CHAPTER 13

11 0 0
                                    

Chapter 13
Name


"OMG! Ang ganda mo," ngiting bati sa'kin ni Jane ng makapasok kami sa restaurant.

We're here at the Italian Restaurant, somewhere in Makati. Just like mine, Jane's wearing a bodycon dress na backless yung likod. May slit yung dress niya sa left thigh. Nagsuot din siya ng ankle necklace. Si Marie naman ay nakasuot ng off-shoulder at buckle mini skirt at yung buhok niya ay naka high ponytail. Ang ganda niya today. She did her makeup amazingly lalong-lalo na sa smokey eye shadow niya. She's really good with this.

All I thought kami lang yung ininvite nila. May kasama din pala kaming iba.. Sa mga mukha pa lang wala akong kilala, e. May nakita akong kasamahan ni Dana sa finance department.

"Dana. OmG!" beso sa kanya ng isang babaeng naka white satin dress ng lumapit ito sa'min.

"OMG! Hello Lany," bati din ni Dana pabalik.

Ngumiti ako ng lumingon ito sa'kin.

"Oh you're with?"

"Yeah, Uhm Lany this is Isabelle, my best friend. Isabelle, si Lany kaibigan ko. Girlfriend siya ni Engr. Zagoza."

"Hello," lahad ng kamay ko sa kanya at ngumiti.

"OMG! You're pretty too, like Dana. Grabe ka Dana, ang gaganda ng friends mo. I wanna be your friend, too."

"Duh! Parang tanga. We're friends already," Dana said.

Hilaw akong ngumiti sa kaibigan ni Dana. Pagkatapos naming magbatian ay pumunta na kami sa table na nakareserve para sa dinner namin ngayon. Nakaupo at may kausap na si Baron ng umupo ako sa upuan ko. Katabi ko si Dana while katabi naman ni Dana si Jane at si Marie.

Umupo din naman agad sila Nelson ng umabot sila ng isa niya pang kasama.

"Sorry guys, matraffic kasi sa labas. Ito kasing si Harry, e," hilaw na ngiti niya.

"By the way, ito pala si Engr. Harry Rosellosa," pagpapakilala niya.

Pinakilala na rin kami isa-isa ni Nelson sa iba niya pang kasamahan. Yung isang engineer na boyfriend ng kaibigan ni Dana ay si Engr. Eduard Zagoza at yung isa naman na bago lang dumating ay Engr. Gio Alejandro. Yung nakasama namin one time nila Jane maglunch, yung may suot na specs.

"Sorry nalate din ako," saad niya.

Ngumiti lang kami sa kanya. Seems like Baron, Marie and Jane are already close with him kasi tumango lang sila sa kanya. Kaya confident siyang umupo sa silya niya.

Nang maiserve yung inorder naming pagkain ay kumain din kami agad. Nagkukuwentuhan din sila habang kumakain. Yung about sa project lang and about sa engineering stuff. Tahimik lang kaming apat nila Baron kasi hindi naman kami makakarelate dahil hindi naman kami engineers. Si Dana lang sumasabad dahil may pinag-uusapan sila sa budget sa project ng Rizal. Nagulat nga ako na si Lany ay isang architect pala pero sa ibang kompanya siya at sumasideline lang sa ibang project. All I thought talaga taga finance department siya. Gosh, kailangan ko na talaga maging palakaibigan sa iba. Masyado ng nahuhumaling mundo ko kay Dominic. Wala akong masyadong kilala sa kompanya.

"Guys nga pala muntik ko ng makalimutan. Susunod lang daw si Engr. Leonzo and Architect Lacsamana sa atin sa bar. May dinaanan pa kasi silang bahay sa Laguna. May chineck lang si Architect. Alam niyo naman yun napaka perfectionst sa design niya. Kung ano ang denisign niya, yun ang dapat sundin."

Tumango lang ako kasi hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy ni Nelson. Let's just wait and see sa bar kung sino iyang mga iyan if ever I'll come with them.

Nagkatuwaan at nagkuwentuhan pa kami. Tipsy na nga ako dahil sa kakaaddict ko sa kakainom ng wine. Hindi ko nga gusto yung hard liquors pero gusto ko naman ng wine, champaign and cocktails.

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon