CHAPTER 4

70 3 0
                                    

Chapter 4
Pick Up

Hindi ko na nakita si Dana nang hapon na iyon. Hindi niya na ako hinintay o dinaanan sa office basta umuwi na siya. Yun yung sabi ng ka workmate niya sa sa Finance Department. Galit na galit talaga siya sa'kin. Nagtatampo. Ang OA din talaga ng bruhang yun.

Nakadamit pantulog na lang ako, wala pa rin akong natanggap na mensahe galing sa kanya. Akala ko ba yayayain niya ako ngayong gabi? Hindi kasi iyon mapakali pag hindi niya ako mayaya o makulit sa text. Nakakapanibago lang. Panigurado nag ninight out nanaman yung mag-isa. Kahit kailan hindi talaga nagbabago ang bruha. Old habits die hard.

Nakatulog na lang ako sa gabing yun. Ang ganda-ganda ng tulog ko. Well, napaginipan ko lang naman si Dominic, at hindi na ako nahulog sa tore. Nasagip niya man lang ako at sinakay sa kabayo para makauwi na kami sa palasyo. Palasyong itinayo niya.

Ang aga-aga kong nagising dahil sa panaginip na iyon. Kaya nagprepare na lang ako ng sarili kong breakfast. Today is friday. Gusto ko sanang mag absent kasi wala na naman akong trabaho tsaka konti na lang yung kailangan kong iproofread, mga grammars na lang yun. Pero hindi pwede alam mo naman yung bakla. Lalabas na naman usok nun sa ilong.

Pagkatapos kong maligo at kumain ay nag-ayos na ako. Just like my normal daily routine, naglagay muna ako ng skin products bago naglagay ng kaunting kolorete sa mukha. Yung usual light make up ko for work. Pagkatapos ay nag-ayos na ako ng buhok. Nagblower lang ako. I want my hair to look simple at the back of my shoulder. Nagbihis na din ako.

Today, I'm wearing an old rose print pussybow shirt and cropped houndstooth wool pants. Sobrang hapit na hapit yung damit sa katawan ko. Makikita yung maliit kong kurba. I pair it with my old rose block heels to match the color of my upper outfit. Naglakad ako papuntang full-length mirror to check my look. Well, ayos naman para sa employadong katulad ko. My outfit for today is perfect even my light make up. Ang ganda ng gising ko e, kaya dapat maganda ako today. Pagkatapos kong macheck lahat ng gamit ko ay umalis na ako tsaka inilock yung condo.

Nang nasa labas na ako ay labis ang gulat ko ng nandun ang bodyguard ng pamilyang Hernandez. They're waiting outside the door.

Lumapit kaagad sa'kin yung may green na mata.

"They'll going to escort you from now on. Expect them anywhere you go, Ms. Marcos. That's the order of Mr. Hernandez. And they'll going to call you soon for dinner once they finished their business travels," ang tigas ng pagkakaenglish niya. Halong may lahing dayuhan. Or dayuhan talaga to?

"I'll get going. If you have complaints on how they work, just tell me," sabi niya sa'kin sabay tingin sa dalawang bodyguards na nasa gilid ko.. Ah siya yung head boss nila. Ang gwapo naman. "And also Dominic will call you soon." As if naman tatawagan ako nun.

"Teka lang."

"Yes?" lingon niya sa'kin.

"May girlfriend ka?" diretsong tanong ko. Napakunot yung noo niya sa tanong at matalim akong tiningnan. Ang OA naman nito. Nagtatanong lang e.

"Meron," sagot niya. Ay marunong din magtagalog.

"Sayang irereto sana kita," nanghihinayang kong sabi bago umalis sa harapan niya. Sumunod naman agad yung mga bodyguards ko daw.

Dumiretso na ako sa laptop ko ng nasa opisina na ako. Ang kalat ng cubicle ko. Iniwan ko kasi ito kahapon ng walang linis kaya ito ngayon sobrang kalat ng mga papel dahil sa drafts ko kahapon. Dapat ko itong linisan baka sasabihan na naman tayo ng masasama diyan.

When it was lunch break ay nag open ako ng social media ko. I saw Dana online even Laura and Gwyn. Gusto ko sanang mag chat sa GC kaso nandun si Dana. Babarahin na naman ako ng mura nun. Hindi pa kami bati. Wala pa akong nadala na alak sa condo niya e. Tsaka nakakapagod pumunta sa condo niya. Ang layo. Kapag nandun ako, gagawin pa akong yaya.

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon