CHAPTER 18

7 1 0
                                    

Chapter 18
Issue


Time passes so quickly. Monday na ulit ngayon at may trabaho nanaman ako. Nung Sunday na ako umuwi sa condo ko kasi may get together pa kaming ginawa nung Saturday. Pakana kasi ni Laura lahat kaya walang ni isa sa amin ni Gwyn ang naglakas-loob na umuwi, at hindi rin naman kami pinayagan ng dalawa umuwi kaya sa condo pa rin kami ni Dana natulog. What we did on Saturday was just catching up with our life, kung ano na ang ganap sa mga buhay namin, especially yung buhay ni Laura ng tumira siya sa Paris. Dahil mausisa kaming kaibigan ay ininterrogate talaga namin siya.

On Sunday naman, ang ginawa ko lang ay nagworkout at ginawa ang trabahong naiwan ko nung Friday ng umabsent ako. Naglinis na rin ako ng condo at nagpalit na rin ako ng mga kurtina. Linabhan ko na rin yung ibang labahin ko at ibang bed sheet na hindi ko natapos labhan.

Today, I’m wearing my navy green turtle neck partner it with high-waist jeans. I added some belt too in order to add style para hindi naman siya masyadong boring. Wala naman talaga kaming uniform sa trabaho but we had a proper dress code. In work, most wear some casual and office attire but the company still give us the liberty to wear our favored outfit or clothes. As long as hindi revealing at hindi kabastos-bastos yung suot mo ay pupuwede na yun.

Dahil feel na feel ko ang outfit ko ngayon ay nag-effort na rin ako sa makeup ko but not that dark. It’s just a light makeup that is my usual makeup for work. Pinatungan ko na rin ang sarili ng crop top jacket galing sa Chanel na binigay sa’kin ni Laura nung Saturday upang hindi ako masyadong ginawin sa opisina. Malakas pa naman ang aircon ng department namin. Sinuot ko na rin yung black stiletto ko. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay kinuha ko yung susi ng sasakyan at lumabas para pumasok na sa trabaho.

It seems like yesterday where I was just chilling on my condo. Ngayon may trabaho na ulit. Araw nanaman kung saan magbubuga ng apoy ang dragon. Sana nga lang ay hindi yun magagalit sa’kin ngayon. Nakakaumay din sa pandinig minsan mga sest. Sana lang talaga ay hindi ako papagalitan.

“Ang aga ah,” bungad sa’kin ni Baron ng linagay ko ang gamit sa sariling lamesa. He’s the usual early bird in our department. Never kaya itong nalate.

“Yes. Iniiwasan ko lang ang mapagalitan. Absent pa naman ako nung Friday.”

“Haha sabagay,” aniya. “Uy! Nga pala. Nelson was here on Friday. Gusto ka sana niyang makausap.” I rolled my eyes. For what? Hindi ko pa naman nakalimutan yung ginawa niya.  Ano ako easy to get? Kahit linoloko ako ni Dana na pokpok ako, I still didn’t allow myself to be called a cheap girl or acting like one. Hindi ko pa rin gusto yung nangyari at ginawa niya sa’kin.

“Ano ba talaga kasi ang nangyari? He said how sorry he was at hindi niya rin daw nagustuhan ang nangyari,” aniya. “Tsaka he’s been reaching out to talk to you pero ni isa hindi mo raw pinauunlakan yung mga pakiusap niya,” he also added. Tss.

“Wala Baron. Huwag mo ng pansinin,” sabi ko. Magsasalita pa sana siya pero sinenyasan ko na siyang huwag magsalita. Napakamot na lang siya sa ulo niya at bumalik sa sariling cubicle.

Makalipas ang ilang minuto ay isa-isa na din pumasok ang mga kasamahan ko sa trabaho.

I did what my usual work here in this company but pumasok yung bakla kanina dito nung break namin at binigyan ako ng ibang trabaho kaya heto ako ngayon todo browse para maibigay at maisulat ko kung ano ang hinihingi ng bakla sa’kin. Nagpapasalamat na din ako na hindi galit si Gallermo ng binigay niya ito sa’kin.

“Hoy! Lunch na, hindi ka kakain?” kalabit sa’kin ni Jane. May tinatype ako ngayon sa laptop ko.

“Kakain,” sabi ko ng nagtype pa rin sa laptop.

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon