START

1.1K 29 6
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places, events and businesses and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitous manner. Any resemblance to actual persons, even if she's/he's living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, modify, transmit, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please, obtain permission.

__

Dear madlang people,

Huwag basahin kung hindi interesado. Huwag manlait kung ang kuwento ay hindi pasok sa panlasa nyo. Itong story ko ay medyo OA nga kasi dumaan ako sa sobrang pagka-jejemon at saka pagpasensyahan nyo nalang ang mga errors. Syempre tao lang nagkakamali din. Minsan lang ako mag-update, kaya kung mag-a update ako, lubus-lubusin nyo na. Char lang! So 'yon nga, minsan lang ako mag-update kasi minsan walang load, kadalasan tinatamad. 'Yan lang, salamat sa pagti-tyagang pagbabasa. Sakalam kayo saakin, mwa!

Don't forget to Vote and comment guys. Thank you!

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Nam Joo Hyuk as Nathaniel Scott Lim

Bae Suzy as Carleigh Lopez

Lee Jong Suk as Rio Yiu

Park Bo-gum as Kiven Garcia

Seo Kang Joon as Bryan Montez

Park Shin Hye as Rica Manzano

CHAPTER 1

"Hay ang boring naman.." usal ko habang nakahuga sa aking kama. Makapag online nga.

Nasa kalagitnaan ako ng aking paghi-hysterical nang biglang may nahagip akong isang post galing sa aking pinakamamahal na hinahangaan.

Nathaniel Scott Lim
•5mins ago

One dot may ippm ako sayo.

56reacts 62comments 10shares

Waw ha. Sikat ang mokong, makapag-comment nga, baka sakali mapansin.

Ilang sandali pa ay tinawag na ako ni mama para kumain kaya naisipan ko munang mag log out na lang.

Habang kumakain ako ay iniisip ko kung ano kaya kung mapansin nya ako? Napapailing nalang ako sa aking iniisip habang panay ang aking subo.

Pagkatapos kong kumain ay binuksan ko yung fb ko, marami ng notif saken at may post na naka tag ako, teka ano naman kaya 'to?

Nathaniel Scott tagged you in a post.

WHAT!?

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa notification ng facebook at bahagya pang kumurap-kurap.

Mabilis na kumalabog ang dibdib ko na para bang merong karera ng mga kabayo sa loob at napalunok.

Excited ako na clinick yung post na yon at na dismaya ako nang makita ang nakalagay d'on.

Nathaniel Scott Lim is with Carleigh Lopez
•12mins ago

Hindi ko nalang ippm yung sasabihin ko sayo, gusto ko lang sabihin sayo na,ampanget mo.

76reacts 52comments share

Maraming nagcomment at puro lang sila tawanan doon, na para bang iyon na ang pinaka-nakakatawang post sa buong industriya.

Isa lang ang pumapasok sa isip ko ng mga oras na 'yon. Pinahiya nya ako.

Talagang masama yung loob ko sa kanya ng oras na 'yon kaya chinat ko sya, ni para bang hindi nga ako tinablan ng hiya kung iseen man nya ang chat ko o iignore. Basta ay galit ako!

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon