Chapter#16-Pasaway???

30 28 0
                                    

Pagpapatuloy ng Chapter#15.....

"Ikaw pa ang galit ha!"matapang na sita ni jared.

     Handa na syang mapalo sa ulo ng lampshade.Hindi niya uurungan ang babaeng ito.

"Anong ibig mong sabihin?"nalilitong tanong nito,mahigpit parin ang hawak sa lampshade.

"Sinagip ko lang naman ang buhay mo! Miss,"kampanteng sagot niya.

      Nag-rekax si jared ng makitang biglang natense ang babae.

"B-bakit? Ano ba'ng nangyari sa'kin?"nahihiyang tanong ni lucille.

"Ang ibig sabihin,wala kang natatandaan kagabi?"

   Hindi naman agad nakakibo si lucille bagkus ay nagsalubong lang mga kilay nito.

"Hindi ka naman amoy alak pero parang lasing na lasing ka kagabi.Muntik kana ngang malunod kung di lang kita sinagip.Hindi ko naman alam kung saang cottage ka nag-stay kaya dito nalang kita dinala.I swear wala akong ginawang masama sayo."paliwanag ni jared.

"Sinungaling!!!"sigaw ng babae
Nagtangis na mga bagang ni jared.

"I'm not lying miss! Ako na nga ang nagmagandang loob na tumulong sayo! Tapos aakusahan mo pa ako na nagsisinungaling??What's wrong with you?i mean miss,hindi sa nakikialam ako pero parang may mali ata sayo?"

"Kung hindi ka nagsisinungaling,Dapat hindi mo'ko nakikita!,Naririnig! at Nahahawakan!!"sagot mg dalaga

"Ano bang mga pinagsasa-sabi mo?H-hindi kita maintindihan miss,"

Hindi nanaman kumibo ang babae,tiningnan lang siya nito ng masama.

"K-kaya kitang tulungan.Miss k-kung may problema ka tutulungan kita,mabuti akong tao.Kung masama akong tao edi sana hindi kita tinulungan hinayaan at pinanuod na lang kitang nalunod sa River ng gabing yon.Mapagkakatiwalaan ako."muling paliwanag ni jared.

"Nagpapatawa kaba? Pa'no ko malulunod eh patay na'ko!"wika ng babae

    Binagsak nito ang hawak na lampshade,mabilis na tinungo ang pinto lumabas doon atsaka padabog iyong isinara.

"Geezz!! What's wrong with her?nasambit niya.Oh No wait! Nakalimutan kong itanong name niya!!"

  Humabol palabas si jared pero mabilis na nawala ang babae.

"At Mayleen's Apartment"

    Katatapos lang magluto ng almusal si mayleen,nakaupo na ito sa harap ng lamesa.She prepared Ham and Cheese sandwich and a cap of coffee,Good for two person's.Bago niya maalalang..sya nga lang pala ang mag-aalmusal.
   Napatulala nalamang siyang nakatingin sa bakanteng upuan sa tapat niya.
     Ilang sandali pa ay tumulo na ang mga luha nito.Sumasabay pa kasing Nagpa-Flush back sa isip niya ang mga magagandang alaala nung okay pa ang lahat,nung hindi pa nadisgrasya ang ate lucille niya,nung masaya pa ang buong pamilya.

"Haist! Thank's God nakabalik din."

   Biglang lumitaw ang ate lucille nya sa kanyang harapan.Dali-dali niyang pinunasan ang mga luha niya at pilit ngumiti at bumati.

"Good morning ate!!"pagbati sabay ngiti.

"Huh?? May...darating ka bang bisita sis? B-bakit pang dalawahan ata tong almusal??"
Pagtataka ni lucille habang nakaturo pa sa pagkain ang daliri nito.

"Actually para sayo sana yan,Hehe.nakalimutan ko hindi nga pala kumakain ang mga multo."pilit parin ang ngiti ni mayleen.

      Umupo sa bakanteng upuan si lucille at naka-ngiting tumingin sa kapatid.

"Matagal-tagal narin simula ng mangyari ang himala pero hangang ngayon nalilito kapa rin."mahinang sabi ni lucille

"Sorry ate..hmmm....miss you! I miss you so much,gustong-gusto na kitang yakapin pero--"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito.

"Mayleen.....anong habilin ko??"paalala ni lucille.

"Bawal umiyak at walang malulungkot."wika nito at nagpahid na ng mga luha at ngumiti.

"Okay! Change topic!! Pumalakpak pa si lucille.Nga pala! May good news ako sayo,Watch me!"masaya at excited pa ito.

       Tangkang hahawakan ni lucille ang isang Mug ng kape na nasa mesa.Namilog naman ang mga mata ni mayleen habang nag-aabang sa mangyayari.

"Tsaran!!! Huh??anong...b-bakit??"makailang beses na inulit-ulit ni lucille na hawakan ang mug pero paulit-ulit lang ding tumatagos ang kamay nya dito.

Napailing ang dalaga..

"Bakit ganun??kanina lang ay nagawa ko ng makahawak ng anumang bagay ah..Bakit ngayon.Tsk! Imposible naman.Hawak ko talaga yung lampshade pati nga kumot nahawakan ko rin."pagtataka ni lucille.

"L-lampshade?? K-kumot??"Ulit ni mayleen na nagtataka.

"Sorry sis....Kagabi nagpunta ako ng sementeryo,ewan kung anong nag-udyok sakin na pumunta dun,basta pumunta nalang ako dun bigla."paliwanag ni lucille.

"Ate! Diba nga sabi nung medium hindi ka dapat nagpupunta sa sementeryo! Baka maagaw ang kaluluwa mo at ipagpalit ng mga naroon na patay na talaga.Tsk! Ate naman eh.."napakamot nalamang sa ulo si mayleen.So ano? May kakaiba bang nangyayari sa katawan mo este sa espirito mo?Tsaka anong lampshade at kumot ang pinagsasabi mo??"naiinis na tanong ni mayleen na may halong pag-aalala.

"Nung nandun ako? Wala namang nangyari...Pero yung mga kasunod pang naganap hindi ko na talaga matandaan eh.Hindi naman ako hinimatay pero nagulat nalang ako nung magising ako na nasa kwarto ng isang lalaki."

"Ano???"napalakas bigla ang boses ni mayleen.

"Sis....kakaiba siya! Bukod sa nakikita at naririnig niya ako ay nahahawakan rin nya ako.Ang sabi pa nga niya iniligtas daw niya ako."

"Iniligtas saan???"pagtataka ni mayleen

"Sa pagkalunod,ewan hindi ko talaga maalala kung bakit nasa lugar na yun ako..Pero sis promise nakahawak na'ko ng gamit!'

"Naku ate! Sinasabi ko sayo,wag kang maggiginala-gala.Paano kung yung lalaking tinutukoy mo eh masamang espiritista pala o kanang kamay ni Grim reaper.Pag ikaw nahuli ng mga paranormal experts,naku!"pananakot ni mayleen.

"Akala ko nga talaga na trap na'ko kanina.Buti't nagawa ko pa syang takasan."wika naman ni lucille.


                                                                       
                                                                       
Finally!!!!
       Chapter#16 is done!
Thank you so much for reading this story.i really appreciated your effort to give time na Basahin ito..
Your VOTES and COMMENTS
    it means a lot to me at sana magkita-kita ulet tayo sa susunod pang mga chapters..
                LOVE YOU ALL..😘
                                                                       
                                                                       









[ Eyes See You ] ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon