CHAPTER 19

20 0 0
                                    

Chapter 19
Steak

Matapos ang ilang minuto na pag break down ay nagpapatuloy ako sa trabaho. Hindi naman titigil ang mundo kapag nagmumokmok ako sa tabi. Hindi naman maibabalik ang dati sa isang simpleng pagkakamali. At lalong wala lang akong mapapala kung mag-iisip pa ako ng iba. Kasalanan ko naman talaga.

To learn from your mistake is to move forward. Mistakes will always serve as a lesson to strive hard and to do better. Time will not stuck. Go forward and change what you had done. Embrace it and learn something from it.

Tiningnan ko ang mga dapat kong gawin sa sariling lamesa. May nakatambak na folders doon galing sa isang vista land ng company namin. Gagawan ko ito ng content to engage our possible clients to buy our high-end condominium sa cebu.

It doesn't mean na napagalitan ako kanina ay hindi na ako magtatrabaho. It's part of your work if you are scolded. What you work will be criticize. May pagitan talaga ang tama at mali. Syempre nagtatrabaho ka, e. Pwera na lang kung may sarili kang kompanya na ikaw mismo ang magsasabi kung saan ka nagkakamali. But a mistake should always be corrected in work in order to have a good outcome. Pero hindi naman lahat ng mali ay mali, at hindi din lahat ng tama ay tama.

"Hoy Isabelle! Hindi ka pa uuwi? Sama ka sa'min." Kalabit ni Jane sa akin habang nag-aayos siya ng gamit sa bag niya.

"Hindi. Mag overtime muna ako para maayos ko ito."

"Huh? Alas cinco na ah. Di ba pwedeng ipagbukas yan?" aniya.

"Pwede naman pero nag'guilty ako kanina kay Gallermo, e."

"Hoy! Ano ka ba, huwag kang paranoid dyan. Hindi din naman kami papayag na hindi ikaw ang ma promote. Huwag mo ng isipin ang baklang yun. Si sir Gihatti naman ang magdedecide."

"Okay lang, Jane. Mauna na lang kayo."

"Ano ba kasing content yang ginawa mo?" Medyo naiinis niyang tanong.

"Sa De Silva Lands sa Cebu," banayad kong sagot.

"Huh? Diba malayo pa yan? Tsaka may mga empleyado namang gagawa niyan sa Cebu. Hindi mo ba narinig ito?"

I shake my head. "Hindi, e. Ako na lang ang gagawa since may time pa ako tsaka e-email ko na lang ito sa content writer ng branch ng Cebu."

"May time ka pa niyan? E uwian nga diba..." taas kilay niyang tanong.

"Okay lang. Wala naman talaga akong gagawin."

"Ay bahala ka nga!" sagot niya at tumayo para makaalis. Sinita niya na rin sina Baron at Marie kung saan sila uuna para sa lakad nila.

Nagtanong pa sina Baron at Marie kung hindi ba ako sasama sa lakad nila. Tinanggihan ko ulit sila since tatapusin ko talaga itong ginagawa ko ngayon. Sinabi din nila sa akin ang mga sinabi ni Jane sa'kin kanina about sa content na ginawa ko para sa high-end condominium  namin sa Cebu.

"Hoy Isabelle! Umuwi ka ng maaga ah..." Paalala sa'kin ni Jane bago lumabas ng aming department. Kumaway lang ako sa kanila, ganoon din sina Baron at Marie sa'kin.

Todo research ang ginawa ko sa gagawin kong content. Kailangan gandahan ko ito since sa malaking city itinayo ang high-end condominium namin. Malapit ito sa SM Cebu kaya kailangan talaga ng catchy na content para may bumili. Bihira pa naman ang bibili  ng condominium ngayon dahil mas prefer nila yung apartments. Pero low cost naman yung amin at affordable pa. Tsaka maganda din naman ang pagkakadesign. We have the best architects and engineers in the field.

Alas sais y trenta na ng napagdesisyunan kong tapusin na ang trabaho. May konting touches pa akong gagawin pero napagdesisyunan ko na ipagpabukas na lang. Ako na lang kasi ang mag-isa sa department namin at madilim na rin sa labas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon