Kabanata 27

70 14 4
                                    

{Chapter 27}

"J-joven g-gusto kita!" Napahawak nalang ako sa bibig ko na parang bisikletang walang preno.

Hala oy bakit ko yun sinigaw?!

Naestatwa naman siya sa kinakatayuan niya na para bang nagulat sa narinig niya. Napalingon pa siya sa akin dahilan upang tumalikod nalang ako sa kaniya at napahimas sa buhok ko. Argh! Pesteng bunganga kasi to e.

"Ha?" Inosente niya pang tanong at nag lakad papalapit sa akin. Napakamot nalang ako sa ulo ko at mariing napapikit. Narinig niya kaya? Sana hindi. Sinigaw ko yun e malamang narinig niya.  Putek! Grrr nakakainis!

"Ha?" Saad ko nalang din at natulala sa kaniya na kunwaring walang alam. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin.

"May sinasabi ka?" Tanong niya pa. Napakamot nalang ako sa gilid ng tenga ko at nag iisip kung anong gagawin ko. Paano na ako makakatakas sa kalokohan na 'to? Sana pala uso tape dito para araw-araw kong tatakpan yung walang preno kong bibig.

"Huh? Ako may sinasabi? Ano?" Inosente ko namang tanong at napalinga linga pa na tila wala nga talagang alam. Nanatili siyang nakatingin sa akin at nagulat pa ako ng pitikin niya ako sa noo.

"Lasing ka ano?" Tanong niya pa sa akin. Nangunot muli ang kilay ko ng dahil sa salitang narinig ko mula sa kaniya. Ano daw? Lasing ako? Siraulo ba siya? Nag ayos nga ako ng sarili para pumunta sa kaniya ng labag sa kalooban tapos sasabihin niya pa akong lasing? Angas naman pala.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako lasing!" Usal ko naman kaya natawa siya ng mahina. Napa cross arm nalang ako at napairap. Ganda ganda ng gabi ko e, sinira pa. Nawala na nga inis ko nung makita ko yung mga fire works tapos sisirain niya pa mood ko. Panira talaga ng gabi.

Ano kayang gagawin ko para bawiin yung sinabi ko? Hays!

"B-binibini, ano ang iyong ibig sabihin? G-gusto mo ako?" Medyo nauutal na tanong ni Joven kaya napatangin ako sa kaniya. Hinihintay niya ang sagot ko sa tanong niya. My gosh! Anong isasagot ko dito? Gusto ko siya bilang kaibigan? Walang gano'n! Ano yun friends with benefits ampotcha. Gusto ko siya bilang ano? Bilang.......Hays talaga!

"Binibini?" Ulit niya pa na parang gustong gustong malaman ang sagot ko. Napahawak nalang ako sa noo ko at pinakalma ang sarili sa pag pikit ng mariin. Anong idadahilan ko dito? Mahihilo ako gano'n? May hihimatay himatayan? Tatakbo, tatakas?

"Uhm, gusto naman kasi talaga kita e" Lakas loob kong wika ng makaisip ng magandang ideya na ipapalusot ko sa kaniya. Nakakunot lang ang kilay niya at takang takang nakatingin sa akin. Tumawa muna siya at akmang mag sasalita pa sana ngunit inunahan ko siya.

"Gusto kitang isayaw ng mabagal" Pag kanta ko sabay halagpak ng tawa. Napaluhod nalang ako sa damo. Maliwanag sa kinaroroonan namin ngayon ni Joven dahil sa mga fire works na patuloy na nag puputukan. Siguro may pag diriwang na hindi pa natatapos. Nag eenjoy pa sila. Hays bakit kasi hindi pa uso shanghai dito. May turon pero walang shanghai.

Kung imbentuhin ko kaya yun dito sa year 1899? Malay ko naman sumikat ako nationwide, sa history. Mababasa nila ako mga libro at makikita sa google at mapag aaralan sa school ng dahil sa masarap na shanghai na ako gumawa?

Natauhan ako ng mag salita muli si Joven. "Huh? Anong awitin iyon?" Tanong niya pa dahil pakanta ang pag banggit ko sa salitang iyon. Tumayo ako mula sa pag kakaluhod at muling tumayo sa tapat niya.

When I met you in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon