nakasalamin, nakamedyas ng mahaba't may maraming hawak-hawak na libro.

Mas lalo ko pang diniinan ang pagkakahawak ko sa aking ulo at binalikan ang mga ala-alang bumabagabag sa isipan ko.

Nakita ko uli ang isang babae at lumapit ito sa lalaki pero sa pagkakataong ito, unti-unting lumilinaw ang mukha ng babae, lumingon ito at ngumiti napadilat ako habang hinahabol ang aking hininga.

"Carleigh!" Sigaw ko ng mapagtanto kung sino 'yong babaeng lagi kong kasama sa panaginip ko

"S-She w-was exactly the girl who's always i-in my d-dreams,"

"Sya 'yong g-girlfriend k-ko." I whispered and before I noticed, a tear suddenly escaped from my eyes.

"S-Sya 'yong babaeng m-minahal ko, pero sinaktan k-ko..."


BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon