CHAPTER 10: AKO 'TO SI NATOY

172 11 2
                                    

Carleigh's POV

-Continuation-

Nagpaalam saakin si Rio na may pupuntahan daw sya kaya tumayo sya at naglakad palabas pero lumitaw si kevin sa may pintuan.

"Kowya Rio!"  sabi ni kevin na ikinakunot ng noo ni Rio.  "Stop it kebs. Nababakla ka na naman."  sabi ni Rio kay kevin

"Sa gwapo kong to bakla? Nye! Di rin." sabi ulit ni kevin.  "Teka asan si bryan at nate?" dugtong pa ni kevin na lumilinga linga sa paligid, napansin naman nya ako,

"Oy, hello bespar!" sabi nya at kumaway saakin,  kumaway na rin ako pabalik at ngumiti,  "Hi ^_^"  nagsalita naman si Rio,

"Wala sila. Nagtaka nga ako e, akala ko mali late lang."  sabi ni Rio na ikinatango ni Kevin, "Ah okay." 

Inayos ko yung mga gamit ko para makalabas na sana kasi tomguts na ako hehehe  ^_^V

Lalabas na sana ako pero nakaharang yung dalawa sa pintuan, napansin naman ni kevin na lalabas ako kaya tinanong nya ako kung saan pupunta, "Ay, sa canteen lang may bibilhin."  sabi ko at pilit na ngumiti

"Talaga? Dun din kami pupunta e!"  masiglang sabi nya saakin,  "Haha. Ah okay?"  sabi ko sa kanya,  "May kasama ka ba?"  tanong nya at napakamot sa batok nya,

"Wala e. Absent kasi"  saad ko,  "Ah si nathan?" tanong nya na ikinagulat ko,  "H-hindi. Yung bestfriend ko hehe  ^_^V"  utal kong sabi sa kanya

Grabe. Iba talaga yung dating ng pangalan nya saakin. 😌

"Ah okay. Sabay kana saamin ni Rio."  ngiting sabi nya saakin kaya nag aalin-langan naman ako na tumango.

"Tara na yong."  sabi ni kevin kay Rio at sumunod naman si Rio saamin ng nakapamulsa. Antahimik lang nya.

Nang nasa canteen na kami ay humanap kami ng mapupuwestuhan at nakahanap naman kami. Nagbubulung bulungan pa yung mga nakakakita saamin. Anlandi ko daw. Nu ba ginagawa ko? E wala naman -___-

Bumili na kami ng food at umupo.  Nagsalita naman si kevin,  "Kumusta naman kayo ni nate?"  ako siguro tinatanong nya?  "Uhm, ano...o-okey lang naman?"  sabi ko sa kanya na ikinatawa nya

"Bakit?"  tanong ko sa kanya kasi di ko alam ano tinatawanan nya.  "You're blushing HAHAHA"  sabi ni kevin at tinuturo turo nya pa yung mukha ko,

Nakatingin lang saamin ng tahimik si Rio. Wala ata sya sa mood? Or ganyan lang sya? Ewan 🤷‍♀️

"Ano? Hindi ako nagba blush!"  deny ko sa sinabi ni kevin kaya mas lalo syang tumawa. "Hoy! Wag mo nga ako pagtawanan. Sadyang mainit lang dito sa canteen!" dugtong ko pa para maniwala sya.

Nagulat naman kami ng magsalita si Rio, "Ba't ka nga pala naging slave ni nate?"  tanong nya saakin sabay inom ng C2 nya.

"Ha? Ah, dahil lang sa isang post."  sabi ko at kinain yung binili ko.  "Saang post?"  intriga ni kevin sa amin,

"Sa fb. May pinost kasi sya at nagcomment ako.."  nahihiyang sabi ko.  "What about it?"  tanong ni Rio at uminom ulit ng C2 nya at tiningnan ako,

"Alam nyo yung uso na "onedot"? tanong ko sa kanila at tumango naman si kevin, "Ah. Oo uso nga yon!"  saad ni kevin na mas lalong na intriga HAHA

"Dun kasi nagsimula yun. About lang sa onedot tas may pinost sya sa fb na ano, basta pinahiya nya ako at ayun marami ang nagcomment kaya pinakiusapan ko sya na idelete pero di nya daw idedelete pag hindi ako pumayag sa kondisyon nya, na maging slave ako."  mahabang eksplenasyon ko,

"Syempre nung una di ako pumayag pero napapayag na din ako kasi ayoko pagpiyestahan at pagtawanan ng mga ibang tao no!"  dugtong ko pa.

"Ah. Dun pala nagsimula yung lovestory nyo!"  sabi ni kevin at tumawa, "Ano?!" sabi ko na namimilog yung mata,

"Hahahaha binibiro lang kita bespar."  sabi nya at ininom nya yung drinks na binili nya,

"Oh, I see. Yun pala ang dahilan."  sabi ni Rio at tumingin sa iniinom nya.

Nang magbell na ay bumalik na kami sa room namin nagulat pa nga yung mga kaklase namin kasi magkasama kami ni Rio.

Yun umupo na ako at tumabi naman si Rio. Syempre, seatmate ko sya rememba?

At yun isang madugong discussion na naman po ang naganap. Natapos nalang ang araw pero hindi pumasok si onggoy. Ano na kaya nangyari dun?

Baka may emergency? O di kaya nagka LBM?

Aish! Carleigh wag mo na nga sya isipin umayos ka!  >,<

Scott's POV

Hindi ako pumasok ngayon kasi may lagnat ako. Saka ayoko na muna makita yung pagmumukha ni trexie -__- ewan ko ba naiinis ako kapag nakikita sya.

"Hayyy. Ang boring."  naisipan ko na mag scroll down scroll up nalang sa fb. Lumitaw naman ang isang litrato ng isang babae... yung ex ko.

Si Sandra Lavrega. Yung babaeng akala ko mamahalin din ako pero ginamit lang pala. Haysz girls.

So yun nga maghapon akong walang ginawa kundi higa, kain tas higa na naman, kain ulit. No need naman na mabahala kapag may lagnat ako, kaya ko na din sarili ko.

Si mama? Tss. Lagi lang naman yung busy  -___-

Nag fb ako ulit at nakita ko na may bagong post si panget,

Carleigh Lopez
  •4mins ago

Sanaol may natoy :<

Madaming nag react at nag comment kaya nag comment lang rin ako,

Nathaniel Scott Lim
Ako nalang yung natoy mo.

Nagreact naman sila kevin at bryan sa comment ko. Pati narin yung kaibigan ni panget.

Kevin Garcia replied to your comment on Carleigh's post.

Kevin Garcia
Lakas ng amats mo tol! Hahahahaha

Bryan Montez
Ako'y sabogggg naaa

Rica Manzano
Yieeee lumalablayp na si @Carleigh Lopez

Nakita ko na hindi pa online si panget kaya hinayaan ko nalang yung mga comment ng kumag.

Ilang minuto rin akong nags scroll nang makita ko na nag reply na si panget sa comment ko,

Carleigh Lopez mentioned you in a comment.

Clinick ko yun at binasa ang comment ni panget,

Carleigh Lopez
Hoy! Tigil tigilan mo ako @Nathaniel Scott Lim!

I replied to her,  "Ayoko nga."  but  I received,  "Balakasabuhaymo!"  sarap talagang asarin neto 😆

Maasar pa nga HAHAHAHA

Carleigh Lopez
•active now

Ako: panget
Carleigh: *seen*
Ako: Oy panget
Carleigh: ?
Ako: ako nalang gawing natoy mo mwehehe (with heart emoticon pa yan guys ah HAHAHA)
Carleigh: p#tangina mue -__-
Ako: Carleigh ako 'to
Carleigh:   Alam ko. Shunga ka ba?
Ako:  Ako 'to si natoy, na mahal na mahal ka

Tingnan lang natin kung di sya mag freak out sa pang aasar ko sa kanya 😆

Ilang minuto din ang lumipas bago sya nagreply,

Carleigh: Paki ko?
Ako: di ka kinilig? (reply ko sa kanya na may sad emoji kekeke😁)
Carleigh:  hindi
Ako:  ket konti?🥺 (iw kinikilabutan ako sa pinanggagawa ko HAHAHA)
Carleigh: 👍

Likezone? Amputspa.

Ako:  Basta. Lagi mong tandaan na ikaw yung irene ko at ako naman yung natoy mo.  (with a wink emoji)

Tingnan lang natin kung di sya kiligin jan bwahahahaha  >:D

Di naman na sya nag reply kaya naisipan ko na mag log out na at kumain ng dinner. Yes po, kain na naman  🤦‍♀️

Habang kumakain ako naiisip ko yung itsura ni panget ngayon dahil sa pinanggagawa ko kanina HAHAHAHAHAHAHA  XD

Ang epic siguro ng mukha nya pft.  Sorry pangett, ang sarap mo kasing asarin hahahahak

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon