CHAPTER 28: PLEASE..DON'T LEAVE

143 9 1
                                    

Rio's POV

"Uhm miss! Miss!"  rinig ko na sigaw ng isang lalaki sa may gilid kaya tiningnan ko kung sino  yun, pero hindi ko kilala.

Nakita ko naman na sinundan nya si... Carleigh?

Naku baka kung anong gawin nya kay carleigh!  Sinundan ko naman yung lalaki at kinwelyuhan sya.

"Why are you following her?"  sabi ko sa lalaki at nakita ko naman ang takot sa mukha nya.

"A-ano ibibigay k-ko lang sana i-ito nakita ko kasi na n-naihulog nya.."  utal na sabi saakin ng lalaki at ipinakita saakin ang kwintas na napulot nya.

Binitawan ko naman yung lalaki at humingi ng pasensya. "O-okay lang po y-yun. Sige po i-ikaw nalang po y-yung magbigay sa kanya nyan."  sabi ng lalaki kaya tumango nalang ako at sinundan na si carleigh.

Pero huli na kasi nakasakay na sya ng sasakyan. Tiningnan ko naman ang kwintas na naihulog nya.

Sigh.

Sa lunes ko nalang nga ibibigay sa kanya 'to...

Carleigh's POV

"Mamimiss ko kayo ma..."  sabi ko kay mama at inakap sya. Inakap naman ako pabalik ni mama.

Napatingin naman ako kay papa. Nakarating na kasi sya kagabi galing sa out of town nila. Napag-usapan naman na nila mama yung tungkol sa pag-alis ko at wala yung problema kay papa kasi andon din naman yung pinsan ko at dun nya pai-stay sa bahay namin sa states.

"Mag-iingat ka dun anak."  sabi ni papa sa pamamagitan ng yakap namin. Bumitaw naman ako sa akap at tumingin kay Carl.

"Hoy gunggong! Halika nga dito."  lumapit naman saakin si Carl at niyakap ko sya. "Masosolo mo na din yung laptop kong kumag ka! HAHAHA. Mag iingat ka dito ha sana pagbalik ko may jowa ka na!  X-D"  tumawa naman si Carl at nagpout sa sinabi ko.

"Ate naman. Nililigawan ko palang e.."  sabi nya at humiwalay na ng akap saakin.

"Asus basta pakilala mo saakin ha! Lagot ka talaga pag hindi"  tinap ko naman yung ulo nya.

Narinig ko naman na kelangan nang sumakay ng mga taong papunta ng states kaya nagpaalam na ako kela mama. Nakita ko naman na naluluha si mama kaya nginitian ko sila at nag wave na.

Tumalikod na ako sa kanila at naglakad na papunta ng sasakyan kong eroplano.

It is sad to think, na iiwan ko na naman yung lugar na ito. Ang lugar kung saan ako uli minsang nabuo at sumaya.

_ _ _

Pagkatapak ko sa eroplano ay lumingon ako for the last time sa lugar na iiwan ko. Pumasok na ako sa eroplano at umupo.

Nagsimula ng umandar ang eroplano. Napapikit naman ako at inalala sya.

Sorry scott kung mas pinili ko na lumayo sayo kesa ayusin ang lahat. Sobra na akong nasasaktan at gusto ko muna lumayo.

Sana kahit malayo ako maaalala mo parin na minsan ay may carleigh na nagmahal sa 'yo. Sana manla'y makita mo ang mga bagay na ginawa ko sayo. Pero alam mo? Kahit na alam ko na kinakahiya mo ako, sana malaman mo na binalewala ko lahat ng yun, magtagal lang tayo.

Gusto ko man na piliin ka at huwag umalis pero hindi ko na kaya, kasi alam ko kahit anong gawin ko hindi ko na mababago ang mga panloloko mo. Wala akong ibang ginawa kundi ipaglaban ka, pero pinagod mo ako.

Salamat sa panandaliang saya scott. Kahit papano ay pinunan mo ang puwang sa puso ko. Kahit na wala lang ako para sayo pero sa kabila nun napasaya mo rin ako.

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon