CHAPTER 23: A PERSON WHO I CAN LEAN ON

117 7 0
                                    

Carleigh's POV


Ambigat ng pakiramdam ko kaya minabuti ko na iiyak nalang lahat ng sakit.

Hindi ko alam kung bakit sya ganon. Bigla nalang nya akong iniwasan at nakita ko pa na may kasama syang iba. Ansakit lang :<

Hindi lang naman ako medyo nagsalita kahapon e kasi napapansin ko na parang wala sya sa mood. Tsaka hinintay ko lang naman na sya yung unang mag 'I love you' saakin e  T_________T

Yun lang naman yung nangyari e tapos ngayon makikita ko nalang na may kasama syang iba? P*ta ansakit lang sa mata.

Nang medyo kumalma na ako ay bumalik na ako sa room. Konti lang yung studyante kasi busy sila sa sasalihan nila.

Nakita ko naman si Trexie na papasok ng room at may kinuha sa bag nya. Nang makita nya ako ay inirapan nya ako.

Naisip ko na sumali nalang sa music fest. Medyo mataas yung pila kaya medyo matatagalan rin siguro ako. Nakita ko naman si Rio na papasok sa loob.

Hindi nya siguro ako napansin kasi nakatalikod sya saakin e. Napansin ko naman na ako na yung susunod kaya inihanda ko naman yung boses ko.

Kumanta ako at natanggap naman ako agad. Hindi sinasadya na nagkasalubong naman ang tingin namin ni Rio at ngumiti naman ako ng konti sa kanya.

Lumapit naman sya sa direksyon ko. "Buti at sumali ka.."  sabi nya saakin habang nakangiti.

"Ah oo. Kasi matagal na rin ako hindi kumakanta tsaka para may pagkaabalahan na din ako.."  sambit ko sa kanya.

"Thankyou nga pala kanina ah."  sabi ko sa kanya. "Wala yun. You look tired, okay ka lang ba talaga?"  tanong nya saakin. Tumango naman ako bilang pagtugon.

"Una na ako ah?"  paalam ko kay Rio pero hinawakan nya yung kamay ko.

"San ka pupunta?"  tanong nya saakin.  "Maglilibot lang."  sabi ko sa kanya.

"Ng mag-isa?" tanong nya uli saakin.  "I guess?"  sambit ko naman sa kanya.

"Teka lang ah."  binitawan naman nya yung kamay ko at may inilagay lang saglit sa loob.

"Pwede ba na samahan kita?"  saad nya saakin ng makabalik na sya.  "H-ha?"  utal ko pang sabi. Seryoso? Ang isang Rio sasama saakin?

"Bawal ba? If it's not okay, okay lang saakin"  sabi nya saakin pero ngumiti lang ako. "Ano? Okay lang naman saakin e. Baka mabore ka nga lang"  sabi ko habang kinakamot yung batok ko. Tumawa naman sya, "Haha di yan."

So yun nga, naglibot lang kami. Hanggang sa umupo kami sa may field ng school namin.

Ilang minuto din na walang nagsalita saamin kaya binasag ko ang katahimikan.

"Sorry ha?"  saad ko habang nakatingin sa malawak na field. "For what?"  sabi nya. Ramdam ko na nakatingin sya saakin.

"Kasi napakaboring ko kasama."  sabi ko at napayuko. "Haha hindi kaya"  sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ka naman boring kasama. Ang kulit mo nga e"  sabi pa nya na ikinangiti ko.

"Alam mo, makulit rin kasi yung babaeng gusto ko e."  sabi nya saakin. "Talaga?"

Tumango naman sya. "Alam mo yung feeling na kapag ngumiti sya napapangiti ka rin?"  sabi nya saakin.  "Nagkakagusto ka rin pala?"  biro kong sabi sa kanya.

"Oo naman no. Ano akala mo saakin abnormal?"  sabi nya na ikinatawa ko.  "Wala naman akong sinabing ganon ah! HAHAHA" tawa ko pa.

"Wala nga. Pero yun na rin yun no yung sinabi mo"  sabi nya at nagpout. Hindi naman pala tahimik tong si Rio e, may makulit rin pala syang side HAHA

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon