{Chapter 18}
Umalis siya sa pagka yakap sa akin. Hinawi niya ang buhok niya na basa na din ngayon.
"Binibini, pakisabi kila kuya Alberto hindi mo ako nakasalubong kapag hinanap nila ako" Panimula ni Joven sabay kinuha sa bulsa ng blazer niya ang camera niya. Basa na din ito.
"Nasira?" Tanong ko sabay kinuha yung camera sa kamay niya at tinaktak. Hindi na ito bumubukas.
"Hala!" Saad ko pa habang tinataktak ang camera. Umiling siya at tumingin sa camera. "Sira na. Pinaka iniingatan ko pa naman yan dahil bigay yan ni ina" Sambit na na may bahid lungkot ang boses. Napatingin ako sa kaniya at sa camera.
"Babayaran ko nalang. Sorry talaga ako may kasalanan kung bakit nasira yan. Sana kung hindi mo ako niyakap mababasa din ako. Pupunta pa kasi ako sa meeting sa gabinete" Giit ko sabay yuko. Tumingin ako sa kaniya, umiling lang ulit siya.
"Wala ka naman kasalanan. Tsaka, ayos lang wag mo nang bayaran bibili nalang ako ng bago" Patuloy niya sabay tingin sa akin. Alam kong malungkot siya dahil nasira ang camera niya na bigay ng mama niya.
"Uuwi na ako para makapag bihis. Pakisabi sa kanila hindi mo ako nakita" Dagdag niya sabay naglakad papalayo. Napatingin ako sa damit ko na walang basa at malinis pa. Nagkataon na sinabi ni presidente Catalino na may meeting sa gabinete mamaya kaya sinuot ko ang damit na pinatahi niya. Nakaburda ang watawat ng pilipinas sa bandang puso ko.
Agad akong lumabas mula sa pasilyo. Natanaw ko sila ate Dolores na makaupo pa din sa plaza.
"Nakita mo si Joven?" Tanong ni Alberto sabay iniikot ang paningin niya. Naaalala ko na 3:30 ang meeting.
"Ano oras na?" Tanong ko. Hindi ko na nasagot ang tanong ni Alberto dahil mas importante na malaman ko kung anong oras na.
"Ika tres at dalawang pu't lima ng hapon na" Sagot ni Juanico. Napaluwa naman ang mata ko. 3:25 na?!
"Hoy may meeting sa ngayon nahuhuli na tayo sa oras!" Nag papanic kong saad na ikinagulat ng tatlong heneral. Agad silang tumayo mula sa pag kakaupo.
"Paano kayo? Kaya niyo na umuwi?" Tanong ko kay ate Dolores at Clara. Napatingin sila sa akin.
"Hindi naman mahigit isang oras ang pag titipon. Hihintayin namin kayo sa labas" Sagot ni ate Dolores. Napatango nalang ako at tumakbo papalayo. "Tara na!" Sigaw ko habang patuloy sa pag takbo. Sumunod naman sila sa akin. Alam ko na mag sa squat kami dahil late na kaming apat .
*******
Pag tatalo ang naabutan naming apat. Napangisi nalang ako ng sundan ako ng tingin ni presidente Catalino na para bang tinatanong na Bakit ka late?
Kami nalang ang hinihintay. Tiyak na magkakaroon kami ng parusa dahil nahuli kami sa meeting na pinaghanda ng isang tao na may malakas na pwersa sa pilipinas.
"Bakit kayo nahuli?" Tanong ni heneral Alejandrino. Malapit ako sa tabi niya at sa presidente.
"Um, nag kagulo po kasi sa plaza kaya sunuri at inayos muna namin ang mga pangyayari" Sagot ko sabay ngisi. Napakunot ang noo ni Alberto, Juanico at Fidelito na para bang sinasabi na Napaka sipsip mo Marcelina.
"Mahusay" Saad ni presidente Catalino sabay sumandal sa silya. Naka white polo siya ngayon at may itim na ribbon sa leeg.
"Señor" Sambit ng isa sabay abot ng sulat sa presidente. Kunot noong binasa ni presidente Catalino ang sulat.
Inabot niya ito kay heneral Alejandrino. Tahimik namang binasa ito sabay nagsalita.
BINABASA MO ANG
When I met you in my Dreams
Historical Fiction"Right person at the wrong time" A story of a woman who can enter her own dream as a mission. She must change the fate of past before she finally wakes up in reality. Highest Rank: Panaginip #2 Date started: April 30, 2020 Date finished: November 1...