{Chapter 34)
"BINIBINI!" Tawag sa akin ni Clarita at tumakbo papunta sa akin. Inalalayan niya akong maka tayo mula sa pagkaka luhod.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong pa ni Clarita. Napatango nalang ako at tumingin sa kaniya. Kahit hindi naman talaga ako ayos ngayon. Hindi pa din ako naniniwala na gagawin yun ni Joven. Kahit ipamukha pa sa akin ng karamihan, hinding hindi ako maniniwala. Hindi ako maniniwala na si Joven ang may dahilan kung bakit ganito ang buhay ko dito sa panaginip.
Para akong lantang gulay na naglalakad pabalik sa bagumbayan. Napatingin naman ako sa kalangitan. Umaambon ng marahan at madilim pa din ang kalangitan tulad kahapon. Napabuntong hininga nalang ako.
"Marcelina" Mahinahong tawag sa akin ng presidente. Lumapit naman kami ni Clarita sa kaniya. Wala akong ganang tumingin sa kaniya.
"Hahanapin natin si Hilaria kasama ang mga kawatan na ito" Dagdag pa ng presidente sabay tingin sa anim na kawatan na wala nang takip sa mukha. Naka yuko lang sila at mahinang humihikbi. Napatingin nalang ako sa kamay ko na napatakan ng ambon. Humangin naman ng marahan dahilan para mag sayawan ang mga dahon mula sa puno. Parang nakiki sabay lang ang klima sa kalungkutan ko.
"Clarita maiwan mo muna kami sandali" Utos ng presidente. Napatango nalang si Clarita at nag bigay galang. Naiwan kaming dalawa ng presidente sa gitna ng bagumbayan. Napabagsak nalang ang balikat ko hanggang sa mapa dapa nalang din ako. Humikbi nalang ulit ako. Ito yung mga luha na pinipigilan ko kanina habang kaharap si Joven. Ayokong maging mahina sa harap niya.
Lumuhod naman ang presidente para mapantayan ako. "Marcelina ikinalulungkot ko na may kinalaman pala si Joven sa pagkawala ng kaibigan at kapatid mo. Wag kang basta basta susuko. Baka naman may proweba na hindi talaga si Joven ang may gawa noon" Pinunasan ko nalang ang luha na tumulo sa mga mata ko. Ng dahil sa kaka iyak ko, lumalalim at pumupungay ang mata ko.
"Ewan ko po. Hindi ko na alam ang gagawin ko" Sambit ko habang humihikbi. Napabuntong hininga ang presidente at hinawakan yung balikat ko.
"Tandaan mo ang sinabi ko. Wag kang susuko. Baka may paraan pa upang mapawalang-sala si Jovento" Umiling nalang ako at tumingin sa kaniya.
"S-sana nga po. H-hindi ako naniniwala na gagawin ni Joven ang bagay na yun. Alam niyang mahal ko sa buhay si Clara at si Martha, señor. Sigurado po ako na malabong gawin yun ni Joven" Napa hikbi nalang ulit ako. Ubos na ubos na ang lakas ko. Kilala ko si Joven. Hindi naman pwedeng basta basta nalang siyang sisihin.
"Paano malulutas ang isang problema kung idadaan mo sa pag hihinagpis?" Natigilan naman ako sa tanong ng presidente. Tama nga naman siya. Hindi ko matatawiran ang pag subok kung puro ako iyak. Hindi na rin naman kayang maging matatag. Wala na akong lakas at pag-asa.
"Alam ko ang nararamdaman mo, Marcelina. Ngunit kailangan mong maging malakas para malagpasan ang problema. Matatapos din yan. Hindi ka naman bibigyan ng suliranin kung hindi mo kayang pagdaanan?" Napapunas nalang ulit ako sa luha ko at tumayo. Tumayo nalang din ang presidente at humawak muli sa balikat ko.
"Nabalitaan mo na ba na may mga tauhan pa si Emilio na makakapag pabagsak sa atin? Umanib na siya sa mga amerikano. Handa tayong ilaglag ng mga Guerra mula sa mga dayuhan. Ibig kong hanapin mo kung sino ang may may-ari ng kwintas na siyang ebidsensiya sa pag patay kay Pasencia at kay Felicidad. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nahahanap ang hustisya sa pag kamatay ni Felicidad. Malaki ang tiwala ko sayo, Marcelina. Umaasa ako na mahanap mo. Mahanap mo ang siyang dapat parusahan" Binitawan naman ng presidente ang kamay ko. Dahan dahan akong napatingin ako sa kaniya. Ano? Naka anib na si heneral Emilio Guerra sa mga dayuhan? WATDAFUDGE! Kapag nga nakipag sabuwatan yang si heneral Guerra sa kaaway, mawawalan na ng pag-asa ang mga pilipino. Plus ilalaglag pa kami at agad na papatayin para mag saya na sila. No!
BINABASA MO ANG
When I met you in my Dreams
Historical Fiction"Right person at the wrong time" A story of a woman who can enter her own dream as a mission. She must change the fate of past before she finally wakes up in reality. Highest Rank: Panaginip #2 Date started: April 30, 2020 Date finished: November 1...