Sa Apartment. . .
Abalang naghahanda para sa lulutuin niyang pananghalian si Mayleen.At kahit abala'y napansin niya parin ang ate Lucille niya na kanina pang tahimik lamang na nakaupo sa sala at nakadungaw sa bintana.Tila may malalim na iniisip.
Noong una'y hinayaan na lamang iyon ni Mayleen,bagkus ay ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa lulutuin.
Ugali na ni Mayleen na maraming kalat sa ibabaw ng lamesa.Madalas sa tuwing magluluto siya ay nakakalat na sa mesa ang mga sangkap na kakailanganin niya sa pagluluto.Kasalukuyang nagbabalat siya ng patola ng hindi niya matiis na kausapin ang kapatid.
"May problema ba ate?"tanong ni mayleen na hindi tumingin at abala parin sa pagbabalat.
Nanlalatang lumapit si Lucille,bagsak ang dalawang braso nitong naglakad at lumapit.Umupo sa upuang nasa mesa at isinubsob ang ulo sa ibabaw ng mesa.
"Nagkaganyan ka simula nang magkausap kayo ni sir Mateo.Ano bang pinag-usapan niyo kanina?"
Mahina at naglalambing na tono ng pagtatanong ni Mayleen."Bakit ganun sissy?talaga nga kayang totoo ang kasabihang "Ang masamang damo,mahaba ang buhay?"hindi nag-angat ng ulo si Lucille ng itanong niya iyon.Nanatiling nakadukdok parin ang ulo nito sa mesa.
"Ba't naman natanong mo yan bigla?"pagtataka ni Mayleen na sandaling nahinto sa pagbabalat ng patola.
"yung dalawang taong nangursunada sayo napakasama nilang tao pero hangang ngayon buhay parin sila,Oo naka-kulong na nga ang isa pero..para sakin hindi sapat iyon.Hindi mangyayari samin to ni Mateo kung---"
Hindi pa man natatapos sa sasabihin niya si Lucille ay pinutol na iyon ni Mayleen nang katanungan.
"Si sir Mateo? Ano naman ang kinalaman dun ni Mateo ate??"salubong ang kilay ni Mayleen at halatang nagtataka.
"Naalala mo yung mag-lolang nakasabay natin nuon sa waitingshed?Si Mateo pala ang lalaking yun,si Mateo ang tumulong satin."
Sa pagkakataong ito ay nag-angat na nang ulo si Lucille at tumingin sa kapatid.Nabigla si Mayleen,nabitawan nito ang kutsilyo at patola na nasalo ng mesa."T-totoo bang sinasabi mo ate?i-ibig sabihin kaya namatay s-sir Mateo ay dahil binalikan sya nang taong nakatakas?" Nanginig ang katawan ni Mayleen,napuna iyon ni Lucille.
"Hindi siya binalikan,nagkasakit raw siya't namatay.inihalintulad ko lang samin ni Mateo ang sitwasyon.Hindi naman kami ganun kasama! Pero kami pa tuloy itong minalas."pagpapaliwanag ni Lucille.
Muling dinampot ni Mayleen ang kutsilyo't patola at ipinagpatuloy ang pag-aasikaso.
"Kaya pala siguro nakikita niyo ang isa't-isa at nakikita rin namin kayo ay dahil nagkaroon pala tayo ng Connection's sa isa't-isa nung nabubuhay pa kayo.Hindi ko akalaing si Sir Mateo pala ang binatilyong tumulong satin noon."Naka-ngiti si Mayleen nawala na ang kabang nararamdaman niya kanina.
"Sayang at maaga siyang nawala,kung sino pa mabait na tao sya pang may maiksing buhay."dagdag naman ni Lucille
"Hindi ko makakalimutan ang kabaitan niya,Naalala ko pa nuong nabaril ka't hinimatay naman ako,nataranta din siya nuon.Hindi ko mang nakita lahat pero bago ako tuluyang mawalan ng ulirat ay naririnig ko ang boses nilang mag-lola."
*FLASH BACK SA WAITING SHED*
Ang eksena ay nung nabaril si Lucille..
Makikita ang kumpletong eksena nito sa Chapter One ng aking Kwento..Sobra-sobra ang dating ng galit sa dibdib ni Mayleen.Hindi siya makasigaw lalo na nang makita niya ang dugo sa kanyang mga kamay na galing sa katawan ng ate Lucille niya.Na siya palang tinamaan nang balang nagmula sa baril nang lalaking nangursunada sa kanila.
Hindi naka-hinga ng maayos si Mayleen nang makita niya ang dugo hangang sa magdilim ang kanyang paningin at tuluyang nawalan ng malay.
Agad namang tumakbo ang salarin at naiwan ang kasama nitong nawalan rin ng malay.Ang matandang babae,bagkus ay shock's parin sa nangyari ay pinilit na sumigaw upang humingi ng tulong.
tumulong narin ang binatilyong nakilala na sa pangalang MATEO.Binuhat at inihiga niya sa upuan ng waiting shed ang walang malay na si Mayleen.
"Lola...ano pong gagawin natin??"sigaw ni mateo bago siya nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan nang nag-aagaw buhay na si Lucille.
"M-may-leen..."hirap na sambit ni Lucille.
Habang kalong ni Mateo ang duguang katawan ng dalaga.Sumusuka na ng dugo si Lucille at hinang-hina na.
"Iha anak! Lakasan mo ang iyong loob,dadalhin ka namin sa ospital makakaligtas ka"kinig ang boses ng matanda nang sinabi niya iyon kay Lucille.
"Tulong!! Uh....lola! May paparating na sasakyan!"
Agad na nilapitan ni Mateo iyon at dumipa sa daraanan niyon para mapahinto.
Habang nasa byahe ay pilit na pinapalakas ng matanda ang kalooban ni Lucille.
"ipanatag mo ang iyong kalooban iha...makakaligtas ka! Kaya mo yan ..lumaban ka!"masuyong sabi ng matanda,habang hawak nito ang isang kamay ng dalaga.
"Hindi ka mamamatay miss! Malapit na tayo sa ospital,"malakas na wika ni Mateo.
Nagkamalay naman na si Mayleen,Dali-dali itong bumangon at tinawag ang ate niya.
"Ate?? Ate ako to si Mayleen! Gising ate tingnan mo may tumulong satin ligtas na tayo ate!"
*BALIK SA KASALUKUYAN*
"kundi dahil ke sir Mateo baka tuluyan kana talagang nawala ate"sambit ni Mayleen.
"Yeah...pero hindi naging mabait sa kanya ang kapalaran,kahit pa may mga tao syang natulungan at ginawan ng kabutihan,kinuha parin ng poong may kapal ang buhay niya."malungkot na wika naman ni Lucille.
"Siya nga pala so ate alam narin nya na tayo yung tinulungan nya nuon?"tanong ni Mayleen.
"Hindi ko pa nasabi sa kanya."sagot naman ni Lucille.
"Ngeek! Eh paano mo naman nasabi na sya nga yung binatilyo??"pag-uulit ni Mayleen
"Dahil nabanggit niya na nuon meron daw siyang tinulungan na magkapatid na sobrang mahal ang isa't-isa parang tayo daw sa sitwasyon natin ngayon."sagot ni Lucille.
____________________________________________________________________________
Finally.....
Chapter # 21 is Done! ^_^
Thank you so much for reading my story. it realy means a lot to me and i realy appreciate it.
Special thank's din po sa mga nag-VOTES and COMMENT'S
Napasaya niyo po talaga ako...
Sana hangang sa mga Susunod na Chapter ay magkita-kita po ulet tayo!!
Muahhhhh.......
Your's Truly.....
Nichinarymind
____________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
[ Eyes See You ] ON-HOLD
Mystery / ThrillerKung bakit naman kasi sa dinami-rami ng tao sa pilipinas ang impaktong si Larry pa ang naka-engkwentro nya. Hindi pa handa at hindi rin pweding mawalan ng trabaho si Mayleen.Ayaw niyang masira at mawala ang posisyong pinagpaguran ng kanyan...