CHAPTER 68

187 8 6
                                    

SCOTT'S POV

"What?!"

"I want you back." Usal ko habang nakatitig sa kanyang mga mata

Narinig ko ang pagbilis ng kanyang paghinga at ang alinlangan sa kanyang mga mata.

Binitawan ko na 'yong kamay nya at humarap sya saakin habang nangingilid pa ang mga luha.

"Don't cry–"

"Don't touch me." Naisatinig nya na dahilan upang matigilan ako sa paghaplos sana sa kanyang pisngi

Napa-ayos ako ng tayo at napabuntong-hininga. I can't just stand here seeing her cry like this, just because how jerk I am.

"I'm sorry if I hurt you–"

"Sorry your ass! What the heck?! Iniwan mo ako ng ilang mga taon tapos sorry lang ang matatanggap ko? P*TANGINAMO!"

Napapikit ako dahil sa pagsigaw nya. Niluwagan ko ang suot 'kong neck tie at tiningnan sya.

"I know that I hurt you. I'm so sorry for leaving you for a damn years. Alam ko na naging gago ako pero please...I deserve a second chance."

"Ha!" saad nya na parang natatawa at tiningnan ako, "You deserve a second chance? Oh, fck you! Will you please, just shut your mouth up? Kasi nakakarindi na!"

"Ano bang gusto mong gawin ko para bumalik ka sakin? Tell me."

"Umuwi ka na."

"No, hindi ako uuwi hangga't hindi mo'ko binalikan–"

"Sabi ko umuwi ka na! Mahirap bang intindihin 'yon?!"

"Paano ko ba matatanggal ang sakit na na naidulot ko dyan sa puso mo?" napabuntong-hininga ako at tinitigan sya sa mata,  "Sige, hampasin mo'ko. Suntukin mo'ko. Tadyakan mo'ko. Lahat gawin mo, maibsan ko lang ang sakit na binigay ko sa'yo."

Ansakit lang. Ansakit na makita mo ang taong mahal mo na umiiyak sa harapan mo pero wala kang magawa kundi tignan sya kasi alam mong hindi na ikaw ang magpupunas ng luha nya dahil ikaw mismo 'yong dahilan kung bakit nagka-ganyan sya.

I'm so sorry asawa ko, I'm so sorry if I hurt you so much.

"And you think that I'll allow myself to do that? Ha! Ano tingin mo sakin tanga? Boba? Tss."

"Mahal mo ba talaga sya?" sambit ko na dahilan upang matigilan sya at mapa-iwas ng tingin

"I-I love h-him."

"How about me, mahal mo pa ba ako?"

Tinitigan nya ako at nakita ko ang namumuo na namang luha sa kanyang mga mata.

"H-Hindi na kita m-mahal." saad nya na dahilan upang mapiyok sya sa huli nyang salita

Humakbang ako ng ilang beses para malipitan sya at hinawakan ang kamay nya.

I miss holding her hand like this. I miss her so damn much.

"Titigan mo ako sa mga mata at sabihin mo na hindi mo na ako mahal."

Naramdaman ko na nanginig sya dahil sa sinabi ko at pinunasan ang luha sa mga mata na nakatuon pa din ang mukha nya sa kawalan.

"Umuwi ka na please?" saad nya sa isang mahina na boses

Hinaplos ko ang malambot nyang mukha at napapikit. Dahan-dahan 'kong minulat  ang aking mga mata at nagtagpo ang mga mata namin na dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko.

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon