Kabanata 24

61 15 0
                                    

{Chapter 24}

"Ha?" Tanong ko sa kaniya. Napangiti siya at lumapit sa akin.

"Mag iingat ka Valeriano" Sagot niya sabay tawa. Napahawak ako sa mukha. Iba ang narinig ko e. Baka naman nag kamali lang ako ng pagkakarinig.
Lumapit ako sa kaniya at tinulak yung noo niya. Natawa nalang siya sa ginawa ko. Napatingin ako kay Carlos. Hinihintay na niya ako.

"Aalis na kami. Bye" Pamamaalam ko sabay wave. Sumandal siya sa pader at ngumiti. Napalingon muli ako sa kaniya. Hays kung ano ano nalang naririnig ko. Wag kana umasa Marcella. Sino ba ka ba naman para magustuhan ni Joven?

"Tara na" Aya ko kay Carlos. Napatango naman siya at akmang aalalayan ako sa kalesa pero sumampa ako mag isa. Napalingon ako kay Joven. Nag lalakad na siya papalayo. Napahawak nalang ako sa tapat ng puso ko. Bakit kinikilig ako sa ginawa ni Joven? Tsk.

"N-nobyo mo ba si Joven? Mag kasintahan na kayo?" Sunod sunod na tanong ni Carlos. Napatingin naman ako. Seryoso ang mukha niya. Bakit niya naman natanong niya ang bagay na yun?

"H-hindi ah" Sagot ko sabay iwas ng tingin. Napatingin ang kutsero sa amin kaya nanahimik na ako.

"Kung gayon, bakit ganoon siya sa'yo?" Tanong pa ni Carlos. Napakunot ang kilay ko. Bakit tanong siya ng tanong?

"A-ah wala namang ibig sabihin yun" Sagot ko sabay pinaypayan ang sarili. Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa pamaypay ko ngayon.

"Siya ba ang nag bigay niyan?" Tanong niya pa sabay hinablot sa akin yung pamaypay at akmang itatapon ito sa labas pero agad kong nahawakan ang kamay niya. Napatigil siya sa ginawa ko.

"Heneral ano bang ikinagagalit mo? Walang gusto sa akin si Joven at hindi ko rin siya gusto" Sambit ko sabay kinuha yung pamaypay sa kamay niya. Napakunot muli ang kilay ko habang nakatingin sa labas. Naramdaman ko na umusog siya.

"Paumanhin binibini. Nadala lang ako ng aking emosyon" Saad ni Carlos. Napatingin ako sa kaniya at tumango nalang.

"Binibini, saan mo nais pumunta?" Tanong niya pa. Pinaypayan ko ulit ang sarili ko at hindi na tumingin sa kaniya.

"Kahit saan" Sagot ko sabay tumanaw muli sa labas. Napatigil ako ng marinig yung sinabi niya.

"May pagtingin si Gregoria kay Joven. Kung maaari ay iwasan mo ang pag dikit sa lalaking iyon" Wika ni Carlos kaya napatingin ako sa kaniya. Bakit ba ayaw niya ako palapitin kay Joven?

"H-hindi ko naman inaahas si Joven kay Gregoria kaya wala dapat kayong ikabahala. Mag kaibigan lang kami ni Joven" Paliwanag ko sabay tumanaw muli sa labas. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa kaya napatingin ako sa kaniya.

"Kung gayon, bakit ganoon kayo kalapit sa isa't isa?" Tanong pa ni Carlos. Napaiwas ako ng tingin at umiling.

"Hanggang kaibigan lang kami. Walang ibig sabihin ang pagiging malapit namin sa isa't isa kaya wag kang ma issue dyan" Sambit ko sabay tawa. Napataas noo nalang ako. Hindi talaga ako tatantanan nito ni Carlos e. Hindi siya titigil kapag hindi ko sinagot ang tanong niya kaya mas mabuti na sabihin ko na mag kaibigan lang kami ni Joven. Pero bakit hindi kaibigan ang turing ko sa kaniya?

"May pag-asa pa pala ako" Napatigil ako sa sinabi ni Carlos. Naka ngisi siya sa akin ngayon kaya natawa nalang ako. Sinasabi ko na nga ba may crush sa akin to e. Halata na siya.

"A-ano ba ang gusto ng mga kababaihan?" Tanong niya sabay ngiti. Napaiwas ulit ako ng tingin at tumanaw sa labas. Tinatanong niya ba kung anong gusto ko?

"M-mahilig ang mga binibini sa kwintas, bulaklak at ma romansang lugar" Sagot ko ng hindi nakatingin sa kaniya. Narinig ko muli ang mahina niyang pag tawa kaya napahawak nalang ako sa mukha ko. Pareho sila ni Joven. Kung anong sinasabi ko tinatawanan nila.

When I met you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon