{Chapter 19}
“Kalayaan para sa Bayan”
Noong panahon ng kastila nagkaroon ng digmaan
Para lang makamit ang inaasam na kalayaan
Malaking pasasalamat ng mga Pilipino
Dahil nakalaya tayo na parang bilanggoSi Bonifacio ay isang bayani ng ating bansa
Ipinaglaban niya ang ating kalayaan laban sa mga kastila
Baril at itak ang kanyang sandata
Na hindi tinatablan parang, walang kalawang na lataMaraming Pilipinong nasawi at namatay
Sa mapang-aping kastila na mapang-away
Tatlong daang taon sinakop ang ating bansa
Kay tagal bago tayo'y makalayaSana huwag natin kalimutan
Ang mga bayaning hindi pwedeng makalimutan
Na lantay at walang anumang kopya
Sila ang dahilan ng bansang malaya“Noon at Ngayon”
Noon tahimik at masagana
Ngunit bakit ngayon ay hindi na
Bakit noon masisipag
Ngayo'y walang inaatupagDati'y maraming nagtatrabaho
Ngayo'y maraming basurero
Bakit nga ba naging ganito
Ang sistema ng bawat taoNoon ay pumupunta sa simbahan,
Upang humingi ng tawad sa nagawang kasalanan
Ngunit bakit ngayo'y marami nang kabataan,
Ang hindi marunong magdasal sa simbahanSana'y bumalik ang mga gawain noon
At huwag nang ibalik ang mga gawain ngayon
Para rin ito sa pagbabago
Sa bawat puso ng tao********
June 17, 1899 (5 days after 1st anniversary of Independence day)Agad kong binuksan yung payong de hapon dahil sa init. Madami na ding namimili sa pamilihan. Alas dies na ng umaga. Pupunta ako sa bahay ng magkakapatid na Santiago. Hindi ako nakapunta nung nakaraan dahil pinagdiwang sa Cavite ang 1st anniversary ng independence day nung june 12.
"Saan pa ba yun?" Napalingon sa akin si Hilaria. Siya ang kasama ko pumunta doon.
"Malapit na" Sagot niya. Nakakapit siya sa braso ko habang nag lalakad kami. Kasiya naman kami sa isang payong de hapon kaya hindi na din siya naiinitan.
Nadaanan din namin ang University of Santo Tomas na mga lalaki lang ang pwedeng mag aral. Nag uuwian na din ang iba at sumasakay sa kaniya kaniyang kalesa. Napatigil kami ng harangin kami ng apat na lalaki.
"Kamusta mga binibini?" Tanong ng isa sabay ngisi. Akmang aalis na sana kami ng humarang pa sila. Uso pala bad boy dito bakit hindi ako informed?
"May pupuntahan pa kami umalis nga kayo sa dadaanan namin" Mataray na saad ni Hilaria sabay role eyes. Nagtawanan naman yung apat na lalaki at hindi pa din umalis sa dadaanan namin.
"Tabe!" Sigaw ko kaya napatingin yung ibang naglalakad. Binigyan kami ng dadaanan ng apat na lalaki kaya nagpatuloy kami sa paglalakad. Narinig ko pa ang pinagusapan nila.
"Ang sungit naman ng binibining iyon. Ang ganda sana kaso ano e" Bulong ng isa. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hilars, nakita ko si Benedicto kahapon sa pamilihan" Panimula ko habang patuloy pa din sa pag lalakad. Napatingin siya sa akin at napailing. "Ano naman?" Medyo sarcastic na sagot ni Hilaria. Natawa nalang ako. Naalala ko na naka move on na pala siya kay Benedicto.
"Si Felicidad na ang gusto niya" Dagdag ni Hilaria sabay taas noo. Sinagi ko naman siya. "Ikaw naman wag ka nang malungkot, nakatakda ang panahon para makahanap ka ng ginoo na iibigin ka talaga ng tunay" Sambit ko sabay ngiti pero umiling lang siya kaya mas lalo akong natawa.
BINABASA MO ANG
When I met you in my Dreams
Historical Fiction"Right person at the wrong time" A story of a woman who can enter her own dream as a mission. She must change the fate of past before she finally wakes up in reality. Highest Rank: Panaginip #2 Date started: April 30, 2020 Date finished: November 1...