Kabanata 16

72 18 0
                                    

{Chapter 16}

Naalimpungatan ko nalang ang ingay sa labas. Kinusot ko ang aking mata at lumabas para tingnan sila.

"Ate Espreranza, natutuwa ako sa regalo mo sa akin" ngiti ni Hilaria. Tinapik naman ni Espreranza ang ulo ng bunsong kapatid habang binubuksan yung regalo. So ibig sabihin, birthday ni Hilaria?

Naalala ko na wala akong regalo kay Hilaria dahil hindi ko naman alam na birthday niya ngayon.

Napatigil ako ng maalala ang binigay ni Joven.

"Sa'yo na yan. Sana magustuhan mo" ngiti niya sabay abot nung painting na galaxy. Maliit lang ito pero maganda pa din tingnan.

"Binili ko yan kanina" patuloy niya ibinalik ko agad sa kaniya yung mini painting. "Madami ka nang naibigay sa'kin. Nakakahiya na" wika ko sabay yuko. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa at iniabot muli sa akin ang painting.

"Wala yun. Wag mo nang isipin iyon. Simbolo lang to ng ating pagkakaibigan" ngiti niya dahilan para maginhawaan ako. Ang dami na niyang binigay sa akin. Pamaypay, panali, garapon tapos dagdag pa tong painting.

"Sakto nga mahilig ka sa tala" patuloy niya sabay tumingala. Napapikit nalang ako dahil nag mumukha akong jowa niya na laging nag papabili ng gusto ko. Libre sponsor pa.

"Sure ka akin na to?" Tanong ko sabay hinawakan yung painting. Color violet ito at madaming star. May whole moon pa sa gilid.

"Salamat. Promise babawi ako sa'yo" ngiti ko kaya napangiti nalang siya. Napatingin muli ako sa kaniya. Dapat pala hindi ko siya inaaway tulad kanina sa dangwa.

"Marcelina, kaarawan ko ngayon at alam ko na ikaw ang unang nakakaalam nun" wika ni Hilaria sabay inanyayahan akong umupo sa upuan. 3 days pa kami dito sa Bulacan.

Napataas noo nalang ako. Ako nga yung hindi nakakaalam e.

"At sigurado ako na may nabili kang regalo" ngiti pa ni Hilaria. Nasa tapat ko si Espreranza na naka damit pang madre. Nakangiti din ito sa akin.

Napapikit ako. Hindi ako makakabili ng regalo sa kaniya dahil wala na akong pera dahil nilibre ko sila Fidelito kahapon sa plaza. Hindi ko din alam na birthday niya ngayon kaya hindi ako nakapag handa.

Alas dies na ng umaga. Hinihintay ko si Clarita matapos maghugas ng pinggan dahil uutusan ko itong bumili ng patatas. Binigyan na ako ng pera ni ate Dolores kaya makakabili na ako ng regalo ni Hilaria.

"Bakit po señorita?" magalang na tanong ni Clarita. Naka ayos di siya ngayon kaya ang aliwalas niyang tingnan.

"Ibili mo ako ng sampung patatas" ngiti ko. Nagtaka naman siya at pilit iniisip kung anong gagawin ko sa patatas. Hindi niya alam na gagawa ako ng french fries. Dib gawa yun s potatoes?

Iniabot ko sa kaniya ang one hundred pesos na binigay ni ate Dolores at papel kung saan naka drawing ang payneta na ibig kong bilhin kay Hilaria na nakita ko kahapon sa pamilihan ng palamuti nung pumunta kami sa plaza pagkatapos ko maligo.

"Pakibili din yan sa'yo na ang sukli" patuloy ko. Napatango nalang siya at nag bigay galang sa akin.

Pumasok muna ako sa kwarto. Binuksan ko ang bintana at pinagmasdan ang mga tao sa baba. Nasa second floor ang kwarto kaya tumama sa mukha ko ang sikat ng araw.

When I met you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon