Chapter#11-Lalaking Multo

58 45 2
                                    

                Laking tuwa niya nang makitang si Larry pala ang humawak sa balikat niya.Agad natunaw ang takot na kanina ay kapit na kapit sa kanyang buong katawan.Muntik makalimutan ni mayleen na si impakto pala ang kayakap niya ngayon.

"Kung gusto mo lang palang mayakap ako,nagsabi kana lang sana.Kesa mag-hysterical ka pa!"
Sambit ni larry

                  Parang sinampal si mayleen sa sinabi ni larry.Nahimasmasan agad sya.

"Kampon ka talaga ng dilim!!"bulong ni mayleen sa isip.

                     Daig pa ni mayleen ang itinulak ng malakas sa pagtalsik nya palayo.

"Sensya na! Natakot lang..nagulat ako eh.Pero kung naisip kong mamasamain mo pa iyon at bibigyan ng ibang kahulugan.Eh yung upuan na lang sana ang niyakap ko!! Mawalang galang na ho,pero wag ho sana kayong pilingero."pang-aasar ni mayleen

"Ano ba naman kasi ang nakakatakot??akala ko ba naman matapang ka?"nagsalubong ang kilay ni larry.

"Para kasing....."Bumuga ng hangin si mayleen.

                   Ano nga ba ang nangyari??Bakit kanina,pagpihit nya ay mukha ng lalaki ang sumalubong sa kanya? Multo nga ba iyon? Pero...hindi naman pang horror ang mukha niya.Hindi rin naman malalalim ang mga mata niya.Tanong sa sarili ni mayleen..

              Natakot si mayleen dahil ang alam niya ate lang niya ang mismong multong nananakot dapat.At kanina wala naman syang nakitang ibang pumasok dito kundi silang tatlo lang.

               Kaya lang ay paniniwalaan ba naman siya ng lalaki kapag ikinuwento nya iyon?Siya rin mismo hindi rin makapaniwala.

               Iniba nalang nito ang usapan.

"Yung pinto!!!"
Patakbong binalikan iyon ni mayleen,saka pinihit muli ang doorknob.Napanganga na lang sya nang walang kahirap-hirap niyang nabuksan ang pinto.

"Mauna nako!"
Banggit ni mayleen.

"Sandali lang.."
Awat ni larry

                  Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang hilahin sya ni larry sa braso .

"Bakit nanaman ba??"
Tanong ni mayleen

"Gabi na"

"Alam ko! Obvious ba??"
Pagtataray ng dalaga.

"Ihahatid na kita."
Aya naman ni larry

                 Hindi iyon inaasahan ni mayleen.Nakakagulat isipin na naisip pa ni larry ang kapakanan niya.

"Hindi na..."tanggi ng dalaga

"Hwag ka nang magpakipot at hindi rin naman ako makakatiis na pabayaan ka.Dahil ako ang dahilan kung bakit nasa labas ka pa  ng dis oras ng gabi.Kaya lika na!Hinila sya nito papunta sa nakaparadang sasakyan.

                        Matapos itanong ni larry kung saan nakatira si mayleen ay balak niyang hindi na ito kibuin.Wala lang.Hindi lang talaga sya masalitang tao.

                         Pero kaunti pa lang ang naitatakbo ng sasakyan ay napatingin sya ke mayleen at napansin nyang nakasandal ang ulo nito sa bintana ng kotse habang yakap ang shoulder bag at nakapikit.

[ Eyes See You ] ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon