CHAPTER 27: I AM LEAVING...

156 6 1
                                    

Carleigh's POV

Umuwi ako ng bahay at umiyak lang ng umiyak sa kwarto ko. Tinawag ako ni mama para kumain pero hindi ako kumain.

Nagmukmok lang ako ng kwarto ko at hindi na lumabas pa. Pinagsusuntok ko lang yung Stuff toy na bigay saakin ni scott. Iniisip ko na sya yun, hanggang sa makatulog ako dahil sa pagod.

_  _ _

Kinaumagahan ay hindi ako pumasok ng school.

Narinig ko naman na may kumatok sa pinto ko at narinig ko na si mama yun kaya binuksan ko yung pinto.

"Anak.."  sabi ni mama saakin. Umupo naman ako sa kama ko at napayuko. Ayoko na makita ni mama na ganto yung itsura ko.

Napansin ko na lumapit saakin si mama. Tumabi sya saakin at hinawakan ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya.

"Anak hindi ka ba papasok?"  tanong saakin ni mama at napailing ako.

"Ayaw ko po ma..."  sabi ko.

"Diba ngayon yung sinasabi mong music fest nyo? Bat dika pupunta?"  sambit ni mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"Ma gusto ko na pong bumalik ng states..." nagulat naman si mama dahil sa sinabi ko.

"H-ha? Eh pano yung studies mo dito?"  sabi ni mama.

"Dun ko nalang po tataposin yung studies ko ma."  sabi ko habang naluluha ang mga mata.

Niyakap naman ako ni mama. "Anak.. alam kong may problema ka. Pero pwede pa naman yan ayusin e." sabi ni mama habang hinahagod yung likod ko.

"Masakit na po ma e..."  napaiyak naman ako matapos ko sabihin 'yon.

"Sige anak.. kung yan ang gusto mo." kumalas naman saakin ng akap si mama at ngumiti.

-FAST FORWARD-


Ngayon ang contest at bukas na rin ang flight ko papuntang states. Tiningnan ko ang buong skwelahan habang papasok ako ng campus.

Mamimiss ko itong pangalawang bahay ko. Lahat ng mga masasayang alaala dito, mamimiss ko lahat.

Tiningnan ko naman ang field, kung saan kami nagkukulitan ni Rio. Napangiti naman ako ng maalala yun. Wala lang, kahit ganun yun. Mahal ko rin yun kasi sya yung andon saakin sa panahong wala akong malalapitan.

Pumunta naman ako sa studio. Napangiti naman ako nang maalala ko na dito ako tinuruan ni kebs kung paano mag gitara. Saka dito din kami minsan nagkikitang lahat pag uwian na.

Naglakad naman ako at pumunta sa garden. Mamimiss ko itong lugar na ito. Sino bang makakalimot sa lugar na ito? Dito ko kasi sya sinagot. Napangiti naman ako ng maalala ko ang mga pinanggagawa namin dito noon. Dito din kasi naganap yung first kiss namin. Ang lungkot lang isipin kasi ito na yung last para makita ko na ganto ang lugar na ito.

Umalis na ako sa garden at pumunta na sa backstage para ihanda ang sarili ko. Nakita ko na busy rin yung ibang studyante.

Bago pa man ako tawagin para kumanta ay isinuot ko muna yung kwintas na ibinigay saakin ng childhood bestfriend ko. Wala lang, swerte kasi saakin 'to sa tuwing sinusuot ko.

Nang tawagin na ako para pumunta sa harap ng stage ay hindi ko mailagay lagay yung kaba ko.

Pumwesto na ako sa upuan ko at tumingin sa harap.

Inistrum ko na yung gitara at nagsimula na kumanta.

Tulala lang sa 'king kuwarto
At nagmumuni-muni
Ang tanong sa 'king sarili
Sa'n ako nagkamali?🎶

Tiningnan ko lahat ng mga tao sa harap ko at hinanap ang taong gustong hanapin ng mga mata ko.

Bakit sa iyo pa nagkagusto?
Parang bula, ika'y naglaho🎶

Nang mahanap ko sya ay tinitigan ko sya. Hindi ko naman mabasa ang mukha nya. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa matapos ang chorus ng kanta.

lahat ay binigay ko
Ngayon ay sising-sisi
Sobra-sobra ang parusa
'Di alam kung kaya pa...

Bakit sa iyo pa nagkagusto?
Parang bula, ika'y naglaho🎶

Nakita ko naman na katabi nya si kebs saka si bryan. Kaya nginitian ko sila. Mamimiss ko ang mga mukhang 'to.

Huwag nang lumapit, o tumawag pa
At baka masampal lang kita
'Di babalikan, magsisi ka man
Ako ay lisanin🎶

Tumitig naman ako ulit sa mukha ni scott. Lalo na ang muka ng 'sang to hinding-hindi ko ito makakalimutan.

Bakit ikaw pa ang napili?
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati🎶

Napaiyak naman ako ng maalala ang mga bagay na pinagdaanan  namin. Ang mga masasaya naming alaala na magiging alaala nalang. Pati ang ang aming pinagsamahan na nasayang lang.

Sana'y magmilagro
Mabalik ko
Mali ay mai-diretso
'Pinagdarasal ko
Sa 'king puso
Na mabura ka sa isip ko🎶

Hanggang sa matapos ang kanta ay ay nakatitig lang ako sa kanya. Buti nalang at hindi ako pumiyok habang kumakanta.

Tumayo naman na ako at ngumiti sa kanilang lahat at nag bow.

"Thankyou Ms. Carleigh for that wonderful song of yours. Let's give her a round of applause everyone."  sabi ng Emcee at nagpalakpakan naman ang mga tao.

Umalis na ako at pumunta ng backstage. Nagpahinga lang ako dun ng makita ako ni Rio. Nag-usap kami at humingi sya ng tawad. Pinatawad ko naman na sya, kasi alam ko naman na nadamay lang din sya sa pinanggagawa ni scott.

Maya-maya pa ay nagpaalam na saakin si Rio kasi tinawag na sya. Kaya ang naiwan nalang ako dito sa likod.

Nang matapos na lahat na kumanta ay nag announce na kung sino yung nanalo. At sino pa ba?

Edi si Rio. 1st runner up lang naman ako pero okay lang yun atleast may award diba^_^

"Congrats Carleigh!"  bati saakin ni Rio at ngumiti. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya, "Congrats rin kasi natalo mo ako"  biro ko pa sa kanya, tumawa naman sya.

Pagkatapos ng Music fest ay ang Mr. and Ms. Intramurals na.

Pumunta na muna ako sa may gitna para manood. Nakita ko na nagsilabasan na lahat ng contestants kasama si scott at trexie.

Napangiti naman ako ng mapait habang tinitingnan sila. Tama nga yung iba, mas bagay sila kasi pareho silang gwapo at maganda.

Nanood lang ako hanggang sa inannounce na kung sino yung nanalo sa boys. Nagpalakpakan naman ang mga tao ng ma-announce ang pangalan ni scott.

Maya-maya pa ay ang Ms. Intramurals na naman ang inannounce at ang nanalo ay si Sandra.

"So our Mr. and Ms. Intramurals is Mr. Nathaniel Scott Lim and Ms. Sandra Lavrega. Let's give them a round of applause!"  sabi ng emcee. Nagpalakpakan naman kami. Deserve din kasi nila ang manalo.

Nang matapos ang event ay umalis na ako sa pwesto ko pero biglang nagkagulo ang mga tao kasi may disco daw. Kaya minabuti ko na umalis na roon kasi hindi naman ako mahilig sa disco.

Tinawagan ko naman yung Driver namin at andon na pala sya sa labas ng school naghihintay saakin kaya nagmadali ako.

Mag iimpaki na kasi ako para handa na akong umalis kinabukasan.

Nang makalabas na ako ng school ay sumakay na ako sa sasakyan at umuwi na sa bahay. Pero bago pa man umandar yung sasakyan ay tiningnan ko muna ang kabubuan ng school at napangiti...

BEING SLAVE WITH A CAMPUS HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon