CHAPTER 17: I SAID...YES

146 8 1
                                    

Carleigh's POV

Dumating ako sa school ng maaga umupo muna ako dun at dumukdok sa desk. Wala pa namang ibang studyante, matutulog na muna ako.

"Asawa ko..."  parang may humahaplos sa pisnge ko kaya unti-unti ako na napadilat.

"S-sino ka?"  inayos ko yung salamin ko at napagtanto ko na scott pala 'to.

H-hala...

"Ba't mag-isa ka lang dito asawa ko?"  sabi nya kaya napa ayos ako ng upo.

"H-ha? Ano eh, nakatulog ako hehe."  napakamot ako sa batok ko at nagpalinga-linga.

Bat kami lang yung andito?

"Andon sila sa gym."  napalingon naman ako sa kanya. "May program kasi."  dugtong pa nyang sabi.

"Ba't hindi nila ako ginising?" sabi ko habang kinukusot ang mga mata.  "Sinabihan ko sila na wag ka gisingin."  sabi nya ng nakangiti.

"H-ha? Naku lagot tayo neto hindi tayo pumunta."  sabi ko sa kanya.

"Hindi yun. Ako bahala"  hinawakan naman nya yung kamay ko.  "H-hoy! saan tayo pupunta?"  sabi ko habang nakatingin sa kamay namin na magkahawak.

"May ipapakita lang ako sa'yo."  tiningnan naman nya ako at ngumiti. "Tara"  napangiti nalang rin ako.

Wow. Ang ganda.

"Do you like it?"  sabi ni scott. Nakangiti naman akong tumatango habang nakatingin sa puno na pinintahan nya ng mukha ko.

"Hindi talaga ako umuwi kahapon kasi nag paint ako dito. Saka buti nalang dala ko yung phone mo kaya naghanap ako ng pic mo HAHAHHA"  sabi nya habang nakatingin saakin.

"Ano? Tiningnan mo yung phone ko?"  gulat kong sabi. Hindi kaya... namilog naman bigla yung mata ko na tumingin sa kanya.

"Oo. Ikaw ha crush na crush mo talaga ako"  sinundot sundot nya yung tagiliran ko.  "Hoy! Ano ba.."  saway ko sa kanya. Nakikiliti kasi ako HAHA

"Hindi kita crush!"  sabi ko sa kanya alam ko na napalingon sya saakin kahit na hindi ako nakatingin sa kanya. "Hindi kita crush kasi mahal kita.."  sabi ko at tumalikod sa kanya kasi namumula yung mukha ko.

>__<

"Wag kang tumalikod. Ang cute-cute mo kaya kapag nagba-blush ka.." sabi nya habang pinipisil ang pisnge ko.

"Heh! Wag mo nga ako pakiligin!"   >_<

"Hindi kita pinapakilig. Pinapasaya lang kita ^_^" 

Lubdub. Lubdub. Lubdub.

"Ayan. Nagba-blush ka na naman haha. Lika nga"  hinila naman nya ako kaya napayakap ako sa kanya.

"Sorry asawa ko...promise aayusin ko talaga lahat.."   ano daw?

"Ano bang pinagsasabi mo?"  takang tanong ko sa kanya at humiwalay sa akap nya.

"H-ha? Sabi ko, aayusin ko lahat makuha lang kita."   sabi nya at nag wink saakin.

Tangnang lalaki 'to. Hindi ba sya nagsasawang pakiligin ako? 

"Nakuha mo na nga ako e."  sabi ko sa kanya.

"Ano?" 

"Sabi ko nakuha mo na ako. Sa simula pa lang ^_^"  nakita ko naman na nagform ng smile yung labi nya.

"So it means, tayo na?"  sabi nya. Tumango naman ako.

Niyakap naman nya ako.  "Thankyou. I love you asawa ko.."  bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sinabi nya.

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon