Napahigpit ang pagkuyom ko sa kamao muli akong lumingon mula sa salamin ng ICU at tinignan ang aking katawan na wala paring malay at nakahiga.
"Ipagpaumanhin at dinaramdam ho namin,ginawa na ho namin ang lahat ng aming makakaya.she's in comatose"
Malungkot na balita ng doctor.."Hi-hindi ko ho kayo maintindihan..Anong comatose?"
Nanghihinang tanong ni mama"Im so sorry mr and mrs aglano,your daughter is unconcious due to her brain and spinal cord injury.Masyadong malakas ang impact ng pagkakatama ng bala sa katawan nya na tumagos at sumugat sa kanyang likuran,nakaapekto rin po ang balang dumaplis sa kanyang ulo.Luckily the machines are doing great for your daughter."
Napaiyak ng malakas si mama at napaupo sa mga sinabi ng doctor.Maging ako ay napaiyak rin sa mga narinig kong sinabi ng doctor.Umiyak hindi dahil...hindi na ako magigising...umiyak ako dahil naaawa ako sa kanila,alam kong nahihirapan at nasasaktan rin sila dahil sa mga ngyari sakin.
"Diyos ko......bakit kailangang ang anak ko pa!!!bakit????"
Paghihinagpis ni mama,bago ito yumakap nang mahigpit sa kapatid kong bunso na si mayleen.Nagkaiyakan silang dalawa.sa twing iiyak sila ay hindi ko mapigilan ang mahawa.pasimple kong pinunasan ang mga luha ko pero nagtuloy-tuloy parin ito sa pagpatak at pag-agos.Hinawakan naman ni papa nang mahigpit ang isang kamay ni mama.Hindi rin sya makapagsalita dala ng kalungkutan at sakit na kanyang nadarama.
"Ma-mama...makinig po kayo sa akin,alam kong comatose na si ate pero magigising pa sya! Manalig lang po tayo marami po ang nakakarecover sa coma.Si ate alam kong lumalaban rin po sya para sa atin...kaya wag po sana tayong sumuko mama..."
Hirap na sabi ni mayleen ke mama."Maraming salamat mayleen...ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mong yan.Sa kanya kasi nakikinig si mama magaling syang magpalakas ng loob."
Tumingin siya kina mama at papa at kahit alam kong nag-aalala rin sya.isang ngiti parin ang ipinakita nya.Napangiti rin ako.Dahil kahit papano napapalakas nya ang pinanghihinaan kong loob.Natigil din sa wakas ang iyakan.Tahimik at kalmado na ang lahat.
Ala una na nang madaling araw......
Muli nanamang umiyak si mama,malakas na iyak habang yakap nya ang katawan kong tadtad ng maraming ibat-ibang klase ng Aparatus..
Kung alam niyo lang nandito lang naman ako palagi sa tabi nyo mama.Ang kamay koy nasa balikat nya at ginagawa ko ang paraan upang muli syang patahanin..pero...hindi na ako katulad ng dati..na nahahawakan at nakikita."Lucille...anak! Pakiusap gumising kana anak......
Malakas na pagsusumamo ni mama habang hinihimas-himas nito ang braso ko.Sobrang sakit.Parang pati kaluluwa ko ay mamatay sobrang lungkot.napakahirap.hindi ko nakayanan napatakbo ako palabas ng kwarto.
Sila mama't-papa..hindi pa sila natutulog kahit pagkain ay hindi rin at heto nanaman sya muli nanamang nagii-iyak.
Pinalipas ko ang ilang oras bago muling bumalik.Pagdating ko ay wala na roon sila mama at papa.Siguro'y iniuwi na sila ni manuel.Mabuti naman kung ganun.Hindi pweding narito sya sa ospital dahil lalo lang syang mahihirapan sa bawat araw na makikita nyang kalagayan ko.
Pero bakit si mayleen nandito pa??Si wilson nalang sana ang pinagbantay nila sa akin.Mahirap din ang mga pinagdaanan nya sa ngyari.Laking pasasalamat ko ngat hindi na trauma sa barilan ang bunso kong yan."Grabe...ang bilis.Everything was to much to handle.sobrang ang daming nangyari sa loob lang ng isang buong magdamag."
"A--a---ate?????"
Nung una hindi ko sya pinansin..dahil akala ko talaga binanggit lang nya pangalan ko.pero hinarang nya ang daraanan ko.
Nagsalubong ang mga kilay ko..hakbang sa kanan hakbang sa kaliwa mukha na kaming nagcha-Chacha..hindi pako nakuntento iniunat ko ang aking mga kamay at kinawayan sya ng malapit..
"Tsk!! Ano bang ginagawa mo ate??nakikita nga kita.."
Lumingon ako sa likod ko wala namang ibang tao..Nanlaki ang mga mata ko.....
"Napakasaya ko...masaya akong makita ka ulet ate..sorry! Sorry!
Nang-gigilid na ang mga luha nito mix emotions.."Sorry for what??walang may gusto na mangyari to..tsaka--
Biglang nahinto sa pagsasalita si lucille dahil..nakita nyang namimilog ang mga mata ng kapatid nya at kitang kita sa itsura nito ang pagka-amase...."He-hello...okay ka lang sis??"huy uyy...."
Kung mahahawakan lang sana nya itoy kanina pa to nakatanggap ng malakas na katok sa ulo."Ate...multo o anghel?alin ka sa dalawa?? Ang galing!!! Isa ka ng anghel ate.."
"Te-teka wala pa naman akong sagot ah..Ako?? A-Anghel daw???"
Napalingon ako sa likod ko wala naman akong pakpak,kinapa ko ang bandang ulo ko wala rin naman akong Halo.So nagbago ba itsura ko ng naging kaluluwa nalang ako??
Gumanda ba ako sa paningin nya para mapagkamalan ako ng bunso kong kapatid na isang anghel?Pasimple tuloy akong natawa.Sayang at hindi ko makikita ang sarili ko dahil wala naman na akong reflection sa harap ng salamin.
"Sandali....mayleen nakikita at naririnig mo ba talaga ako??"
"Loud and clear ate!!ano pang tinatayo-tayo mo dyan??sumanib kana!!"
Kitang-kita sa mga ngiti ng kapatid ko na umaasa syang makakabalik ako.
"So may 3rd eye ang kapatid kong bunso???"
"Bilis na ate...sumanib kana sa katawan mo,!"
"Pero...makailang ulit ko ng sinubukang sumanib sa katawan ko at walang nangyari.Ayaw ng sumanib ng kaluluwa ko sa katawan ko.Im not in my own body now.
Natahimik saglit si mayleen at tila nag-iisip.
"Tama!!katulad nung sinabi ni hesus ate! (Ang kaluluwa ay malakas ngunit ang katawan ay mahina) Baka kaya hindi ka makasanib sa katawan mo ay dahil mahina pa ito.Meaning dapat lumakas ang immune system ng body mo.!
Kahit kailan talaga magugulat ka na lang sa biglang lakas ng fighting spirit ng kapatid ko.
Lumapit ako sa sarili kong katawan at tinitigan.Mas nakakatakot pang tingnan ang katawan kong tadtad ng mga aparato kesa sa multong ako.
"Tingin mo papipiliin kaya nila ako between life and death??"
"Ayan ka nanaman ate eh,may chance kapang mabuhay kaya pansamantala naglakbay diwa ka!
Nga pala wag kang masyadong maglala-layo sa katawan mo ate malay mo bigla kang makasanib ulit.!""A soul without a body is not a human anymore mayleen.Baka hindi ito chance baka nga last day ko na to,last day na makikita ko pa at maririnig kayong lahat.Kuntento na ako sa munting himala na ibinigay satin ng diyos..
Malungkot ngunit pilit paring ngumiti si lucille.
BINABASA MO ANG
[ Eyes See You ] ON-HOLD
Misterio / SuspensoKung bakit naman kasi sa dinami-rami ng tao sa pilipinas ang impaktong si Larry pa ang naka-engkwentro nya. Hindi pa handa at hindi rin pweding mawalan ng trabaho si Mayleen.Ayaw niyang masira at mawala ang posisyong pinagpaguran ng kanyan...