CHAPTER 8

10 1 0
                                    

Chapter 8
Red


"Nasaan na ba si Dominic? Kanina pa ako dito ah."

Kasalukuyang nasa lobby ako ngayon sa kompanya para mag-antay kay Dominic. Hindi na ako sa office naghintay baka kasi makatulog ulit ako. Lowbat pa naman cellphone ko, 2 percent na lang. Nakalimutan ko pa naman dalhin yung power bank. Nagmamadali kasi ako kanina dahil na late ako ng gising.

To Dominc:

Kukunin mo pa ba ako? Okay lang naman kung hindi, mag-taxi nalang ako. Huwag mo na lang ipilit sarili mo 'pag busy ka pa. Okay lang naman, mag commute na lang ako.

Text ko kay Dominic. Alas sais na ng gabi pero wala pa rin siya. Naiintindihan ko naman, kasi gaya ng una niya akong sinundo dito ay late din siya kasi busy siya sa trabaho niya. Well, except dun sa part na hindi ako importante. Nasasaktan ako, OO, pero ano ba ang magagawa ko? Diba wala naman. Ako yung hulog na hulog dito e.

Napapikit ako ng biglang kumidlat. Sobrang liwanag nun sa mata ko kasi glass wall ang lobby at kitang-kita ang nasa labas.

"Shet, uulan ba naman. Wala akong payong, wala din akong kotse," naiiyak na bulong ko sa sarili.

Lumapit sa'kin yung guwardiya namin sa kompanya. "Ma'am hindi ka po ba uuwi? Bubuhos na po yung ulan ma'am, baka maabutan ka po. Ang itim pa naman ng ulap. Paniguradong malakas ang ulan ma'am," sabi niya sa'kin na parang weather forecaster.

"Kuya Kim?" I joked. I try to stifle a smile pero natatawa talaga ako kay manong guard kaya sa huli humahalakhak na ako. Natawa lang din yung manong guard sa kalokohan ko.

"Hehe joke lang Sir Chief, uuwi naman po ako kaso may inaantay pa po kasi ako eh. Susunduin po ako," sabi ko kay kuya guard.

"Asawa mo ma'am?" tanong niya sa'kin.

"Parang ganun na nga po. Hehe," kapal na sabi ko kay manong guard. Hindi ko pa naman po asawa pero malapit na po. Charrr ang kapal mo talaga Isabelle.

Tumango lang yung guard tapos bumalik ulit sa guard post niya. Nagliwanag naman phone ko ng may tumawag. Si Dominic.

"Hello?"

"[I can't pick you up today. I have an emergency]," bungad na sagot niya sa'kin.

"Huh?!" nagulat ako pero nakarecover din naman agad.

"Okay, sige magtaxi na lang ako."

Pagkatapos kong sabihin yun ay inend niya agad yung tawag. Halatang may emergency nga siya. Tumayo naman ako para makauwi na at makahanap ng taxi. Pero minamalas ka nga naman. Biglang bumuhos ang pinakamalakas na ulan. May dalang kulog at kidlat pa. Balik upo ulit ako. Maghintay nalang muna ako ng ilang mga minuto.

Binuksan ko yung phone ko pero wala na. Dead batt na, hindi na kineri. Leche naman e! Pa'no na to ngayon? Wala akong kotse kasi tinext ako kagabi ni Dominic na huwag ng magdala. Wala rin akong payong kasi mainit naman kanina. Hindi ko naman kasi inakala na uulan ngayon. Lumapit ulit yung bodyguard sa'kin.

"Oh ma'am? Nasaan na po sundo niyo? Hindi po ba makakapunta asawa niyo?" ang showbiz naman masyado ni manong guard.

"Hindi sir chief eh. Busy daw. Hintayin ko na lang tumila yung ulan," sagot ko sa kanya.

Pero nagdaan ang ilang mga minuto ay umuulan pa rin ng malakas. Hindi na talaga titila ang ulan. Humahangin din ng malakas. Ampucha, wala akong choice.

Tumayo na ako para makaalis na. Bahala na yung ulan. Kung mabasa ako, e di mabasa. Basta uuwi na ako.

"Sir chief uwi na po ako. Bye po!" paalam ko sa manong guard.

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon