Kabanata 7

108 18 1
                                    

{Chapter 7}

"P-paano mo nalaman ang pangalan---ah palayaw ko?" Nauutal kong tanong. Nakatingin lang siya sa akin.

"Nakita ko doon"  sagot niya. Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko pa naman alam na niya.
"Nakakatuwa kasi marunong ka na" sambit ko sabay tingin sa kaniya at ngumiti. Ang tangos pala ng ilong niya.

Napangiti nalang din siya. Sandali kaming nanahimik. Maya maya ay nagsalita muli ako.

"Sorry----ah pasensya na pala nung inaway kita kagabi" wika ko. Napalingon naman siya sa akin. "Ayos lang iyon" sagot niya. Napatango nalang ako at hinawakan yung mga papel.

"Nagpaliwanag sa akin si Clara. Patawad kung ano ano ang sinabi mo sayo. Akala ko kasi nagkabalikan na kayo e. Kaya lang naman kita inaway para hindi masaktan si----" Napahawak ako sa bibig ko. "Ah wala" dagdag ko pa. Nakatingin lang siya ng direcho sa eskinita.

"Nagkataon lang na sinamahan ko siya sa tindahan ng ube halaya" sambit niya. Napatango nalang ako.

"K-kami din nila Martha ang nagtitinda ng mga turon na iyon" giit ko. Napatango nalang din siya at tumingin sa papel na naka baybay ang pangalan ko.

"Hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na ng mga-----" Natigilan ako. Nakatingin lang siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Umm, Joven ano pala ang dahilan kung bakit namatay ang ama mo?" Tanong ko. Halata sa kaniya na ayaw niyang pag usapan to.

"May bumaril sa kaniya" sagot niya. Napahawak naman ako sa batok ko. Gusto ko siyang tulungan hanapin ang justice.

"May kaaway ba ang papa mo? Para mabilis nating malaman kung sino. Ipapakulong at paparusan ang may gawa noon. Tsaka bakit pala nagkasakit ang mama mo?" tanong ko pa. Napahinga naman siya ng malalim.

"Umiiwas sa away si ama. Nagkasakit si ina dahil mahilig siyang gumawa ng mabigat na bagay" sagot niya. Napatango nalang ako. Nabasa ko yung liham na sinulat niya para kay Marcelina. Mamamatay si ate Dolores at General Alberto sa araw ng birthday ni Clara. Kailangan kong pigilan ang lahat.

"Ngayon handa na ako sa maling mangyayari" sambit ko habang nakatulala. Napalingon naman siya sa akin. "May mangyayaring hindi mo at hindi ko magugustuhan" dagdag ko pa. Nagtaka naman siya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya na walang emotion.

"Ah-wala" yun nalang ang nasabi ko. Napatango nalang siya.

Magsasalita pa sana ako ng may narinig kaming yapak ng paa.

Nagulat ako ng makita si Carlos. Agad kong hinila si Joven papatago sa halaman. "Magandang araw po. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Napangiti naman siya at may inabot sa akin na box. "Para sa iyo yan" wika niya pa sabay ngiti. Napaiwas naman ako ng tingin. Napatingin ako sa box na hawak ko ngayon.

"Mauuna na ako binibini. Mas uunahin kong dumaan dito bago magpunta sa aking ensayo" Sambit niya sabay ngiti at kindat. Napatango nalang ako. Naglakad na siya papalayo at tumingin pa sa akin.

Tumango ako kay Joven. Umupo ako at binuksan yung box. Napasigaw naman ako ng makita ang nakalagay doon. "Ahhhh daga!" sigaw ko sabay takbo. Napalingon naman siya sa akin at lumapit sa box.

"Hindi ito daga. Isa itong kuneho" sambit niya sabay hinimas yung rabbit. Napahinga nalang ako ng malalim. Akala ko rat huhu.

"Bakit niya ako binibigyan ng rabbit?" Tanong ko. Napalingon naman siya sa akin. "Ayoko niyan" patuloy ko pa. "Paborito ito ni Clara" wika niya. Napa tsk tsk nalang ako. "Edi kay Clara na yan" singhal ko. Natawa naman siya at pinalabas yung rabbit sa box. "Siraulo ba yun? Anong gagawin ko diyan? kakainin?"ani ko. Nababaliw na si Carlos.

When I met you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon