{Chapter 10}
Agad kaming napabangon. Buti nalang walang ibang tao sa pwesto na to. Hinila ko siya papalayo dahil baka sisisihin kami na nagsira ng pader kahit ako naman talaga nagsira.
Naabutan namin sila Alberto na mukhang hinahanap kami. "Heneral, uuwi na po ako" sambit ko. Nahihiya ako kay Joven. Mygosh.
"Bakit hindi ka muna kumain?" Tanong niya.
"A-ang sakit kasi ng ulo ko tsaka tiyan ko" pag dadahilan ko. Napatingin ako kay Joven.
"Sandali. Hindi ka ba makiki piyesta dito?" Tanong niya pa. Napailing ako. "Okay lang po heneral, uuwi na ako bye" wika ko sabay tumakbo narinig ko pang nagsalita si Alberto. "Anong nangyari dun?"
Tumakbo lang ako hanggang sa makarating ako sa palengke. Napatigil ako ng lumapit sa akin si president Catalino.
"Bakit ka tumatakbo?" Tanong niya na inakala na may humahabol sa akin.
"Salamat sa pag bibigay alam sa balak nila Carlos at Gregoria. Nagligtas mo ang anak ko sa kapahamakan. Sumama ka sa akin" Sambit niya. Napakurap naman ako at nag isang sumapa sa kalesa.
"Ah señor, ilang taon na po kayong president---presidente?" Tanong ko. Akala ko talaga siya si Aguinaldo.
"Mahigit anim na buwan palang" sagot niya. Napatango naman ako. Parehas sila ng taon ni Aguinaldo. 1899-1901
Naalala ko yung sinabi ni Joven na 1899 ngayon.
"Kailan uuwi ang iyong ama?" Tanong niya.
"Ah sa August po. Agosto" sagot ko. Napatango nalang siya. Naka general outfit siya na color blue. May espada din siya sa gilid. Madami din siyang badge na nakasabit sa uniform niya.
Maya maya ay tumigil ang kalesa sa isang malaking bahay.
"Dito po pala kayo nakatira. Akala ko sa Kawit Cavite" wika ko. Sumaludo naman sa kaniya yung mga guardia na nag babantay sa bahay nila.
"Nagkataon na kinakailangan na dito muna kami manirahan. Taga Kawit talaga kami" Saad niya. Napatango ako at pumasok kami sa mansion nila.
"Linang" tawag ni Felicidad sabay yakap sa akin. Nagbabasa siya ng libro sa sala.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sabay tingin sa papa niya. "Pakisabi kay Clarita maghanda ng siya ng makakain" sambit president Catalino. Napatango naman si Fe at pinaupo ako sa sofa.
May mga pictures na nakadikit sa pader. Karamihan ay pics ng presidente. Napatigil ako ng makita yung larawan na naka general outfit siya na color blue.
"Wow. Aguinaldo style" sambit ko. Nakita kong pumasok siya sa office.
Maya maya ay dumating na ulit si Felicidad. Binigyan niya ako ng bracelet na nakaukit ang pangalan ko sa baybayin.
"Tingnan mo parehas tayo" panimula niya sabay pakita nung bracelet. "Ginawan ko din si Hilaria at Martha" patuloy niya sabay sinuot yung bracelet sa akin.
Napatigil kami ng marinig na may kausap si president Catalino nasa garden na ito.
"Señor, nakabalik na po ang aking kapatid. Lumuwas po siya ngayon sa cavite para kuhain ang bagong uniporme at armas" Napaluwa ang mata ko ng marinig ang boses ni Alberto. Hinila ko si Felicidad sa isang gilid.
"Bakit?" Tanong niya.
"Tinataguan ko si Joven. Hindi dapat nila ako makita dito" Pabulong kong sambit. Napakurap naman siya .
"Bakit? Bakit mo siya tinataguan?"
"Basta. Ganito gagawin"
Nakita kami ni president Catalino sa gilid. Nilagay ko yung index finger ko sa ilong sign na wag siya maingay. Umupo din si Joven na may dalang camera.
BINABASA MO ANG
When I met you in my Dreams
Ficción histórica"Right person at the wrong time" A story of a woman who can enter her own dream as a mission. She must change the fate of past before she finally wakes up in reality. Highest Rank: Panaginip #2 Date started: April 30, 2020 Date finished: November 1...