CHAPTER 40

160 6 5
                                    


RIO'S POV

Saan na ba kasi nagsusuot ang babaeng yon? 

Pinuntahan ko sya sa may bodega ng school pero wala.

Sh*t Carleigh where are you?

"Nakita mo na ba sya?"   Kevin said nang magtagpo kami.

"Nope. I am s-scared." 

Nakita ko naman na gumuhit sa mukha ni kebs ang pagtataka. Kaya binawi ko agad yung sinabi ko

"I mean, kaibigan natin sya kaya nag-aalala ako."  saad ko tumango naman si kebs.

Iniwan ko na sya at nagpatuloy sa paghahanap. Hanggang sa mapansin ko ang isang liblib na lugar, madilim sya.

Kinuha ko yung cp ko at pumunta sa lugar na iyon.

Nandito kaya sya?

Habang papunta ako sa lugar ay bumibilis ang pagtibok ng puso ko. I don't know why, siguro natatakot lang talaga ako.

W-what if there's something bad happen to her?

"Oh, crap!"  I whispered at pinagpatuloy ang paglalakad.

While I am on the way nagpalinga-linga ako hanggang sa may naaninag akong tao.

Tatakbo na sana ako dun para tingnan kung sino 'yon baka si Carleigh iyon.

Napahinto ako nang makitang niyakap ng tao na yun yung nakahiga.

Lumapit ako ng konti para marinig yung pinag-uusapan nila.

"W-ho are y-you?"  rinig kong sabi ng babae. Ba't parang ka boses nya si Carleigh?

But who is that one hugging her?

Bigla akong nag-alala nang maisip na baka may gawing masama sa kanya yung lalaki kaya lalapit na sana ako pero narinig kong nagsalita yung lalaki.

"P-potangina. Akala ko may nangyaring masama sa'yo"   i stoped upon hearing his voice.

So sya pala ang nakahanap kay carleigh? Napangiti naman ako ng mapait.

Tangna lang. Sya yung nanakit pero sya naman itong lumapit? Para ano? Para saktan nya na naman yung babaeng mahal ko? Fck that.

Yes, I've seen Carleigh earlier looking inside at that abandoned classroom. I was about to go to her, but then I seen her running away—crying. Kaya nilapitan ko at tiningnan kung ano ang nakita nya at nagulat ako ng makita kong may kahalikan si nathan.

Napakuyom naman yung kamay ko habang pinagmamasdan sila ngayon.

They're hugging each other as if, sila na. Nakita ko naman na pinaghahampas ni Carleigh si nathan.

Labis nga syang nasaktan sa nakita nya kanina.

Sigh.

If only I can give to you what you deserve leigh, ginawa ko na. Pero alam kong hindi kasi alam kong mahal mo sya kahit sinasaktan ka lang nya.

"Sh*t."  I whispered.

They're now kissing and that hurt me the most. Darn it.

Napayuko ako. Suddenly, tears starting to flow down to my cheeks.

Mistulang nawalan ng lakas yung  bawat tuhod ko at pinili ko na lumayo nalang sa lugar na iyon.

"P*TANGINA!"  sinuntok ko yung puno at umiyak.

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon