Chapter#7-Lodging Haus

68 57 3
                                    

                Pagdating palang ni mayleen sa Lodging haus ay sinalubong agad sya ni Jayson na kanina pa pala nag-aabang sa kanya.

"Beshie......."

                  Ang boses nito,ang facial expressions ay halatang may masama nga talagang ibinabadya.Dapat na ba siyang mabahala? O wag na kaya syang tumuloy pumasok? Baka naman kasi mainit lang ulo ni madam.Mga kaisipang nag-iingay sa isip ni mayleen habang naglalakad papalapit.





"Ano bang nangyari?a-anong problema ang tinutukoy mo?"
Hinihingal na tanong nito.



           Dumiretso ito sa kusina ibinaba ang bag sa isang upuan at kumuha ng maiinom.Nagtataka naman si jayson.


"Uhaw na uhaw te???"

"Kumakain ako nang almusal ng tumawag ka! Hindi ko na nagawang uminom sa pagmamadali na pumunta dito..So ano nga?"


"Beshie....may bibili na sa Lodging haus na ito."
Halos kusot-kusotin nito ang buhok.


Muntik namang mabilaukan sa tubig na iniinom si mayleen.


"Ano!?sigurado ka!??"

"Ay! Hinde beshie....nage-emote lang ako para maiba naman."
Pilosopong sagot ni jayson.


"Umayos ka nga bakla! Seryoso jayson ano nga??"



"Tingin mo magtsi-tsismax ba ako sayo kung hindi sigurado??Hindi lang ako ang nakarinig beshie...pati iba pa nating kasamahan ay narinig at nakitang may kausap si madam dun sa office  nya.Hindi ko nga lang nakita ang FEZ nung kausap ni madam sinara kasi agad ang pinto.Pero loud and clear ang boses nila at sabi oa nung buyer "Yes i like the place at kung walang ibang problema i have my lawyer para sa contract papers"



           Pinababa pa ni jayson ang boses niya,boses na parang galing sa banga para magaya lang ang tono ng lalaki.




"Kailangan ba talagang gayahin mo pa pati boses niya??"pagtataka ni mayleen



"Para feel na feel beshie....."




"Ok fine! Tapos anong sagot ni madam sa buyer??"




"Ano pa! Edi pakbet! Pak na pak at bet na bet daw niya ang offer..kaloka bilis mag-I DO ni madam...."sabi pa nga nya...

             At muli nanamang ginaya ni jayson ang boses ng madam nila.

"Naku...wala hong problema maayos naman po ang lahat ng papelis ng Lodging...Basta ba...wala rin ho tayong problema sayo i mean sa ibabayad niyo."



              Natatawa na naiinis si mayleen.Hindi na nya halos ma compare kung ka boses nga ba ito ng madam nila o para kasing naging ka boses na nito ay si Bibi Gandang hari.



"Mukhang pera talaga si madam..paano nya nasabing walang problema?Hindi ba manlang nya tayo naiisip?"
Palatak ni mayleen



"Eh kelan ba naman sya nag Care sa atin??Walang puso yun no.Dahil ang puso nya pera...pera! Pera! Pera! Hmmm....siguro pag hinimatay si madam paamuyin lang sya ng pera eh magkakamalay agad!"sarkastikong pagbibiro ni jayson



"Sira ka talaga..nanganganib na nga tayong mawalan nang trabaho nagawa mo pang magbiro."palatak ni maylee.




[ Eyes See You ] ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon