CHAPTER 3

90 3 0
                                    

Chapter 3
Outburst

Alas nuwebe na ng gabi ng dumating ako sa condo ko. Sobrang nangangalay yung dalawa kong kamay dahil sa kakatype ko sa aking laptop. Sobrang sakit ng buo kong katawan pati na rin yung leeg ko. Ikaw kaya yung magbasa ng tag dalawampong minuto para may magawa at masulat kang content? Diba ang sakit nun sa leeg tsaka masakit din yun sa likod. Sobrang anghang na talaga ng mata ko. Palagi na akong naluluha mula pa ito kaninang alas kuwatro. Dumoble talaga ang pagluluha-luha nito kasi ng dahil sa radiation galing sa aking laptop. I left my spectacles kasi.

Dumiretso na ako sa banyo para makaligo at para makabihis na rin. I just wear my soft cotton night pink dress at dumiretso na agad sa kama. Hindi ko na inalintana ang gutom, basta matutulog na lang ako.

I saw a message pop up on my Iphone. It was Dana. Asking me to go out with her again. Ang lupet din ng babaeng 'to. Lasing na nga kagabi, nag ninight out nanaman. Just wow! CPA nga talaga siya. Certified Public LasenggO. Waoooooo!

Hindi ko na lang pinansin yung text niya. As if naman kung rereplyan ko yun ay sasama ako. Matutulog ako 'no. I need to recover by beauty hour sleep. At baka kapag malasing naman ulit ako ay baka kung saan-saan nanaman ako mapunta. Problema iyon! Baka ma rape pa ako.

Nang dahil sa pagod ay nakatulog ako agad. Napaginipan ko si Dominic. It was like a tangled disney movie kung saan nandun si Rapunzel, but it has a different plot. Dominic was trying to save me. I've been stuck on the tall tower without stairs. Walang ibang daanan kundi doon lang sa bintana ng tore. At hindi ako makababa dahil sa sobrang taas ng tore. That's why Dominic was contemplating his plans below on how will he reach and save me.

So he used a rope to climb up to where I was. Inihagis niya sa akin yung dulo ng lubid para maitali ko ng maayos. He started climbing on the rope. When he was about a one meter away from me ay biglang may dahan-dahang naputol. Ang lubid pala iyon. Dali-dali kong ininat yung kamay ko para sa kanya. I stretch my arm to him as far as I could para mailigtas ko siya, pero imbes na siya dapat ang mahulog ay ako yung nahulog sa tore. Punyeta!

Napabalikwas ako ng gising sa mga panaginip ko. It was not just a dream kasi nahulog talaga ako sa kama ko. As in literal na nabagsak yung puwet ko sa sahig. Tangina ang sakit!

Aww! Hinihimas-himas ko yung puwetan ko. Shit lang, hindi maganda ang bagsak ko. Engeng mo talaga neng!

Paika-ika akong bumangon papuntang banyo. Shit lang ha! Parang nadalawahan pa ako ni Dominic nito. Huhu!

Naligo na ako at nagbihis. Ginawa ko na lang din yung simple light make up ko.

Today, I wear my Balmain tweed double breasted coat, bouncle tank top and double breasted bouncle mini skirt. Still it was a gift for me. Galing ito kay Laura, pinadeliver niya lang ito sa condo unit ko. I pair it with my fav black stilettos from D&G. Oh diba, sosyal ang ineng ninyo. Walang pera pero sobrang mamahalin ng gamit. Aba'y kasalanan ko ba na mga mayayaman sponsors ko. Dapat sila ang sisihin, nag-aaksaya sila ng pera sa mga magaganda. Kinuha ko na lang yung bag ko na Tommy Hilfiger.

Dumiretso na lang ako sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Charrr lang ha, ang outfit ko pero wala akong matinong trabaho. Okay sana kung na manager na o CEO ako ng kompanya, pero hindi e. Just a normal employee trying to survive the wildness and judgment of the world. Mamatay sana lahat ng chismoso.

My gosh Isabelle, nahawa ka na ata kay Laura. Bwisit na gaga yun. Ba't ko ba kasi naisip yun. Puro kabalastugan lang ang alam ng babaeng yun. Sabagay, best friend sila ni Dana. Kung si Dana lasenggera, ito naman si Laura maarte. At ang pinagpareho nilang dalawa ay puro sila maharot. Sobrang napaka wild.

I gracefully entered on our office and sit on my chair. Ang daming matang nakatingin sa'kin. Model na ako ngayon teh? Headline na naman ba ng balita? Haha charoot lang! I saw Lianna roll her eyes on me.

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon