Chapter 12
Celebration"Dito pala table ni Baron?" tanong niya tsaka nagkamot sa ulo. "Nakatayo ako kanina dito e," dagdag niya at tumawa.
"Bakit hindi mo ba napansin gamit niya?" takang tanong ko.
"Hindi e," aniya.
Nagtataka ako kay Engr. Nelson. Kahit ako kita ko nga yung name ni Baron dito sa kinatatayuan ko e. Kahit hindi kalakihan yung mga letra, makaklaro naman siya.
"I think malabo na mata mo engineer," sabi ko bago tumalikod sa kanya para mag-ayos ng mga gamit ko na nagkalat sa lamesa. Tumawa lang si Nelson sa sinabi ko.
Bumukas yung pinto at linuwa doon ang mga kasamahan ko sa trabaho. Ang huling pumasok ay yung maiingay na sina Baron, Marie and Jane. Nang makapasok sila ay nagulat si Baron ng makita si Nelson na nakatayo sa gilid ng lamesa niya.
"Oh engineer anong ginagawa mo dito?" tanong ni Baron at lumapit kay Nelson.
"May kinukuha lang ako na folder. Yung about sa digital design."
Nagtatakang tumingin si Baron sa kanya bago nagsalita ulit.
"Bro este engineer, nakalimutan mo ba? I already give it to--,"
"Oo, binigay nga ni Isabelle," sagot ni Nelson kay Baron at ngumiti sa'kin.
Huh? Wala naman akong binigay ah? I just lead him to Baron's table.
Nakakunot na tumingin sa'kin si Baron. Tatanungin niya sana ako pero bigla siyang inakbayan ni Nelson at mansinsinang nag-uusap sa gilid. Hindi ko na lang sila pinansin. Lumapit naman sila Jane at Marie sa'kin na may nakakalokong ngiti.
"Hoy! Saan ka galing?" Jane crankily asked.
"Hala siya! Nagdate kayo 'no?" Marie smiled.
"Who?"
"Aba'y naamnesia agad Marie. Iba yata ang nangyari," makahulugang sabi ni Jane. Nakipag-apir pa siya kay Marie.
"Who are you talking about ba?" tanong ko sa kanilang dalawa habang nakatakip ng panyo ang mukha.
"Ay iba ka huh! Hoy, hindi ka naman namin nanakawan ng jowa," Jane glared at me. Tumango naman si Marie para sumang-ayon.
"Sino nga?" I asked, feigning innocence. Jane scoffed unbelievably. Akala ko hahatsing ulit ako pero buti hindi natuloy at nawal din agad yung kati sa ilong ko. May sasabihin pa sana si Jane pero naunahan siya ni Baron.
"Guys, call kayo tonight?" tanong ni Baron referring to the dinner tonight.
"O saan ba?" tanong ni Jane sa kanya. I think she still doesn't know about it.
"We have a celebration tonight," sagot ni Nelson.
"Para saan naman?"
"Uhm sa successful project namin sa Antipolo. Mini celebration lang. Just a dinner together with other engineers," ngiting sagot ni Nelson.
"O bakit kami kasama? Engineers lang naman pala e," pilosopang sagot sa kanya ni Jane.
"That's why I am inviting some Baron friends para hindi kami mabored ng kami-kami lang."
"Talaga?"
"Yes, I even invited Dana from finance department. Bakit ayaw mo ba? Okay lang naman sa'kin kung ayaw mo," sagot ni Nelson.
Lumapit ako kay Jane at bumulong.
"G na. Ayaw mo nun, libre na kain," sabi ko sa kanya.
"Okay call ako. Pero bakit dinner lang? Wala bang inuman diyan?" muntik ko ng mahulog yung mga folders na hawak ko dahil sa tanong ni Jane.

BINABASA MO ANG
Chasing Sunsets (Ocean Series #1)
General Fiction"I will never let you go this time Isabelle"