{Chapter 42}
HINDI na ako mapakali simula ng magka sakitan si Carlos at si Joven. Patuloy na tumutulo ang luha sa mata ko habang naka hawak ako sa puso kong parang pinipiga dahil sa sakit. Pansamantala akong naka sakay sa kalesa at pupunta sa hacienda Ramos kung saan nakatira si Candido. Nalaman niya ang insidenteng nangyari kanina kaya nag padala siya ng liham sa akin na pumunta ako sa mansion nila. Nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay at mas nasasaktan at nagagalit pa ang puso ko na ngayon ay durog na durog dahil sa sakit.
"CARLOS! JOVEN! ANO BA TUMIGIL NA KAYO! TAMA NA!" Sigaw ko naman at pumagitna sa kanila para awatin sila. Dumudugo na ang labi ni Joven pati ni Carlos dahil sa sapukan nilang dalawa. Akmang susuntukin pa sana ni Carlos si Joven ngunit hinarang ko ang aking sarili kaya hindi na niya nagawa yun. Napahikbi nalang ako habang naka kapit sa dibdib ni Joven.
"Jovento, hindi ka naniniwala?! Nag dadalan-tao si Marcelina at ako ang ama! Tatlong linggo na ang bata sa sinapupunan niya!" Sigaw pa ni Carlos dahilan upang manlamig ang buong katawan ko. Napabitaw din si Joven sa braso at napatulala. Parang sinasaksak ng ilang daang beses ang puso ko. Hindi ito pwede! Bakit pinalabas ni Carlos na may nangyari sa aming dalawa kahit wala!
"Tigilan mo ang kahibangan mo, Carlos. Imposible ang sinasabi mo" Mahinahong wika naman ni Joven at akmang susuntukin pa muli si Carlos ngunit binaba ko ang kamay niya at umiling iling ako sa kaniya. Tumutulo na din ang luha sa mga mata ni Joven kaya mas nasasaktan pa ako habang nakatingin sa kaniya.
"Ikaw ang hibang, Jovento! Ikaw! Bakit hindi mo nalang tanggapin na isisilang na ni Marcelina ang panganay namin?! Huli na ang lahat at wala ka nang magagawa pa! Mapapasa akin na ang ang katipan mo! Wala ka man lang kamuwang-muwang na mag kakaanak na kami!" Sarkastikong sambit ni Carlos sabay tawa. Nakatingin siya ng matalim sa amin ni Joven. Sinubukan kong mag salita ngunit walang salitang lumabas sa bibig ko dulot ng sakit, galit at gulat dahil sa ibinunyag ni Carlos. Napadapa nalang ako at napatulala sa lupa ng luhaan ang mata. Hindi dapat mangyari ito!
"Tayong mga lalaki, hindi mawawalan ng kasabikan sa mga babae. Sabik na sabik ako habang nasa kama kami ni Marcelina. Nag iinit ang buong katawan ko. Sa pagkakataong hawak hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Marcelina, doon pa lang nalalaman ko na mahal niya ako. Sa pagkakataong naka tingin ako sa kaniya habang may nagaganap sa aming dalawa, alam kong nagugustuhan niya yung ginagawa ko. Ikaw ang hibang at hindi ako, Jovento" Patuloy pa ni Carlos sabay tawa ng puno ng pagka sarkastiko. Hinawakan ko nalang ang nanginginig kong kamay at dahan dahang tumingin kay Joven ngunit ng makita niyang tumingin ako sa kaniya, iniwas niya ang tingin niya. Napasabunot nalang ako sa sarili ko at muling napahikbi. Maayos ko pa ba ang gulong ginawa ni Carlos? Wala na akong pag-asang maibalik namin ni Joven ang masasayang araw na kasama ko siya dahil galit na siya sa akin! Sinira na ni Carlos ang lahat na wala na akong magagawa pa.
"Ako kaya mo akong bastusin pero si Marcelina hindi. Tumigil ka na Carlos. Hindi ako magagawang pag taksilan ni Marcelina ng dahil lang sayo. Tumigil ka na! Wag mo nang sirain ang ugnayan namin. Malabong ibigay niya sa tulad mong lapastangan ang sarili niya. Tantanan mo na kami, Carlos. Kaya hindi ka mahal ni Marcelina dahil sa kabastusan mo. Wala kang galang sa mga kababaihan at wag mo akong ihalintulad sayo" Banat naman ni Joven sabay nag pakawala ng malakas na suntok sa mukha ni Carlos dahilan upang mag dugo pa ang labi nito at natumba sa lupa. Napahawak nalang ako sa binti ni Joven at muling umiling sa kaniya. Tumulo ang malamig niyang luha sa noo ko. Ang sakit sakit ng mga nangyayari. Hindi ko na kaya, pagod na ako.
"Ako pa talaga ang lapastangan? Sabihin mo iyan sa sarili mo! Ano pa bang magagawa ko?! Inagaw mo sa akin si Marcelina! Ikaw ang pinili at minahal niya kahit alam mo na noong mga bata pa tayo na may pagtingin na ako sa kaniya at kapag nasa wastong edad na kami ay hihingiin ko ang kamay niya kay don Renato at kay doña Alicia Valeriano pero ngayon anong naging bunga, Jovento?! Ikaw ang mahal ni Marcelina at hindi ako!" Sigaw pa ni Carlos dahilan upang magulat ako. Ibig sabihin, bata pa lang siya ay may gusto na siya kay Marcelina? At alam din ni Joven ang bagay na iyon?
BINABASA MO ANG
When I met you in my Dreams
Historical Fiction"Right person at the wrong time" A story of a woman who can enter her own dream as a mission. She must change the fate of past before she finally wakes up in reality. Highest Rank: Panaginip #2 Date started: April 30, 2020 Date finished: November 1...