CHAPTER 6

43 2 0
                                    

Chapter 6
Good Night


"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang busy siya sa pagmamaneho. Binalewala ko na lang yung sinabi niya kanina. As if naman masasaktan ako. Matatag 'to tsong. Sobrang tatag. Walang sinong titibag sa'kin kahit si Dominic pa yun.

"Kakain. I'm looking for an Italian restaurant," sagot niya at sinandal yung siko sa bintana at kumakamot sa ulo.

"Huh? Marami naman diyan ah."

Kanina pa kami paikot-ikot dito. Gutom na ako. Kanina pa kumukulo yung tiyan ko.

"Well, I don't like the taste of their food," matigas niyang sagot sa'kin. Saan ba kasi kami pupunta? Gutom na talaga ako. Alas siyete y media na ng gabi. Hindi pa naman ako kumain ng snacks kaninang break time.

"How about fast food?" tanong ko ulit sa kanya, hoping for him to say yes kahit fast food na lang. Kasalukuyan ko ng hinihimas yung tiyan ko dahil sa gutom.

"Not healthy," maikling sagot niya sa'kin. Eksaherada akong umirap sa kanyang sagot pero syempre hindi niya nakita.

Tinagilid ko muna yung ulo ko. Tangna, gutom na talaga ako. Saan ba kasi kami kakain? Hindi naman ako pihikan sa pagkain. Kahit saan okay lang, as long as malinis.

Bigla akong napatuwid sa pagkakaupo ng may nakita akong ihawan sa dulo. Ayun! Pwede na yun.

"STOP," sigaw ko sa kanya. Daig ko pang traffic enforcer sa sigaw kong yun. Bigla naman ng screech yung break ng sasakyan.

Buti may seat belt ako kundi baka nauntog na yung ulo ko sa harap ng sasakyan. Or worst, baka madisgrasya pa ako. Sa lakas ba naman ng pagpapatakbo ni Dominic.

"Why did you shout? Ang sakit mo sa tenga," he growled. His brows furrowed when he said it. He even massaged his ears.

"Hehe sorry, may masarap kasi na kainan," nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Where?" nakakunot na tanong niya.

"Dun oh!" turo ko sa isang bahay kainan na umuusok. Langhap ko na ngayon ang masasarap na pagkain.

"That's not healthy... Also we can't trust how the way they cook the food," he snarled. He clenched his jaw after saying those words. Yung dis gusto niya talaga na pumunta sa ihawan ay makikita mo sa mata. His eyes blazing  with disinclination to go to a bbq house.

Ang gwapo ni Dominic pag nagagalit pero gutom na talaga ako. Kapag hindi ko to matigilan baka siya yung makain ko ngayon.

"Sensya na, gutom na gutom na talaga ako. Wala pa akong kain kanina," I blurted out.

Hindi ko na talaga mapigilan. Sa usok pa lang ngayon. Takam na takam na talaga ako. Hindi ko na halos matingnan yung expression ni Dominic dahil tingin na tingin na talaga ako sa pagkain na meron dun. Naiinggit ako sa mga taong nandun na ang laki ng pagkakahamon sa pagkain.

"But--," hindi ko na siya painatapos ng bumaba ako sa sasakyan niya.

Bahala ka muna diyan baby. Kakain ako. Ayokong mamatay sa gutom. Ikakasal pa ako sa'yo kahit ayaw mo sa'kin. Shit! Ang gutom ko na talaga. I heard my tummy growled angrily, asking for food. Huhu sorna tummy-yum-yum. Ang oa ng daddy mo.

Alam kong sumunod siya sa'kin dahil narinig ko yung pagsarado ng kotse niya. Inilock niya na rin yun. Gutom na talaga ako.

Nang makapasok na kami sa bbq house ay naghanap agad ako ng mauupuan para makakain na kami.

Pinili kong umupo sa gitna. Sumunod naman si Dominic at umupo sa harapan ko. He has a big scowl on his face when he look at me. Ngumiti lang ako sa kanya bago tumayo.

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon