Simula

76 4 2
                                    

"Isabelle, ano ka ba! Isang shot lang naman nito eh. Diba birthday ko? Pagbigyan mo na ako. One shot lang talaga. Diba one shot!?"

'One shot!'
'One shot!'
'One shot!'

Why I am here again? For pete's sake ayokong uminom dahil may trabaho pa ako bukas. Ikakamamatay ko pag natanggal ako sa trabaho ang dami ko pa naman gagawin bukas, may report pa akong tatapusin. Kundi lang talaga malditang bakla yung boss ko, magdamag akong magpaparty. Pero hindi eh, maldita talaga yun. Ewan ko ba saan pinaglihi ang budhi nun.

I am here at the bar with Dana and her friends and also mga collegues ko din sa trabaho na mga kaibigan din niya. Birthday niya kasi at nagtatampo na siya sa akin dahil palagi nalang daw akong absent sa mga gala namin dalawa. Eh kasalanan ko ba na sandamakmak makabigay yung baklang boss ko. Ewan ko talaga sa taong yun.

Kaya heto ako ngayon, nakaupo dito sa table namin at walang planong anong gawin. Actually hindi sana ako sasama dahil sana matutulog ako ng maaga ngayon pero baka magalit na naman si Dana sa akin kaya pinagbigyan ko na. Saklap! Ang sarap na talaga matulog.

"Uy! Isabelle. Ang killjoy mo talaga. Magtatampo na talaga ako sayo. Ito na nga lang hinihingi ko tapos aayawan mo pa. Palagi ka nalang kaya absent sa mga gala natin. Magtatampo na talaga ako. I hate you na talaga!"

"Sige na nga! Oo na! Oo na!"nagliwanag agad ang mga mata ni Dana sa sinabi ko. Itong babaeng to talaga, kahit kailan!

"Oh guys! Hahahaha yes! Go Isabelle! Isabelle!"

'Isabelle'
'Isabelle'
'Isabelle'

Dali-dali kong linagok ang basong binigay ni Dana. I didn't think of anything else. I just wanted to end her complaints about these things. Pero biglang pumangit yung mukha ko. Bigla ko na lang linuwa yung ininom ko. For pete's sake anong klaseng drink ba to?

"Shucks! Dana, anong klaseng inumin ba to!? ang anghang, ang pait tsaka ang sakit sa lalamunan!"

"That is Tequila! Haha ano ka ba? It's time for you to explore new things. My gosh Belle! 23 years old ka na tapos pa simple-simple ka lang na drink. You're not a kiddo anymore! Duh!" sabay irap niya sa akin.

Sa tanang buhay ko hanggang cocktail lang ako or mga drinks na may 5% alcohol. Actually umiinom talaga ako ng mga hard drinks pero i stop when that gross thing happen. Hindi ko talaga mahandle ang sarili ko kapag na lasing ako. Sabi ni Dana I become wild daw pero I don't think so? Wala talaga akong tiwala sa babaeg yan. Puro kalokohan. So I stop drinking hards. Kaya hanggang cocktail nalang ako kahit anong events pa yan. I don't want to do the same mistake anymore. Mistake ba talaga yun?

"Come on Isabelle, try to explore new things. You'll always have cocktail in every events. Parang awa mo naman sa sarili mo, try mo din bigyan pansin ang iba. Diba guys?" tumango naman agad ang mga kasama namin. Kahit kailan talaga itong babaeng to.

"Oo na nga! Ang dami mong sinabi." Sinalinan niya balik ako ng tequila. Kinuha ko agad ito at linagok. This time pumikit talaga ako. Ang pait talaga tsaka masakit sa lalamunan. Bakit ba meron drinks na ganito? For pete's sake ang anghang sa lalamunan. Pagkatapos kong inumin ang drink na yun ay bigla kong nilagay ang baso sa lamesa.

"Woaahh!" hiyaw nilang lahat. "Yan ang sinasabi ko sa'yo Belle. Ano one more? Ano guys?" Seriously Dana?

'One more!'
'One more!'
'One more!'

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon