CHAPTER 10

10 1 0
                                    

Chapter 10
Yell


"Oh okay ka lang diyan? Sino kaaway mo?" tanong ni Jane sa'kin. I think she heard me cursed.

"Wala, just a typo," I lied then sniffed and coughed a little.

So Dominic was the one who contacted and excuse me from our president, what for?

Oh shit! He's a major shareholder of the company. How could I forget it? Sa laki ng kompanya nila, there's no reason that they can't associate. De Silva Residences is a well-known real estate company in the country, so will the company of Dominic. How dumb I am to forget it!

I shake it off and let out a big sigh. Bahala na nga!

I just check our analytics and our website when someone open the door of our department. It was Dominic. Binabati siya ng mga ka work mates ko dito. He's wearing his white polo shirt, na tinutupi hanggang siko, black slacks and dark brown leather shoes. He looks so dashing with his clothes. Sinampay niya sa braso yung coat niya.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng dumiretso siya sa cubicle ko.

Tumayo si Jane para batiin siya. "Good Morning Sir Hernandez!" Tumayo rin ako bilang paggalang. Pero labis ang gulat ko ng biglang dumapo yung kamay niya sa noo ko. Even Jane and my other co-workmates are shocked because of Dominic sudden moves towards me.

"Miss Marcos, can I talk to you outside?" tanong niya sa'kin pagkatapos niyang salangin yung noo ko.

Wala akong makapang salita dahil sa ginawa niya kaya tumango nalang ako sa kanya bilang tugon. Naguguluhan ang mukha ng mga ka workmates ko even Jane ng tumayo ako para sumunod kay Dominic sa labas. Nahihiya ako sa kanila. Questions are now formed on Jane's head; the way I see her looking at me. For sure mamaya, they'll interrogate me. Knowing them may pagka chismosa.

Yung phone lang ang dala ko ng lumabas ako sa opisina. Nakasalubong ko pa si Lianna nung palabas ako sa department namin. Her hawk like eyes surveyed me from head to foot. Pagkatapos tumingin kay Dominic na nakalabas na. Her forehead creased when I followed Dominic. Anong problema nito?

Nasa labas na ako ng nakita ko si Dominic sa harap ng elevator, naghihintay. Akala ko ba outside ng department namin? Bakit ibang labas?

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya ng nasa gilid na niya ako. Hindi niya sinagot yung tanong ko. Sumakay lang siya agad ng elevator ng may huminto sa harapan namin. Sumunod naman ako sa kanya.

"How's your foot?" tanong niya pabalik sa'kin. Muntik ko ng nakalimutan natapilok pala ako nung isang gabi. Pero okay naman siya, hindi naman kumikirot. Nakaheels pa nga ako today e.

"Okay lang, nakakalakad pa naman ako," sagot ko sa kanya tsaka suminghot ng konti. "Hey! I am the one who ask first," I rant at him. Batuhin ba naman ang tanong ko ng isang tanong.

"Did you take your meds?" tanong niya sa'kin bago tumingin sa baba. "You shouldn't have wear heels."

"Okay lang naman ako. Kaya ko naman, tsaka ayokong magsapatos parang unprofessional," sabi ko sa kanya. Kasi feel ko lang hindi maganda e. Ang pangit naman ng outfit ko niyan.

"Why would wearing shoes in work is unprofessional?"

"Feel ko lang naman, hindi ako sure," direktang sabi ko sa kanya.

"Tss," singhal niya. Ano problema nito? Hindi naman ako sure ah. Feel ko lang naman.

"So you mean, I am unprofessional?" nagulat ako sa tanong niya. "I am wearing shoes," dagdag niya pa. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin e.

"Hala, hindi ah. What I mean is ako," dali-dali kong agap sa tanong niya baka majudge na naman tayo nito. Damn, ang pangit ng image ko sa kanya pag nagkataon. Nagpapa good shot nga ako sa kanya e.

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon