Chapter#19-Wrongfull Encounter

44 18 3
                                    

        Ang magkapatid namang sina Mayleen at Lucille ay kasalukuyang naglalakad patungo sa sakayan ng jeep.Nagmamadali pero mabigat ang bawat paghakbang na ginagawa ni mayleen.Bakas rin sa reaksyon ng mukha nito ang inis.

              Masama raw ang araw niya.Una,dahil hindi sya nakatulog ng maayos kagabi,kasalanan nung kapatid nyang magdamag hindi nagpakita sa kanya.Pangalawa,hindi na nga nakatulog,pinaiyak at binigyang problema pa nang kinaumagahan.Kasalanan ni lucille ang ate nyang masyado na atang ini-enjoy ang pagiging ligaw na kaluluwa.

                Nung una pa lang kasi ay nag-warning na sa kanya si mayleen na wag na wag itong pupunta sa kahit saang sementeryo.Maraming alam sa mga kababalaghan si mayleen dahil sa pakikipag-usap nito sa iba't-ibang espiritista o medium.Ginagawa niya ito To protect her ate lucille na hangang ngayon ay ligaw paring kaluluwa.

"Haist! Bakit ba kasi ayaw pang makisama ng panahon.Tsk! Mainit na nga ang ulo ni mayleen napaka-init pa nitong panahon"bulong sa sarili ni lucille habang nakasunod sa nakapayong niyang kapatid  na ai mayleen.

           Gusto sana nya itong kausapin pero talagang badtrip ito kaya't panay nalang ang titig niya habang nasa tabi nito.Tinititigan lamang nya kung mag-iiba ang facial reactions nito.Nang biglang----

"Ay,multong bakla!"
Pati si lucille ay nagulat sa biglaang pagsasalita ni mayleen.

"Anak naman ng kalabaw!!"galit na sambit ni mayleen.

                  Isang lalaking naka-motor ang nakasagi sa payong na hawak ni mayleen na kung di dahil siguro sa payong ay malamang na sa braso nahagip si mayleen ng rider.Huminto naman ang Rider at bumaba,inalis nito ang helmet si Jared pala ang rider na iyon.

        Tumingin ng masama si mayleen.Tinging magpapatumba ng kalabaw kung pwedi lang makapanakit ang pagtitig.

"Hoy! Wala ka bang mata?! Hindi mo kami nakikita?"sigaw ni mayleen kay jared.

Napatingin si jared sa likod ni mayleen at napakunot nuo.

"Sorry"walang kaemo-emosyong banggit ni jared.

"Sorry lang ang sasabihin mo??"galit na dagdag ni mayleen.

"Ano paba dapat? Ahh...gusto mong lumuhod pako sa harapan mo?"naiinis narin si jared dahil kanina pa talaga sya badtrip din.

         Gusto sanang umawat ni lucille pero agad syang nagtago sa likod ng halaman nang mamukhaan nya ang Rider na huminto.Nakasilip nalang sya sa dalawa,habang kinakausap niya ang sarili.

"Tsk! Siya nga! Hindi ako maaaring magkamali.sya yung nasa resort"wika ni lucillle.

"Kung hindi ka sana parang halimaw kung magpatakbo ng motorsiklo mo! Hindi sana magkakaganito,Hari lang ang peg? Ang lawak-lawak ng kalsada nakuha mo pa akong sagiin?" nagkikis-kisan na ang mga ngipin ni mayleen sa galit at inis.

"Kung sana hindi ka lulutang-lutang sa pag-iisip habang naglalakad,baka hindi ka sana nasagi" ganting sagot ni jared.

"The Nerve!" at kasalanan ko pa ngayon!"pinandilatan niya ito,bago nagsalitang muli."taranta ka kasi kung magmaneho ang lawak ng kalsada oh! Nagmamadali? May appointment?"tila nang aasar pa si mayleen.

"Oo meron! Kay kamatayan at male-late nako dahil sa kakadakdak mo!"

           Pagkasabi ni jared ay pinaandar na nito ang makina nang motor at umarangkada na ito palayo.

[ Eyes See You ] ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon