Kabanata 40

75 16 0
                                    

{Chapter 40}

MABAGAL ang usad ng pag lalakad namin ni Joven. Halos sabay lang ang pag hakbang ng aming paa at ang pag galaw ng aming dalawang kamay. Ilang beses na ding nag dikit ang braso naming pero dedma lang yun kahit maraming nakakakita. Napabuntong hininga nalang ako at napatingala sa kalangitan. Kanina pa kami lakad ng lakad. Saan naman sila humugot ng lakas para mag lakad?

"Ikaw ba ay pagod na?" Automatically na napatalon ang balikat ko ng mag salita si Joven. Napatingin nalang ako sa kaniya at umiling bilang sagot. Kahit ang totoo naman ay ang sakit na ng paa ko. Kanina pa kami alas sinco lakad ng lakad. Buti nga at dinededma ko lang ang sakit ng paa ko.

"Sa aking tingin ay pagod ka na. Ibig mo bang buhatin kita patungo sa kalesa?" Napatigil ako ng mag salita pa si Joven. Natawa nalang siya ng mahina. Uminit nalang ang pisnge at mukha ko. Awit! Concern nanaman ba siya? Sobrang sakit ng paa ko. Ang sakit pa sa paa ng bakya na suot ko tapos all around anywhere, puro kami lakad. Jusme!

"Ah-eh hindi a! Kaya ko pa naman mag lakad" Pag de-deny ko naman. Titiisin ko nalang to', Letse. Hindi talaga ako sanay mag lakad ng sobrang tagal. Sensitive ang paa ko. Mabilis ako mapagod. Dati nga nung nag camping kami, girl scout kasi ako dati tapos madalas ako sumama sa mga camping. Jusko! Sobrang tagal at ang layo ng nilakad namin. Pasikot sikot pa. Hays! Dati pa lang, tamad na ako mag lakad. Ngayon pa kaya?

"Tsaka, hello? Bakit naman ako mag papabuhat? May sarili akong paa, remember?" Sambit ko pa tsaka tumigil kami sa harap ng kalesa na hiniram  lang ni Alberto. Nag hihintay na ang kutsero. Ng makita niya naman kami, agad siyang sumakay sa kabayo. Si Hilaria, ate Dolores, si Joven at ako lang ang sasakay sa kalesa dahil didiretso na si Alberto sa Fort San Felipe Neri. Medyo malayo yun mula dito sa Maragondon. Pinadala niya na din sa isang guardia civil ang kabayo niya pati ang iilan nilang gamit ni Joven. Tinulungan naman ni Joven maka sampa si ate Dolores sa kalesa dahil mahirap akyatin ng tulad niyang nag dadalan-tao ang taas ng kalesa. Kumapit nalang din si Hilaria sa kamay ni Joven at umupo sa tabi ni ate Dolores.

Ng ako naman ang tutulungan niyang maka sampa sa kalesa ay ngumiti muna siya dahilan upang mag init ang mukha ko. Shet! Bakit ba siya ganiyan sa'ken? Alam niya naman na kahit anong nakakakilig na bagay ang ipaparamdam niya sa akin, bibigay agad ako. Gosh, Joven! Gustong gusto kita. Itaga mo pa sa bato, ikaw lang ang gusto ko. Tamaan man ako ng kidlat, sayo lang kikindat. Char! Ang landi landi mo talaga, Marcella!

Napatigil ako sa pag kaka tulala kay Joven ng hawakan niya ang likod ko. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti pero kunoot noo lang akong nakatingin sa kaniya. Bakit niya hi   KOnawakan yung likod ko?

"Ano bang ginagawa mo?" Kunot noo kong tanong. Nanatili lang ang kamay niya sa likod ko kaya sunod sunod na dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko. Shems! Parang bumagal ang ikot ng mundo habang nakatitig lang kami sa isa't isa ni Joven. Dumadampi din ang malamig na hangin sa balat ko. Ano ba kasing ginagawa niya? Anong meron sa likod ko? Trip niya lang hawakan? Gano'n?

"Bubuhatin kita" Nanatiling nakakunot ang kilay ko dahil sa sagot ni Joven. Inalis ko naman yung kamay niya sa likod ko kaya napatigil siya.

"Ang dami mong learn. Tara na nga!" Wika ko pa at akmang aalis na sa harap niya pero laking gulat ko ng buhatin ako ni Joven. Napatingin din sa amin si Hilaria at ate Dolores tsaka tumawa. Napatitig nalang ako sa mga mata ni Joven. Tuluyan nang lumakas ang tibok ng puso ko. Muling nagsi akyata ang mga dugo ko kaya alam kong nakikita niya ang panumula ng mukha ko. Magkahalong kilig at ilang ang nararamdaman ko ngayon.

Nakahawak si Joven sa likod ng hita ko kaya ramdam ko ang mainit niyang kamay. Tila sasabog ang puso ko ngayon na parang bomba. Gosh! Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman! DUG DUG DUG DUG.

When I met you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon