CHAPTER 18: HE STOLE A KISS! >_<

147 8 1
                                    

Carleigh's POV

Habang nasa klase kami, antahimik lang ni Rio. Hindi tulad ng dati na kinakausap nya ako kahit na lutang ako.

Nagdiscuss yung prof namin pero hindi ako nakikinig kasi lumilipad yung isip ko kung saan. Kaya nang mag activity kami ay wala ako maisagot sa ibang questions. Hindi ata masyado naabsorb ng utak ko yung mga diniscuss ng prof.

"Physics-Course Overview. Students use mathematics to investigate motion and it's relation to force and momentum. Some other topics include... uhm, ano nga ba yun?"  mahinang bulong ko habang nakatingin sa notebook ko.

"It include energy, rotational mechanics, temperature and heat, thermodynamics, and vibration and waves."   sabi ni Rio kaya napatingin naman ako sa kanya. Ngumiti naman ako ng pilit.

"Uhm, s-salamat.."  sabi ko sa kanya at sinulat naman yung sinabi nya. He just nodded instead to speak. Hayyy Rio, why are so mysterious?  Napabatok naman ako sa sarili ko.

"What are you doing?"  kunot noong tanong ni rio saakin matapos nya makitang binatokan ko yung sarili ko.

"Ha?"  gulat kong tanong, "Uhm, may dumaan kasi na langaw kaya ayun!"  pagpapalusot ko pa sa kanya. Tumawa naman sya.  "Tss, kakaibang..."  mahinang bulong ni Rio.

"Ano?"  sabi ko kasi hindi ko narinig yung last part masyadong mahina.  "Nothing."  sabi nya't nagpatuloy na sa pagsasagot.

"Tssk, napakamist--"

"Shhhhhhhh!"   sabi ng prof namin kaya hindi ko natuloy yung sasabihin ko. Mahirap na no baka makaisa tayo,  jokelang   X-D

Natapos ang madugong activity na hindi ako sure sa mga sagot ko. Pinass naman na namin yung mga notebook namin kaya shinuffle yun ni ma'am at idinistribute saamin.

Lumapag naman sa harap ko ang familiar na notebook. Binuksan ko 'to at babasahin san kung kanino pero walang nakasulat  -___-

Binuklat ko lahat ng pages baka may naipit lang na mga scratch paper pero wala. Tangna naman sino bang may ari neto?  -________-

"That's mine."   sabi ng katabi ko kung kaya't lumingon ako sa kanya ng nakakunot ang noo.  "Akin yang notebook na hawak mo."   Ah okay?

Nagcheck na kami ng activity namin at p*ta. Wala manlang syang isang mali! 

"Return the notebook to the owner."  sabi ng prof kaya nagkagulo naman yung iba kasi may nagrereklamo na hindi daw tama ang pagcheck sa kanila.

Isinauli ko naman yung notebook ni Rio habang naghihintay dumating yung akin.  "Here.."  tumambad naman sa paningin ko ang notebook ko. Napaangat naman ako kung sino ang nagcheck at,

"Hi asawa ko ^_^"   nakangiting sambit nya kung kaya't  napanganga ako ng konti na nakatingin sa kanya.  "Hindi mo na perfect yung score mo, ba't kasi hindi ka nakikinig e!"  sermon nya saakin kaya kumunot naman yung noo ko at tinaasan sya ng kilay.

"Heh! Nakikinig kaya ako no"  sabi ko at binelatan sya.  "Tsk, hindi kaya. Kung saan-saan mo nalang kasi binabaling yung atensyon mo"  sabi nya habang nakatingin kay Rio na nagbabasa sa notebook nya.

"Nakinig nga kasi ako! Amin na yang notebook ko"  sabi ko habang inaabot yung notebook ko na nasa kanya.  "Abutin mo muna ^_^"  hamon nya saakin kaya napairap ako.

"Akin na sabbbbbbiiii..."  nahihirapang sambit ko kasi hindi ko maabot yung notebook ko. Masyado kasi syang matangkad. Edi sya na  -__-

*Tsupp* 

Nanlaki naman yung mata ko sa ginawa nya. Watdaheck?

"Yan na notebook mo. Thankyou sa libreng kiss."  sabi nya at bumalik sa upuan nya. Mabuti nalang pinalibutan yung prof namin ng iba kong kaklase kaya hindi nya nakita yung pagkiss ni kumag sa pisnge ko. MABUTI NALANG  😌

"Wag ka masyado kiligin.."  saad ni Rio at tiniklop nya yung notebook nya at tumingin saakin.

Hala. Bawal na ba kiligin ngayon?

Napatingin naman ako sa gawi ni scott at nakita ko na nakahalukipkip lang sya habang tumitingin din sa gawi ko. Pinanliitan ko naman sya ng tingin at nagsign ng yung parang gigiitan sa leeg. Nakita ko naman na tumawa sya. Kaya napangiti nalang din ako.

Nakita ko naman na masamang nakatingin si trexie saakin pero inirapan ko lang sya. So what? Anlakas ng loob nyang laitin ako. Maganda naman pero ansama ng ugali pwe!

Umupo naman ako at naghintay na ng next period. Hay sa wakas, sabado na rin bukasssss. Makapagpapahinga na ako yipeeee!

Maya-maya pay dumating na rin ang prof at as usual nag discuss na naman pero buti nalang hindi kami pinag activity HAHA.

At ngayon, UWIAN NAAAAAAA!  ARATTTT NAAAA!

"Hindi ka naman masyadong masaya nyan?"

"Ay puny*ta!"  gulat kong sabi matapos ako magulat dahil nagsalita si onggoy. Namiss ko rin na tawagin syang ganon pft-ahahahaha

Natatawa naman ako sa naiisip ko kaya biglang wini-wave ni scott yung kamay nya sa harap ko.  "Asawa ko?"  sambit nya habang hindi tinitigil yung ginagawa nya. "Oh?"  sambit ko habang nakatingin sa kamay nyang malapit na dumampi sa mukha ko.

"Ginagawa mue"  walang ganang sabi ko sa kanya.  "Eh kasi e, lutang ka na naman"  sabi nya at nagpout.

Ang cute nya magpout sarap i-kiss. Hala saan galing yon?

A/N:  Umiiral na naman po yung ka pokpokan ni Carleigh Lopez  aka  "panget"

Che! Shattap ka nga author nagmomoment kami dito oh!

"Hays. Kumain kaba kanina ng tama asawa ko ha? Ba't napapansin ko sayo na lagi ka nalang lutang?"  sunod-sunod na tanong nya saakin.  "Mas lalo ka tuloy nagmumukhang timang."  sabi nya saakin na ikinataas ng kilay at ikinalaki ng butas ng ilong ko. Dejk, kilay lang.

"Ano?"  sinamaan ko naman sya ng tingin.  "HAHAHAHAHA joke lang asawa ko. Ikaw kasi e, umayos ka nga. Baka kung ano-ano na naman yang iniisip mo."  sabi nya saakin. Hindi nalang ako nagsalita. Hinawakan naman nya yung kamay ko.

"Tara na nga."  kinuha naman nya yung bag ko.  "Ako na magdadala"  sabi nya saakin. "Ha? Wag na. Ako na."  sabi ko at babawiin na sana yung bag kaso nilalayo nya.

"Wag na makulit okay?"  sabi nya uli saakin kaya ano paba magagawa ko? Kaya hinayaan ko nalang sya.

Btw, hindi naman kasabay sila bryan at Rica kasi nagpaalam na mauna na daw sila sa studio e. Matagal rin kasi kami ni scott na nagkukulitan sa room. Tsaka si Rio? Hindi ko napansin e. Nawala nalang sya bigla.

So pumunta na muna kami ng studio para puntahan yung iba at di kalaunay nagpaalam na rin sa isa't-isa para umuwi na.

"Ingat ka asawa ko.."  binigay naman nya saakin yung bag ko.  "Opo boss."  sabi ko sa kanya at nagsalute pa. Tumawa naman sya sa ginawa ko.

"Haha ikaw talaga. Pumasok ka na nga."   pumasok naman na ako sa sasakyan at nagwave ako sa kanya.  "Ingat sa pagdadrive ha? Iloveyou."  sabi ko sa kanya.

Napangiti naman sya, "I love you too po." 

Tiningnan ko muna sya pumasok sa sasakyan nya at pumasok naman na sya at nagdrive na pauwi.

Hays, ang swerte ko naman at naging boyfriend ko sya. Akala ko kasi sa wattpad lang yung may gantong scenario yung tipong magugustuhan ng isang gwapo na guy ang isang simple lang na babae. Napahawak naman ako sa puso ko.

Hay puso nakakabingi na naman yang ingay mo. Sana nga lang ay, hindi nya lang ako pinagtitripan.

"Hay nako carleigh, nagjajump into conclusion ka na naman e!"  mahinang bulong ko at tumingin nalang sa bintana...

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon