Kanina pang nakatayo sa tapat ng pinto si aling Malena.Panay ang sulyap nito sa orasan at sa pintuan.
Halata at makikita sa paa nito ang pagkayamot.
Alas otso na kasi nang gabi ay hindi parin umuuwi ang dalawa niyang anak na babae.At bilang ina ay hindi maiiwasan na mag-alala sya.
"I'm on my way na! Oo kasama ko si mayleen,sabay na kaming uuwi ngayon"
Sagot ni Lucille sa tawag ng kapatid nyang pangalawa na si manuel."Will be there..siguro mga 15 minutes pa! May bibilhin pa raw si mayleen sa drugstore."
"Bilisan mo naman ate..baka mamaya neto mag-report na sa mga pulis si mama" sabay kamot sa ulo.
"I know! Nagmamadali na nga kami.."
Haist! Ito na ang pangatlong tawag sa akin ni manuel.Every 15 minutes ata ay inuutusan sya ni mama na i-check kung nasaan na kami.
At palagi na lang nya sinasabing magre-report si mama sa mga pulis eh alam ko naman na malabong mangyari.Dahil isa lamang iyon sa mga panakot ni mama sa aming lahat.
Ang 15 minutes ay naging One hour....Dahil sa kasamaang palad na-istranded pa kami sa isang waiting shed.
"Pagminalas-malas ka nga naman..tsk! Bakit ngayon pa tumumal ang nga namamasada??pagrereklamo ni Lucille na naiinip na.
"Mag-message ka ulet kina kuya.sabihin mong nag-aabang na tayo nang masasakyan.dagdag ni mayleen"Kanina pa ako ng message .Himala nga eh walang reply or tawag?? Sagot ni Lucille
"Baka naubusan na ng Load mga yun."tugon naman ni mayleen.
Apat silang nasa waiting shed nang gabing iyon.Silang magkapatid at isang matandang babae at isang binatilyo at tila maglola ang dalawa.
Habang nag-aantay ang lahat ay may dumaang single motor na may isang angkas.Nang makalampas ito nang bahagya sa kanilang kinaroroonan ay huminto iyon.Bumaba ang dalawang sakay niyon na kapwa mga lalaking mukang hindi mapagka-katiwalaan.
Ang isa ay agad na lumapit kay mayleen at isa nama'y sa mag lola."Miss! pwede kaba naming maimbitahan?" preskong tanong ng isa sa mga lalaki.
Nagka-tinginan ang magkapatid sa isat-isa.Napalingon rin sa binatilyo si lucille.
Nakadama siya ng inis nang marinig ang mga sinabi ng lalaki.Subalit napapa-isip rin siya kung anong kanyang gagawin.
Kung sakali bang tutulong ang binatilyo sa kanila,kung gagawa siya ng hakbang.
"Pa-pasensya na ho kayo,pero...hindi ho ako maaaring sumama sa inyo" mahina at kinakabahang sagot ni mayleen.
BINABASA MO ANG
[ Eyes See You ] ON-HOLD
Misterio / SuspensoKung bakit naman kasi sa dinami-rami ng tao sa pilipinas ang impaktong si Larry pa ang naka-engkwentro nya. Hindi pa handa at hindi rin pweding mawalan ng trabaho si Mayleen.Ayaw niyang masira at mawala ang posisyong pinagpaguran ng kanyan...