{Chapter 39}
NAKATULALA lang ako sa kandila. Paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan kung itutuloy ko pa ba ang pag hihiganti sa mga Guerra. Feeling ko ngayon pa lang ay nakokonsensiya na ako. May nag huhudyat sa akin na wag ko nang ituloy. Pero, gusto ko ding maranasan nila ang hirap na dinanas ng mga taong iniwan ako.
Napayuko nalang ako sa napatitig naman sa balisong na bigay ni Candido. Ito na ata ang bagay na magkakapag patuwid ng hirap na siyang dinadaanan ko rin. Gustong gusto kong makita kung paano mapipilipit sa hirap ang mga Guerra. Yun ay kabayaran nila sa pag paslang sa kaibigan at kapatid ko. Yun ang mag sisilbing bayad nila sa kasiyahan na pinag kait nila sa akin.
Napatigil ako ng maramdaman na may umupo sa tabi ko. Agad kong tinago yung balisong ng mapagtanto na si Joven lang pala yun.
"Ikaw ay may malalim na iniisip" Panimula ni Joven kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatitig lang siya sa kandila kaya hindi ako nakakaramdam ng ilang. Napabuntong hininga nalang ako sabay iling.
"Umh, wala ah" Sambit ko naman with matching ngiti para hindi niya ako pag hinalaan. Naramdaman ko na umusog si Joven papalapit sa akin hanggang sa mag dikit ang braso naming dalawa. Ako nalang ang umiwas ng tingin. Tila hinahabol nanaman ako ng aso dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Para din akong na ground dahil may kung anong kuryente nanaman ang dumaloy sa buong katawan ko. Ito ang nararamdaman ko kapag nakakatabi o nakakausap si Joven. Hindi tulad ng nararamdaman ko para kay Carlos. Mema lang. Wala lang ang pag halik niya sa panga ko. Kahit sandaling pag tibok ng puso ko ay wala akong naramdaman. Para lang akong istatwa at manikin girl na walang nararamdaman kapag ibang lalaki ang aking nakatapat.
"Ikaw ba ay hindi mag papalit ng kasuotan?" Napatigil naman ako sa tanong ni Joven. Agad akong tumingin sa suot ko ngayon. Naka puting kamiso ako at pulang pantalon. Ang sabi kasi ni Hilaria, wala dapat na maka alam na nag tatago kami dito sa Maragondon. Lumabas kasi kami ni Joven kanina kaya pinag suot niya ako nito. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakapag palit.
"Okay na to. Bukas nalang ako mag papalit" Sagot ko naman at hinawi yung buhok ko. Pawis na din yung noo ko dahil hindi masyadong mahagin. Komportable naman ako sa suot ko dahil hindi ito mainit sa katawan di tulad ng baro't saya. Napatigil muli ako ng punasan ni Joven yung noo kong pawis gamit ang palad niya.
"Ibig mo bang buksan ko ang bintana?" Tanong pa niya habang nakatingin lang sa akin. Napaiwas nalang ako ng tingin at tumango bilang sagot. Umaakyat yung dugo ko sa mukha ko kaya namumula na ang pisnge ko dahil dito kay Joven.
Lagi niya akong inaalala kesa sa sarili niya. Ako ang inuuna at pinapahalagahan niya kesa sa iba. May ibig sabihin na ba to? Tunay na nga naming mahal ang isa't isa?Inalis ni Joven yung palad niya na nasa noo ko at tumayo para buksan ang bintana na nasa tapat lang namin. Kinuha niya yung isang kahoy at isinalang para umangat yung bintana. Pagkatapos ng ginawa niya ay muli siyang umupo sa tabi ko. Nakakaramdam din ako ng kabalisaan. Natutulala ako sa lalim ng iniisip. Nawawala ako sa sarili. Hindi ko alam ang gagawin ko. Susunod na ako sa sinabi ni Candido na lumaban ako? O patuloy akong walang gawin kahit paulit ulit na akong pinapahirapan ng mga Guerra? Kung lalaban nga ako, maaari akong maka patay ng iba. Kung hindi naman, magiging patong patong ang hirap na mararanasan ko. Isa isang nanumbalik sa ala-ala ko kung paano nawala sa akin ang mga taong mahalaga sa akin. Kung paano ako kumbisihin ni Carlos na mag pakasal ako sa kaniya kahit hindi ko naman siya mahal. Kung paano nila dakipin si Hilaria at pinag paplanuhan na paslangin na din. Kung paano nag hirap si Joven ng dahil sa kanila. Kung paano dumihan ni heneral Emilio Guerra ang pag kababae ni ate Dolores. Sobrang pagod na pagod na ako. Pagod na akong mag hirap.
"Sa tingin mo, sino ang posibleng pumatay sa ama mo?" Napatingin naman si Joven sa akin dahil sa sagot ko. Ibig kong malaman kung sinong pumaslang kay heneral Aberlado na siyang tatay ni Joven. Kailangan ko ng clue kung tunay nang mamamatay tao ang mga Guerra.
BINABASA MO ANG
When I met you in my Dreams
Historical Fiction"Right person at the wrong time" A story of a woman who can enter her own dream as a mission. She must change the fate of past before she finally wakes up in reality. Highest Rank: Panaginip #2 Date started: April 30, 2020 Date finished: November 1...