CHAPTER 9

13 1 0
                                    

Chapter 9
Excuse


Lumabas kaagad ako ng kwarto ni Dominic, hindi ko na ulit pinakealaman kung ano ang nasa laptop niya. Wala naman akong karapatan manggamit ng gamit niya dahil hindi naman yun akin, at hindi ko din alam kung sino yung babae na yun. When we were high school and college, Laura did not mention something about Dominic relationships. Kaya wala talaga akong alam.

Nang bumalik ako sa kitchen, pagkatapos kong macharge ng cellphone ko ay tapos na si Dominic sa linuluto niya.

"What took you so long in my room?" tanong niya sa'kin habang naghahain ng kanin at yung linuto niya na cowboy casserole. Nagulat ako sa tanong niya pero nagkunwari din kaagad na hindi.

"Pinagsasabi mo? Hindi nga ako nagtagal ng isang minuto sa kwarto mo. Akusador ka masyado," singhal ko sa kanya.

"Uhuh?" he incredulously asked. Hindi siya naniwala sa sinabi ko. Nakataas pa yung kilay niya ng tinignan ako.

"Seryoso, wala akong ginawa sa kwarto mo. Diba sabi ko na charger lang yung kukunin ko, duh judgemental ka," napairap ako sa kanya.

"Okay if that's what you said," sabi niya sabay balik sa lababo para maghugas ng kamay.

Kumain lang kami ni Dominic ng tahimik. Hindi siya nagsalita kaya nanahimik lang din ako. Only our utensils creating a sound. Pagkatapos nun ay sinabihan ko si Dominic na ako na ang maghugas ng pinggan. Hindi naman siya umayaw dahil hinayaan lang niya ako. Pumasok din agad siya sa kwarto niya dahil may gagawin.

Hindi na lumabas si Dominic sa kwarto niya. Kakatukin ko sana yung kwarto niya para sa damit ko pero hindi ko na tinuloy, baka may ginagawa siyang importante sa loob.

Nakasaklay pa rin yung tuwalya sa balikat ko dahil basa pa ako galing sa ulan. Gusto ko na talagang magbihis dahil giniginaw na ako, idagdag mo pa yung aircon na sobrang lakas. Wala akong magawa kundi umupo sa couch at mag-antay. Hindi pa rin tumitila yung ulan sa labas at kumukulog at kidlat pa rin.

Nagising ako ng may umalog sa akin para gisingin. I tried to open my eyes pero mahuhulog talaga. Hindi ko alam pero sobrang pagod ng katawan ko. I feel so hot sa hindi alam na dahilan at mainit rin yung hininga ko.

"Shit... ang lamig," nanginginig kong sabi.

"Fuck," I heard him muttered a cussed.

Ibubukas ko na sana yung mata ko ng magsalita ulit siya.

"Don't open your eyes."

Sinunod ko lang yung sinabi niya. I close my eyes again. I felt he scoop me from where I was sleeping dahil parang lumilipad ako. Later on, I felt a comfy cotton behind my back. Hiniga niya ako sa kama.

"Just don't fall asleep yet. I'll change your clothes first. Just wait for me. Kukunin ko lang sa labas."

Tumango lang ako sa kanya at narinig ko na sumarado yung pinto ng kwarto. I just know that I am on a room kasi bumukas ito kanina ng binuhat niya ako.Dahan-dahan akong bumangon at sinandal yung likod ko sa headrest ng kama. Nakapikit ang mga mata ko pero feel ko umiikot yung paningin ko. Nanginginig din ako sa sobrang lamig.

"Geez, ang init ng hininga ko," I growled to myself.

Bumukas ulit yung pinto at linuwa doon si Dominic. This time nakabukas na yung mga mata ko.

"Get your clothes off and change," he commanded me.

Natataranta na rin yung mukha niya ng makita ang ayos ko. Tumango ako sa kanya tsaka tumayo. Kinuha ko yung damit sa kanya at pumasok sa banyo para makapagbihis na. Isang leggings at grey shirt na may print na all is well ang binigay na damit sa'kin ni Dominic. Nagulat pa nga ako ng may mga underwear dun na kasali. Akala ko nga hindi magkasya sa akin yung panty e, pero okay naman. Ka size ko naman pala yung sukat. Saan niya kaya nalaman sukat ko? Oh well, may nangyari pala sa'min, malay ko ba. Shucks, umayos ka Isabelle!

Chasing Sunsets (Ocean Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon