Sa Ospital.....
Tinawagan ni mayleen mga magulang nila at ipinaalam dito ang mga nangyari."Kayo ho ba ang kasama nong pasyenteng nabaril?"
Tanong ng isa sa mga doctor na sumuri kay lucille."Ka--kapatid ko po siya,kumusta na ho ang ate ko??"
Pag-aalala ni mayleen"Delikado ang lagay ng pasyente,maraming dugo na ang nawala sa kanya bago pa siya nadala dito."
"A-ano pong ibig sabihin??"
Kinakabahang tanong ni mayleen."Kailangan niyang masalinan ng dugo upang mas malakas ang pangangatawan nya habang isinasagawa ang operasyon."
"Diyos ko!! Bakit..bakit ang anak ko?"
Umiiyak na wika ni aling malena nang marinig ang sinabi ng doctor."Mama! Papa!"
Dali-daling tumakbo at yumakap si mayleen.Naroon din ang mga kuya niya."Ano bang nagyari? Bakit nabaril ang ate mo?? Sinong bumaril sa kanya??"
Sunod-sunod na katanungan ni malena."Pakalmahin mo ang iyong kalooban ma,may awa ang diyos,makakaligtas si lucille"
Pagpapa-lakas loob ni Ernesto sa asawa."Ku-kung ano ho ang inaakala ninyo na makabubuti sa kapatid ko ay kayo na ho ang bahala doc."
Kinakabahang sabi ni manuel sa doctor."Ngunit wala ho kaming available na type AB+ at napaka-hirap pa ho humanap nang ganitong tipo ng dugo.Sa ngayon ay nagpapahanap pa ho kami nang dugong isasalin sa inyong pasyente."
Malungkot na paliwanag ng doctor sa kanila."Ano ho ang maitutulong namin sa inyo??"
Tanong ni wilson,pangatlong kapatid ni lucille."Sa lalong madaling panahon kailangan pong may mag-donate ng dugo para masalinan agad ang pasyente nang dugong kinakailangan niya.Maaring sa mga magulang,kapatid o di kaya'y kamag-anakan."
Mama! May iba pa po ba tayong malapit na kamag-anak??"
Tanong ni manuel sa ina"Meron..pero siguradong hindi nila tayo tutulungan..."
Hirap ang kalooban at magulo ang isipang sagot ni malena rito.Para namang pinipiga ang puso ni mayleen habang nakikita nito ang kanyang mga magulang na labis na nag-aalala.
"Doc! Pwede ho ba akong magdonate ng dugo sa aking anak??"
Tanong ni mang ernesto."Pwede naman ho sana kung wala kayong karamdamang taglay at kung katipo kayo ng dugo ng inyong anak"
Sagot ng doctor."Ako ho doc! pangalawang kapatid po ako nang pasyente at maaring magkatipo kaming dalawa ng dugo."
Lakas loob na pagpi-prisinta ni manuel."Ngayon din ay ipapasuri natin ang inyong dugo"
Sagot ng doctor bago ito kumaway ng isang nurse na maga-assist sa kanila sa Laboratory.Mabilis na isinagawa ang pagsusuri sa dugo nina mang ernesto at manuel.Makalipas ang ilang minuto lang ay nalaman na nila agad ang resulta.Si mang Ernesto ang katipo ng dugo ni lucille.At dito kukunin ang maraming dugo na kailangan ng pasyente.
"Kapag namatay si ate,dapat kamatayan din ang ihatol sa lalaking gumawa nito sa kanya!"
wika ni wilson."Kuya! Hwag niyo namang isipin ang kamatayan ni ate!"
Malungkot at galit na sita ni mayleen sa kapatid."Mayleen..kailangan nating tanggapin ang maaaring mangyari sa operasyon ni lucille."
Seryosong sagot ng padre de pamilya."Papa!!ginagawa ng mga doctor ang lahat para mailigtas si ate! Kaya sana po tumulong tayo na ipagdasal ang operasyon niya!!"
Reklamo ni mayleen sa ama.Sapagkat parang hindi nya makakaya kung talagang mamamatay ang ate lucille nya.
"Hi-hindi...hindi totoo ang sinasabi nyong yan!!!Hindi sya maaaring mamatay!!walang mamamatay!!!!"
Puno ng kalungkutan at paghihinagpis na wika ni aling malena sa lahat."Hindi nyo ba narinig ang sinabi ng doctor?? Sa mga tono ng pananalita nya..??"
"Papa!!!!!hindi ka nakakatulong! Buhay pa si ate at mabubuhay pa sya ng matagal!! bakit ba pinapatay mo sya agad???"
Inis na si mayleen."Lumabas na po siguro muna tayo papa.."
Aya ni wilson sa ama.Napansin naman ni mayleen ang pagpatak ng luha ni manuel.Bigla itong nakadama nang habag para sa kapatid.Tulad niya ay mahal din ng kuya niya si lucille.Nararamdaman din nito ang sakit at hirap ng kaloobang nadarama nya ng mga oras na iyon.
"Walang puso! Walang kaluluwa ang may gawa nito sa ate nyo!!"
Sambit ni malena habang nakatingin sa pintuan ng ICU.Maya maya pa ay biglang nagtatakbo palabas ang nurse na katulong ng doctor sa pag-aasikaso sa kalagayan ni lucille.Kasunod nuon ang pagdating pa ng apat na mga doctor.
Nahirapan daw sa paghinga si lucille at dahil sa tindi nang hirap na nararamdaman nito'y tumitirik na ang mga mata nito.
Taranta ang apat na doctor.Agad na binomba nang hangin ang dibdib ni lucille upang madugtungan pa ang hininga nito.
"Lu-lucille!!!!anak ko......"
Sigaw ni malena nang makita ang mga doctor at nurse na tila nagkakagulo."Pakiusap...pakiusap tulungan niyo po si ate lucille,diyos ko pakiusap.."
Umiiyak na dasal ni mayleen,dahil alam niyang nasa bingit na ito ng kamatayan.Patuloy ang pagdarasal at pagsusumamo ng buong pamilya.
BINABASA MO ANG
[ Eyes See You ] ON-HOLD
غموض / إثارةKung bakit naman kasi sa dinami-rami ng tao sa pilipinas ang impaktong si Larry pa ang naka-engkwentro nya. Hindi pa handa at hindi rin pweding mawalan ng trabaho si Mayleen.Ayaw niyang masira at mawala ang posisyong pinagpaguran ng kanyan...