CHAPTER 15

9 0 0
                                    

Chapter 15
Pizza


“Antok na antok pa ako,” reklamo ni Jane at humikab.

Mabilis nagdaan ang araw. Friday na ngayon. Parang kahapon lang yung dinner at night out namin pero buti kahapon on-time akong pumasok sa trabaho kahit parang pinupokpok yung ulo ko ng martilyo but I still manage to work. Si Marie lang ang pinagalitan kahapon while si Baron naman ay absent hanggang ngayon kasi death anniversary ng lola niya at birthday naman ng kapatid niya. Wala namin kaming masyadong ginagawa kahapon lalong-lalo na ngayon. Puro drafts lang muna ako at nagcheck ng analytics ng website.

“Ano ba kasi ginawa mo kagabi?”

“Nag-inuman kami ng mga pinsan ko, nagkayayaan kasi. Ang tagal naming natulog kagabi.”

“Hanep, ang tapang mo rin kahit weekday. Pero buti pumasok ka ngayon.”

“Hindi nga sana, e. Pero baka wala na akong sweldo dahil sa deduction. May binabayaran pa naman akong bahay.”

“Seriously, parang inaaraw-araw mo na ang pag-iinom ah. Kawawa atay mo Jane.”

“Hindi naman.  Healthy living ako ‘no.”

“Ako talaga naaawa sa atay mo ghorl pero sige sabi mo yan ah.”

Nang nag-breaktime ay hindi ako lumabas para bumili ng snacks kasi wala naman akong ganang kumain at nakakatamad din tumayo kaya nag-open nalang ako sa mga social media accounts ko. Hindi ako nag-open kahapon kasi tinatamad talaga ako at hindi ko rin feel na mag-OL kahapon.

I open my facebook pero para naman walang ganap na nangyari. Yung notification ko ay about lang sa mga live ng mga page na linike ko at yung iba ay about lang sa mga reactions ng mga reactors ko sa meme na shinare ko. Puro shared post lang ako. Kaloka naman kasi walang jowa.

Inopen ko rin yung messenger ko pero daig pa ang minteryo dahil sa sobrang tahimik. Well, except dun sa mga GC na kasali ako. Kailan ba kasi ako jojowain ni Dominic? Hahaha chos. Papakasalan nga hindi, jojowain pa kaya? Pero hindi ko pa rin makalimutan yung halik niya sa panaginip ko. Kinain ba naman lips ko.

Lumipat ako sa IG dahil nakakabagot yung facebook. Wala naman kasi masyadong ganap at ang papangit ng post ng mga friends ko dun. Haha charot. Puro memes lang naman ang nasa newsfeed ko at hindi siya nakakatawa. No offense.

Nang inopen ko yung IG ay picture ni Laura ang unang sumalubong sa newsfeed ko. Nakasandal siya sa isang railings at background niya yung Eiffel Tower. Binasa ko na rin yung mga comments sa pic niya kasi mausisa akong kaibigan. Chos.

@anadcolleen: Hoy pokpok umuwi ka na. Wag kang painggit sa buhay mo :(

@JKLasdoce: When will you go home?

@jaredredred: Hey hottie!

@ashleyyyyyy: that chanel

@gwynnethignacio: Send nudes pls

Natawa ako sa comment ni Gwyn. Gago talaga ‘tong kaibigan na’to. Nag-comment na rin ako.

@isabelledeyann: ‘Wag ka ng umuwi. Diyan ka na lang :)

Pagkatapos kong mag-comment ay nag story ako. I picture the window of the office na kita yung skyscrapers na nasa likod ko at caption it with tired and hungry. Nakakaloka lang ah, wala akong ganang kumain pero nag-caption ako ng ganun. E sa wala naman talaga akong maisip na caption. Hirap na brain cells ko, e.

Nang na story na ay chineck ko yung notif ko.

TODAY

ashleyyy, lauwooora, gwynnethignacio and others shared photos on their story.

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon