{Chapter 12}
Napatakip nalang ako sa ilong ko dahil ang baho nung amoy ng paputok.
"Fidelito, itigil mo nga yan" suway ni Joven. Tumawa naman si Fidelito. "Kuya, dapat lang to para sa aking pagbabalik" sambit ni Fidelito sabay sinindihan yung paputok. Napahawak nalang ako sa tenga ko.
"Fidelito! Hindi pa bagong taon!" Suway naman ni ate Dolores. Napalingon naman kami sa kanila at natawa.
"Mahihirapan huminga si Clara" patuloy pa ni ate Dolores. Napatigil si Juanico. "Wag ka na mag sindi" wika ni Juanico sabay inapakan yung paputok. Ngumisi lang ang pilyong Fidelito at tinapon yung paputok sa basuran.
"Month ng june palang. Hindi pa new year. Ano trip ng kapatid mo?" Tanong ko kay Joven. Napalingon naman siya sa sa akin. "Hayaan mo siya. Wala lang talagang maisip yang kapatid ko" sagot niya.
Napakunot ang noo ko. "So gusto mo palang mamatay si Clara?" Tanong ko pa. Nababalutan na kami ng usok.
"Wala naman akong sinabi" saad niya. Sa tingin ko galit siya sa akin. Diba friends na kami?
"Sorry na. Sinabi ko lang naman e" patuloy ko. Napatingin naman siya sa akin. "Kala ko ba friends na tayo?" Dagdag ko.
"Oo nga. Prends na tayo" tugon niya kaya natawa ako. Para siyang 2 years old na tinuturuan palang mag salita.
"Bakit? Anong nakakatawa?" Natauhan ako ng mag salita siya. "Wala"
"Kuya, gabi na umuwi na tayo" sambit ni Fidelito. Tumango naman ako sa kaniya. "Bye goodnight, sweet dreams" saad ko sabay nag wave sa kaniya. Naglakad na sila papalayo.
Di ko namalayan na wala na pala si Hilaria at Martha dito. Agad akong tumayo at pinulot yung payong de hapon.
Sa huling pagkakataon, napalingon pa si Joven at ngumiti ng kaunti.
-----------------
Naalimpungatan ko nalang ang ingay sa baba. Kinusot ko ang mata ko at lumingon sa labas.
"Esperanza, masaya kaming nakabalik ka na" narinig kong sambit ni ate Dolores. Lumabas ako ng kwarto at tiningnan sila.
"Kaya nga Domeng, labis akong nabagot sa bulakan. Ipinaaabot nga pala ni señor Renato ang sulat na ito. Pinuntahan niya ako sa kumbento bago ako lumuwas dito sa maynila. Ganap na kanang kamay na siya ng pinaka mataas na heneral sa bulakan" Saad ng babae na naka pang madre ang damit at inabot yung liham kay ate Dolores.
"Kailan ka babalik doon ate Esperanza?" Tanong naman ni Clara.
"Hindi ko pa alam, basta masaya akong maka piling muli sina Hilaria" sagot ni Esperanza. Napatango naman si Clara at sinalinan ng tubig ang baso.
"Siya nga pala, ano ang iyong pakay dito?" Tanong ni ate Dolores sabay inilapag yung sulat sa lamesa. Nakatingin lang ako sa kanila at nakasandal sa pader.
"Nakarating ang balita sa akin. Pinaluwas daw ni presidente Catalino si Gregoria at Carlos sa espanya dahil sa pagbabanta na pagpatay kay Fe. Nandito ako para mag pasalamat kay Marcelina dahil inayos niya ang lahat na kaguluhan" sagot ni Esperanza. Napataas noo nalang ako. Buti may isang bagay na akong nabago. Tsk ang galing ko talaga.
"Nalaman ko ang lahat sa sulat na ipinadala ni Hilaria. Kung hindi sinabi ni Marcelina kay ama at kay presidente Catalino ang lahat, tiyak na papanaw si Felicidad at si Hilaria. At isisisi ni tiyo Miong ang lahat kay ama" patuloy ni Esperanza. Kapatid niya pala si Hilaria.
"Simula bata palang sila, mag kaaway na si ama at tiyo Miong. Hindi ko nalang hahayaang idiin niya ang lahat kay ama na siyang kapatid niya" dagdag pa ni Esperanza. May bahid na lungkot ang boses niya. Hindi na talaga nagkasundo si heneral Alejandrino at heneral Emilio. Ano bang dahilan?
BINABASA MO ANG
When I met you in my Dreams
Fiksi Sejarah"Right person at the wrong time" A story of a woman who can enter her own dream as a mission. She must change the fate of past before she finally wakes up in reality. Highest Rank: Panaginip #2 Date started: April 30, 2020 Date finished: November 1...