CHAPTER 44

125 2 0
                                    

SCOTT'S POV

"Wala ka na ba talagang tinirang kahihiyan sa pamilyang ito?"  galit ito na nakatingin saakin habang karga-karga ko ang mga bagahe ko.

I decided na umalis na nga lang sa bahay na ito. Kahit hindi man nya ako itakwil ay mas pipiliin ko parin na umalis. Ayoko din naman tumira sa bahay nya na puro nalang sila ni dad ang sinusunod.

Hindi ako nagsalita at dire-diretsong lumabas ng bahay.

"Hindi kita pinalaking ganyan Nathaniel! Bumalik ka rito hindi ka puwedeng umalis!"  she madly shouted.

Fck.

"You said it earlier, you forsake me as your son. Now, I am doing this as your favor what's wrong with that?"  I clenched my jaw after saying those words.

Sabihin nyo na, na bastos akong anak. Pero hindi din naman ako magkakaganto kung hindi dahil sa kanila.

"You can't do this to us! We already talked with your dad. You agreed na magpapakasal ka!" 

Iniwan ko sya at pumunta ako ss garahe para ilagay lahat ng gamit ko sa sasakyan.

"You can't use that car, kung ayaw mo kaming sundin ng dad mo"

WHAT THE?

"What the fck! Pati ba naman po ito, kukunin nyo pa?!"  I said to her.

Nakita ko na nagkasalubong ang kilay nya.

"Baka nakakalimutan mo na kami ang nagbigay sa iyo ng dad mo nyan?" 

"Kung hindi ka lalayas at susundin mo ang gusto namin, then you can use that car"  dugtong pa nya.

Damnit!

"Fine! Sasakay nalang ako ng taxi" 

Tuluyan na akong lumabas ng bahay at nag-abang ng sasakyan.

"You'll regret doing this nathaniel, alam mo na kung ano ang kapalit nito."   Rinig ko na sabi nya.

May dumating na na sasakyan kaya sumakay na ako dun.

_END OF FLASHBACK_

Napapikit ako ng maisip ang pangyayaring iyon.

"What's your plan now?" 

Napamulat ako ng biglang may nagsalita. Nakita ko na si kevin pala ito. Dito kasi ako pumunta noong umalis ako. At okay lang naman sa kanya kasi wala din sila tita at tito sa bahay nila.

"I don't know." 

Napahilot ako sa sintido ko.

Napakahirap nito para saakin. Hindi ko gustong malayo kay carleigh.

"I know this is hard for you. Pero alam mo naman ang ugali ni tita, gagawin nya talaga kung ano ang gusto nya"   saad ni kebs at umupo sa upuang nasa harap ko

"Naguguluhan ako kebs. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ang hirap" 

Nakita ko ang pagbuntong hininga nya habang nakatingin saakin.

"Pakatatag ka para sa inyo ni Carleigh. Alam ko din na ayaw mo malayo sa kanya."

Gumuhit sa mukha nya ang pag-aalala ng sinabi ang bagay na iyon.

"Ayaw ko din na mapahamak sya, alam mo yun.."  sabi ko at napasandal sa couch.

"Payong kaibigan lang, sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo nate." 

Sabi ni kebs at tumayo na.

Sumasakit yung ulo ko sa tuwing iniisip ko ang bagay na iyon, yung sinabi ni mama saakin bago ako umalis.

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon