Chapter#3-Lucille Point of View

86 72 7
                                    

                "Ang ingay...ume-Echo sa tenga ko ang iba't-ibang klase nang iyakan na halatang nagmumula rin sa maraming tao sa paligid.Pero...bakit?? Bakit ba sila umiiyak??Ano bang ngyari??"



                   "Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata.Wala akong ibang nakikita kundi ang buo kong pamilya.Agad akong bumangon at lumapit sa salaming pintuan na pagitan namin ng pamilya ko."


                    "Iniiyakan ako ng buong pamilya!?? Umiiyak sila habang nakatingin sa likurang bahagi ko.Lumingon din ako kung bakit."


                      "Nakita kong may isang babaeng walang malay na nakahiga doon.Sa paunti-unting paglalakad ay naka-lapit ako sa babae.Doon mas lalong dinurog ang puso ko habang nakatitig  sa walang malay na babae."



                     "Hindi pa ako makapaniwala noong una.Pero ng matitigan ko na talaga ang katawan nang babaeng walang malay,saka lang rumehistro sa alaala ko na....Nabaril nga pala ako at ngayon ay kasalukuyang inaasikaso ng mga doctor."



                       "Buhay paba ako?? Kung oo,bakit nakikita ko ang sarili ko??? Ibig sabihin ba nito isa nalang akong kaluluwa?Sunod-sunod na ang tanong sa utak ko.Nagsisimula narin akong matakot.Dahil alam kong kahit  marami akong katanungan ay walang sinuman ang maaaring makasagot niyon."



                    "Hindi tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nasa tabi nang aking pamilya.Walang kasing sakit ang makitang umiiyak sa harapan ko ang lahat.Parang unti-unting dinudurog ang puso ko habang nakikita ko sila na nagkakaganito nang dahil sa akin."

             

                 "Ngunit biglang naagaw ang aking atensyon  sa gulo at ingay na nagmumula sa kabilang Hallway.Isang pasyente rin ang mukhang kritikal na minamadali nilang dalhin sa Emergency Room."




                  "Ayon sa nasagap ng tenga ko,sinasabi nilang motor accident daw ang nangyare sa pasyente."


                   "Lalaki siya at kung pagbabasehan ay mukang matanda lang ng ilang taon sakin o di kaya'y magkaedad kami.Medyo mahirap makilala eh,hindi ko na kasi masyadong makita ang itsura niya dahil naliligo sya halos sa dugo."

                    "Tumagilid ang ulo niya at napansin kong bahagya ring bumukas ang kanyang mga mata.Grabe!! Iba talaga kapag lalaki...halos punong-puno na sya  nang dugo pero hindi parin sya nawalan ng malay.Laking gulat ko nang tumingin sya sa direksyon ko.Nakapako talaga ang titig nya sa akin kahit palayo na sila."





Wait!!sa akin nga ba sya nakatingin??imposible,baka kela mama!
       Nagtatakang tanong ko sa sarili.




                "Hindi ko alam kung bakit pero tila may nagu-udyok sakin na sundan ko ang pasyenteng iyon.Dahil wala namang nakakakita sakin,nakiusisa nako.Nasa loob na sila ng Emergency Room at inaasikaso narin sya ng mga doctor.Dahan dahan pa akong lumapit para silipin ang itsura ng lalaking iyon."



                  "Pero nabigla ako ng makita ko syang nakatayo na pala sa may gilid ko."


A.....anong?????
Garalgal at halatang nagpapanic ang boses niya.Wala pa siyang ideya kung ano ang ngyayari ngunit hindi rin nagtagal ay nakita na niyang sarili nyang katawan.



Pa--paanong??hindi...hindi pweding mangyari ito.....




                 "Nang mga oras na iyon.katulad ko narin sya.Kaluluwa rin at humiwalay na sa sariling katawan."

                 "Wala akong ibang magawa at masabi,nakatulala nalang din ako habang nakatitig sa kanya.So....nangyayari pala talaga to??? Akala ko sa pelikula lang naisaloob ko."

                  "Dahil yata sa pagtitig ko ay napansin niya ako."



Na--nakikita mo ba ako??
Tanong ng lalaki.


                "Inferness...ang gwapo pala nya.Natameme tuloy ako at isang tango nalang ang naisagot."



Alam mo ba kung anong nangyayari sakin??patay na ba ako?? O mamamatay pa lang??




                 "Ang dami rin nyang katanungan,pareho talaga kami ng sitwasyon.Sa pagkakataong iyon lalong hindi na ako nakaimik.Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin.Maski man ako,hindi rin sigurado sa sitwasyon namin."



                     "Balak ko pa sanang makipag-kwentuhan at syempre pakalmahin sya.Kaso......bigla ko namang naramdaman ang malakas na kabog sa puso ko.Tapos tumindi pa ang kirot sa dibdib ko.Hangang sa puntong halos hindi na ako makahinga.Mukhang may nangyayaring kakaiba  at masama sa katawan ko."




Sandali!....saan ka pupunta???
Pigil ng lalaki




                  "Walang paapa-alam na iniwan ko sya.Kailangan ko ng tumakbo dahil kailangan ko nang balikan ang aking katawan.Nilingon ko sya isa pang beses pero wala na sya roon.Napahinto ako saglit.Naglaho na kaya sya??naitanong ko."



                "Tuluyan na akong umalis at kumaripas talaga sa pagtakbo.Hangang sa marating ko na ang ICU.
                  Paglapit ko sa kanila humahagulhol na si mama habang kino-comfort naman sya ni papa.Nakatayo naman at nakasandal lang sa pader ang mga kapatid kong sina manuel at wilson.Si mayleen naman nakaupo habang nakayuko at tahimik na nagdarasal."

[ Eyes See You ] ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon