Larry smith..pangalawang anak na biglang naging panganay ng mamatay sa sakit ang kapatid nyang si Mateo.Dalawa lang kasi silang magkapatid.Simula nun sa kanya na natutok ang atensyon ng pamilya.
Hotel and Restaurant management ang ipinakuha sa kanya ,kahit pa ang gusto talaga niya ay Media and Arts,mahilig kasi syang gumawa ng mga cover songs,mag-edit ng mga videos at photography.
Pero...HRM daw ang patok na kurso at umaasa ang mga magulang niya na makakapag-abroad sya o kaya ay makapag-trabaho sa isang Fivestar hotel sa maynila.Kaya sa kursong iyon sya ipinagpilitan ng mga magulang niya.Kahit hindi nya gusto.
Hindi sya makatanggi.Ang importante naman ay may matapos sya. At Bilang ganti sa pagsusumikap ng mga magulang niya na mapag-aral sya ay heto sya.Naglili-libot sya sa paligid ng maynila at bulacan upang maghanap ng mapapasukan or pweding pagtayuan ng sariling negosyo.
Sa totoo lang alam niya ang pakiramdam ng maging isang tauhan,ayaw niya ng ganoon.
Tutal willing naman syang suportahan ng daddy nya,ay sariling negosyo ang balak niya.
Meron na syang napipisil na lugar.Isang lumang Lodging Haus sa bulacan.Hindi ito sosyal,walang world class facilities doon sa katunayan luma na ang karamihang kwarto nito.Ang view at,ang kapayapaan ng paligid ang namumukod tangi sa naturang haus.
"Ayos!" napapitik sa isip ni Larry.May potensyal talaga ang lugar.Ang daming ideya na pumapasok sa isipan niya mga improvement na pwedi nyang gawin para mas maging attractive sa turista ang lodging haus.
Hindi man namumukod tangi ang ganda ng pagkaka-ayos ng bawat kwarto ay maganda naman ang tanawin.Nasa probinsya kasi ng bulacan ito at sadyang mapuno sa lugar .May kalapit na ilog at tanaw ang malinaw na tubig.Sa gawing kanan pa ay makikita ang luntiang mga tanim na halaman ng isa sa may Garden Bussiness na katapat lang nila.
"Are you out of your mind?!"
Inilayo ni larry ang cellpohone mula sa kanang tainga.Ang sakit sa pandinig nang sigaw ng mommy niya na halatang kaunti nalang ay maghi-hysterical na."Negosyo nanaman!....puro ka negosyo wala ka namang napapala! Hindi mo naman kasi muna planuhin nang mabuti ang mga hakbang mo bago ka sumige!"
Uminit ang ulo nya sa sinabi ng kanyang mommy pero sa isang banda ay lalo rin syang naging determinado.
"I assure you mom! kumpleto pa at mahigpit ang turnilyo sa ulo ko...Seryoso po ako sa pag-consider na bilhin ang property na nakita ko.Kayang-kaya kong pagandahin iyon at sigurado po akong papatok iyon sa mga guests."
"Out of the question!"
Pinutol agad nang mommy niya ang kanyang mga sasabihin pa.
"Ok,fine!!"Pero paano mo naman ima-manage ang Lodging nayan kung nasa bulacan at sa manila ka umuuwi,Aber??!"Hindi agad nakasagot si Larry.Parang nahuhulaan nanaman ng mommy nya ang naiisip niya.
"Wait! Don't tell me...plano mong diyan na tumira at mamalagi??"
Hula ng kanyang mommy.di nga nagkamali."Yup! Mom....hindi naman ibang tao ang titirahan ko,kina cousin jared ako lilipat dito sa bahay bakasyunan nila."
Paliwanag ni larry"But son..paano naman ako?? Id be alone in that big house of ours! Alam mo naman na ang Daddy mo paminsan-minsan na nga lang Physically present eh Mentally Absent parin kahit magkausap kami."paglalambing nito
Sinikap ni larry na hindi maawa.
"Ma....please.....hayaan mo na akong gawin ito..'i really wanna do this'..para naman may mapatunayan ako sa inyong dalawa ni daddy at mas importante sa sarili ko.Kaya pagbigyan niyo naman ako mom! Madalas naman po kitang dadalawin dyan.Ahhhhh..sige po,i have to go may mga aasikasuhin pa po kasi ako."
Bago pa siya hiritan ng mommy nya ay tinapos na ni larry ang paguusap nila.
Ngayon ay kasosyo nalang ang kailangan niya.Agad syang nagpipi-pindot sa cellphone para tawagan ang pinsan niya.
Pagkatapos ng paguusap nila ay lalo siyang naging determinado sa kanyang mga plano.
Nakarating na sa Lodging Haus si Larry.masaya.masarap ang manahimik,Larry should have gotten his own place.
Iyon ang gusto niyang gawin dati pa.Pero palagi nalang syang kinokontra ng mommy niya .Kesyo tatatlo na nga lang daw sila maghihiwa-hiwalay pa.
Sa pamamagitan ng magiging negosyo niyang ito ay makakatakas sya sa hindi magandang buhay na mayroon sya sa manila.
BINABASA MO ANG
[ Eyes See You ] ON-HOLD
Mystery / ThrillerKung bakit naman kasi sa dinami-rami ng tao sa pilipinas ang impaktong si Larry pa ang naka-engkwentro nya. Hindi pa handa at hindi rin pweding mawalan ng trabaho si Mayleen.Ayaw niyang masira at mawala ang posisyong pinagpaguran ng kanyan...